Three Bullies and One Girl

5 0 0
                                        

Isang araw, may babae na ang pangalan ay Danica. Siya ay baguhan pa lamang sa kanyang nilipatang eskwelahan, kaya't hindi nya alam kung saan ang daan papunta sa kanyang silid-aralan. Siya ay naligaw dahil napakalaki ng eskwelahang ito. Marami ang nakakita sa kanya at siya ay pinagtawanan. Nahiya siya sa mga ito, kaya't umuwi na lamang siya. Pag-uwi niya, tinanong siya ng kanyang nanay.
Nanay: Anak, bakit nandito ka? diba dapat nasa eskwelahan kana? (Nag-aalala)
Danica: Hindi ko po kasi alam ang daan papunta sa aking silid-aralan eh.. Kaya po umuwi na lang ako. (Malungkot)
Nanay: Ah sige anak, bukas na bukas, sasamahan kita papunta sa iyong silid-aralan.
Danica: Sige po nay. Salamat po
Kinabukasan, papasok na si Danica sa kanyang eskwelahan kasama niya ang kanyang nanay.
Nanay: Oh anak, hindi kana maliligaw dahil kasama mo na ako. Wag kana mag-alala anak.
Danica: Salamat nay, napakaswerte ko po dahil nagkaroon ako ng nanay katulad mo.
Nanay: Nako nak, ako ang maswerte dahil nagkaroon ako ng anak na masipag at mabait kagaya mo.
Danica: Nako si nanay, nambola pa, tara na nay mahuhuli na ako sa klase namin.
Nanay: Tara na.
Makalipas ang ilang minuto, dumating na sila sa eskwelahan. Nakarating na si Danica sa kanyang silid-aralan.
Nanay: Oh anak, magpapakabait ka ha, laging makikinig sa guro. Sige na nak, aalis na ang nanay.
Danica: Opo nay, sige na po. Ingat po kayo. Salamat nay sa paghatid.
Nanay: Sige na nak.
Pumasok na si Danica sa kanyang silid-aralan. Hindi niya namalayan na may bato pala sa kanyang harapan. Kaya't natalisod siya, at pinagtawanan siya ng kanyang mga kaklase. Ngunit tumayo pa rin siya.
Guro: Class. bakit niyo siya tinatawanan? May nakakatawa ba?
Tatlong babae: Opo ma'm. Lampa po kasi siya, hahahaha. (patuloy ang pagtawa)
Guro: Class. Hindi maganda ang pagtawa sa kapwa. Masama yon.
Babae 1: Tanga na nga lampa pa! Hahahaha!
Babae 2: Oo nga hindi marunong tumingin sa dinadaanan! Hahahaha!
Babae 3: Hahahaha!
Umupo na si Danica nung naramdaman niya na may sumisipa sa kanyang upuan.
Ngunit hinayaan niya lang ito at hindi niya ito pinansin. Ngunit mas lalong nilakasan ang pagsipa nito kaya napilitan siyang pagsabihan ito.
Danica: Pwede ba na itigil mo ang pagsipa sa upuan ko? Masakit kasi eh. Pasensya na.
Babae: Eh pano kung ayoko?! Bwiset!
Patuloy pa rin ang pagsipa nito sa kanyang upuan kaya napilitan na siyang isumbong ito sa guro. Ngunit tinakot siya nito.
Babae: Kapag sinumbong mo ko, humanda ka sakin.
Tumahimik si Danica at hindi niya na isinumbong ang babae. Makalipas ang ilang oras, tapos na ang oras ng pagtuturo, kainan na. Nahihiya si Danica dahil tinapay lamang ang kanyang baon at ang kanyang mga kaklase ay may mga pera at masasarap at mamahaling mga baon. Itinago ni Danica ang kanyang baon sa kanyang bag para hindi makita ng kanyang mga kaklase ito. Ngunit napansin ng kanyang mga kaklase na tila may tinatago si Danica.
Mga babae: Hoy lampa! Ano yang tinatago mo ha?! Patingin nga!
Danica: Wag please.. Nagmamakaawa ako sa inyo.
Nakita na ng mga babae ang kanyang pagkain. Pinagtawanan nila si Danica dahil sa kanyang mga baon.
Mga babae: Hahahahaha! Ang hirap niyo naman! Wala kang perang dala at mga masasarap na pagkain?! Hayys! Mahirap mahirap nga naman oh!
Nahiya si Danica at siya ay nagmukmok sa isang sulok. Nakita siya ng kanyang guro.
Guro: Danica, ano ang ginagawa mo dyan? Umupo kana sa iyong upuan.
Danica: Sige po ma'm.
Ipinagsigawan ng mga babae na mahirap lamang si Danica dahil tinapay lamang ang kanyang baon.
Mga babae: Alam niyo ba na mahirap lang si Danica?! Wag niyo siyang lalapitan at kakaibiganin ha! Baka mahawa kayo sa kahirapan niya!
Buong klase: Oo nga tama! Hahahahaha!
Nanahimik na lamang si Danica at patagong umiiyak. Ngunit may isang babaeng nilapitan siya. Ito ay si Jenny.
Jenny: Hello. Ikaw si Danica diba? Ako nga pala si Jenny. Bagong lipat din ako dito sa eskwelahan kagaya mo. Nakaranas na din ako ng pambubully. Pero naging matatag pa rin ako. Kaya maging matatag ka lang din. Wag ka magpapadala sa mga sinasabi nila ha. Nandito lang ako kapag kailangan mo ako ha.
Danica: Oo sige. Salamat sa pagdamay sakin. Pwede ba tayo maging magkaibigan?
Jenny: Oo naman. O sige babalik na ako sa upuan ko.
Danica: O sige.
Jenny: Mamaya sabay tayo pumunta sa canteen ha.
Danica: Wala akong pera eh.
Narinig ng mga kaklase niya ang kanyang sinabi. Pinagtawanan siya dahil wala siyang pera. Nahiya si Danica ng sobrang sobra. Napaiyak si Danica. Ngunit patago.
Guro: Class bakit naiyak si Danica?
Walang umimik at nagsalita. Ngunit patago ang mga babae na tumatawa kay Danica. Nakita ng kanilang guro na tila may tinatawanan ang mga babae.
Guro: Kayo? Bakit kayo tumatawa? Kayo ba ang nagpaiyak kay Danica?
Biglaang pagsabi ni Jenny.
Jenny: Opo, sila po ang nagpaiyak kay Danica.
Tinignan ng mga babae si Jenny ng masama, at tila may binabalak na masama. Kinabahan si Jenny.
Mga babae (pabulong sa isa't isa): Humanda satin to si Jenny mamaya.
Yumuko si Jenny na tila kinakabahan. Nilapitan ni Danica si Jenny at tinanong.
Danica: Jenny? Ok ka lang ba? Wag kana matakot.
Jenny: Ok lang ako Danica. Wag mo na ako intindihin.
Danica: Sigurado ka ba dyan sa sinasabi mo? Eh kitang kita nga sayo na hindi ka okay eh. Ano? Ayos ka lang ba talaga?
Jenny: Kinakabahan kasi ako sa mangyayari mamaya eh. Baka kasi nagalit sila Rose, Gia at si Jamie sakin eh. Dahil sa sinabi ko.
Danica: Ahh.. Yun ba? Daoat hindi mo nalang sinabi yun. Tuloy napahamak ka pa.
Jenny: Di pwede yun. Danica, kaibigan kita at kahit ano man ang mangyari, lagi kita ililigtas.
Danica: Jenny, sobra naman yung ginawa mo na pagliligtas sakin kanina. Pero salamat.
Jenny: Basta ikaw, Danica.
Lumipas na ang ilang oras at oras na ng kanilang kainan. Magkasama sina Danica at Jenny na bumili. Nakasalubong nila sila Rose, Gia at Jamie. Biglang kinabahan si Jenny. Bumulong ang mga babae sa isa't isa.
Gia: Girls. Gagantihan natin sila Danica at Jenny.
Rose: Oo. Nabibwiset ako sa kanila eh.
Jamie: Oo. Humanda na sila satin.




Você leu todos os capítulos publicados.

⏰ Última atualização: Oct 21, 2017 ⏰

Adicione esta história à sua Biblioteca e seja notificado quando novos capítulos chegarem!

Three Bullies And One GirlHistórias para pegar e não largar. Descubra agora