At tyaka lang ako nagising sa katotohanan ng siya ay magsalita.

"Miss, done checking me out?"

Sa sobrang pagkahiya dali-dali kung niligpit ang gamit ko at nagmamadaling lumabas sa coffee shop without looking at her. Pero bago pa akong tuluyang makalabas narinig ko siyang nagsalita pero hindi ko na iyon pinansin.

Dali-dali akong pumunta sa parking lot kung saan naka parada ang kotse ko.

Sa sobrang pagmamadali at dahil sa hindi ko maintindihang nararamdaman ko nagkahulog hulog pa ang susi ko bago ko pa mabuksan ang kotse.

Pagkabukas ko tinapon ko lahat ng gamit ko sa passenger seat at ang sarap iuntog ang ulo ko dahil sa katangahan ko.

Bigla akong napatalon sa kinauupuan ng biglang tumunog ang phone ko. Dali-dali kung hinanap ang phone ko at nung nakita ko, bigla akong naistatwa sa kinauupuan ko ng makita ko kung sino ang tumatawag.

"Honey." Basa ko sa pangalan ng tumatawag.

Nagdadalawang isip pa ako kung sasagutin ko ba o hindi. Pero sa huli sinagot ko parin ang tawag.

"Hello hon." Sabi ko sa nangingig kung boses.

"I'm in your condo, where are you Mitch?" Ramdam ko ang pagkalamig ng boses niya sa kabilang linya na nagpakaba lalo sakin.

"Papunta na dyan, akala ko sa susunod na araw kapa uuwi?" Sabi ko na himig ng pagtatampo, I need to pretend para hindi sya maghinala.

But I think its useless. At alam ko kung saan ito patutungo.

"Hurry, I need to tell you something."

As what I expect. Pagkatapos niyang sabihin iyon ay pinatay niya na ang tawag.

Dali-dali kung pinaandar ang kotse at pinaharurot papuntang condo ko. Salamat at hindi pa traffic ngayon.

Pagkarating ko sa parking lot ng condo, dali dali kung sinirado ang kotse ko at tumakbo papuntang elevator at pinindot ang 3.

Salamat naman at wala akong kasabay sa pagsakay. Hindi nagtagal ay tumunog ang elevator hudyat na nandito na ako sa third floor.

Paglabas ko dali-daling pinuntahan ko ang numero ng condo unit ko. I take a deep breath before I open the door.

At gaya ng inaasahan ko, nakita ko syang naka upo sa sofa na waring may hinihintay. At ng namalayan niyang nandito na ako, tumayo siya at tinitigan ako.

Yung tingin niya na hindi na katulad ng dati, hindi na yung matang puno ng pagmamahal, kundi para na itong yelo sa sobrang lamig. "You're here, take a sit, and lets discuss something." Pormal niyang sabi na para bang ako ay isang ka meeting niya sa negosyo,. Walang imik na umupo ako sa tapat niya at tinignan siya na parang nagtatanong. 

"So?" Tanging nasabi ko lang. 

"Hindi na ako mag paligoy ligoy pa. I'm here to break up with you Mitch. I'm so sorry." Para bang bombang sumabog sa harapan ko ang katagang kanyang binitawan na winasak ang buo kung pagkatao. Unti unting tumulo ang luha ko at di nagtagal napalitan na ito ng hagulgol.  

"But why? Kulang pa ba ako? Anong rason? Bakit bakit??!!!!! SABIHIN MO!!!!! SAAN BA AKO NAGKULANG HA?!!! " Sigaw ko sakanya. 

 Dahil sa halo halong emosyong nararamdaman ko hindi ko namalayan na tinatapon ko napala ang mga gamit na nahahawakan ko. Lumapit siya para pigilan ako ngunit matigas ang ulo ko at sinusuntok ko ang dibdib niya pero ano bang laban ko sa katulad niyang ayaw kung saktan. Hanggang sa mahawakan niya ang mga kamay ko at kinulong sa pagitan na palad niya at sa dingding na sinasandalan ko. 

 "STOP IT MITCHELLE STOP IT!! JUST ACCEPT THE FACT THAT I DON'T LOVE YOU ANYMORE!!" Sigaw niya ng pilit ko paring pumipiglas sa hawak niya. "SHIT MITCH! Hindi ikaw yung taong magpapasaya sakin, so let me go! Accept it! At GUMISING KA SA KATOTOHANAN NA GINAMIT LANG KITA!" Dahil sa sigaw at sinabi niyang iyon para bang natauhan ko. 

Para bang may nagising sa kalaliman ng katawan ko na gustong kumawala. Hinayaan ko lang ito at hininto ang pagpupumiglas sakanya at sinirado ang aking mata. Pero may kung anong pamilyar na pagbabago sa mga mata ko ng ito ay muli kung binuksan. Dahil sa higpit ng pagkahawak niya sa kamay ko Tinignan ko sya ng sobrang sama at pilit na kinukuha ang kamay ko sa kanya. Sa sobrang pagkabigla niya sa inasal ko , nakawala ako at tinulak ko siya.. 

 "Just tell me the T.R.U.T.H Mr. Salas." I told him with my most venomous voice without removing my stare at him. At hindi niya inaasahan na makikita niya ng harapan ang totoong kulay ko. Ang totoong ako. Ang matang hindi mo gugustuhing makita. 

 "W-w-wha-t h-appened to your eyes Mitch? Why it turns into a------" 

 "Oh Mister Salas just tell me the truth. Or else you will regret." Pinutol ko kung ano man ang sasabihin niya. It's his fault why this shitty eyes reveals again. At nakikita ko sa kanya ngayon ay ang sobrang takot na para bang nasa harap niya ang isang mamatay tao. Nakatulala lang siyang nakatingin sa mga mata ko. "JUST FUCKING ANSWER ME!!" Sinigaw ko sa kanya na parang wala na sa huwisyo. 

 "I'm sorry, I'm gay, and like what I've just said. I don't love you anymore." Tanging sinabi niya lang at kumaripas ng takbo palabas ng condo unit ko. 

 Napahalakhak nalang ako ng mapait ng hindi ko na siya makita! Tinapon ko lahat ng bagay na Makita ko dito sa sala ng condo unit ko winasak na para bang katulad ko na wasak na wasak. 

Parang isang oras din na ganun ang ginawa ko ng mamalayan ko na wala ni isang gamit sa condo unit ko ang pwedeng makinabangan. Napaupo nalang ako sa hapag at humagolgol doon ko inubos lahat ng sakit. Walang saysay kung magmamakaawa at manghahabol pa ako. I already knew what his final decision. I saw it with my two eyes. He's kissing a man. And that man is his bestfriend. 

 Ng mapagod na ako naisipan kung uminom pero kahit mga alak hindi na rin makikinabangan. Kaya ng pasya akong pumunta nalang sa malapit na bar.

Para uminom at magpakalasing.

Love & Secrets (gxg)Where stories live. Discover now