Chapter Two ~ The Boys

3 1 0
                                    


Khyzer's POV

'Kringg! Kringg!!'

Napabalikwas ako ng bangon nang tumunog ang alarm clock ko.

"6:30 am na pala"

Tumayo na ako at pumasok sa bathroom para maligo. Hindi kami pwedeng malate ngayon dahil this is our first day sa bago naming school.

Nang matapos akong maghanda ay bumaba na ako. Naabutan ko ang mga kaibigan ko na may kanya kanyang ginagawa. May nagluluto, may nagbabasa ng libro at may naglalaro ng bola habang nakasalampak sa sofa.

"Morning Bro" bati nila.

"Morning" saad ko sabay upo rin sa sofa.

Let me introduce myself first. I'm Khyzer McRegor a fourth year highschool student. My dad is an Australian and my mom is a Filipino. So it means i'm half Australian. And kasama ko ang tatlo kong best tropa.

The one who is cooking right now is Jerome Mortel, he's a year older than me. Actually he's the oldest but still we're all at the same year in school. He's a serious person. Madalas kase yang tumakbo as a school official sa dati naming school. Kaya ganyan ang ugali nya. Serious at responsible. By the way, he's also possessive and territorial. Naalala ko tuloy yung ex-girlfriend nya. Ang ugali nyang yun kase ang naging dahilan ng paghihiwalay nila. Pero kahit ganun ang nangyari hindi pa rin sya nagbabago. Okay lang sa amin yun dahil nasanay na rin naman kami sa kanya.

Si Ford Carter naman yung nagbabasa ng libro. Matanda rin sya ng isang taon sa akin pero mas bata sya kay Jerome. Among the four of us, he read books the most. Kapag pumasok ka ng kwarto nya, thousands of books will welcome you. May isang part kase ng kwarto nya na puro book shelves. Some girls call him nerd. But not just nerd, a 'hottie nerd'. May abs kase yang si Ford and pamatay ang kagwapuhan. Don't misunderstood it guys, i'm not gay. Oh I forgot to tell you that he's also a bitter person.

Yung nakasalampak naman sa sofa at naglalaro ng bola ay si Drew Williams. Parehas kami ng age pero medyo matanda sya sa akin ng ilang buwan. He's a sporty and brainy kind of boy. He likes playing sports especially basketball and soccer. But he still manage to maintain his high grade. Isa rin syang dakilang chickboy or playboy or whatever you guys call it. Actually he's not really that kind of a guy. It's because of a girl who broke his heart into pieces. Parehas sila ni Jerome. Pero this time, si Drew ang nakipaghiwalay. Nalaman nya kaseng while he's in a relationship with her ay may iba rin palang lalakeng dinedate ito. Kaya ayun, he doesn't trust girls easily.

"Come on guys, let's eat" saad ni Jerome.

Tumayo na kami at pumunta sa dining room para kumain.

"What do you think will be their reactions pag nakita nila tayo?" tanong sa amin ni Jerome.

"They will scream their lungs out like they've seen a hollywood stars. And I don't even know why" nakangiwing sagot ni Ford.

"Yeah, They will also greet us everytime they see us. And they'll also follow us and send some messages like a creepy stalker" bored kong sabi.

Napalingon naman kami kay Drew ng napangiti at napailing iling ito.

"Bro's they just want to get our attention. Do you get my point?  Look mga bro, the four of us were as handsome as hollywood or whatever goodlooking guys they say. So di natin maitatanggi na humanga sila sa atin" nakangising saad nya.

"Maybe" maikling saad ni Ford.

"Nga pala, mga bro's yung ibang mga books daw na wala pa tayo is kunin na lang daw natin sa principal mamaya bago pumasok"

Nagsitanguan naman kami kay Jerome. Napakabait talaga nitong lalakeng to kahit kailan.

"Speaking of books" nilunok muna ni Drew yung pagkaing nasa bibig nya at tumayo bago ipinagpatuloy ang sinasabi.

"Ford, pahiram muna ako nitong Mythology book mo ah" nakangising saad nya sabay takbo sa taas patungong kwarto nya.

"Drew Williams akin na yan! Baka ibalik mo nanaman yan ng walang cover at punit punit katulad ng ginawa mo sa iba kong books!"

Bigla namang hinabol ni Ford si Drew sa taas habang hawak pa ang gitara ko na balak nya yatang ipanghampas kay Drew. Kaya agad akong napatayo para habulin si Ford. Wala na akong pakialam sa mga pagkain na natapon dahil sa pagkabangga ko ng mesa. Aakyat na sana ako ng hagdan nang biglang sumigaw si Jerome.

Paglingon ko ay nakatingin na sya ng masama sa akin at puno ng mantsa ang ang damit nya.

'paktay na'

Wala na akong nagawa kundi tumakbo na rin paakyat dahil tumakbo na papunta sa akin si Jerome. Kaya ang ending apat na kaming naghahabulan. Si Drew na hinahabol ni Ford. Si Ford na hinahabol ko. At ako na hinahabol ni Jerome.

Tumakbo ako sa kung nasaan si Ford na pilit pa ring inaagaw kay Drew yung libro sabay hampas ng gitara sa likod nito. Pero syempre mahina lang. Agad ko naman syang pinuntahan para pigilan ang paghahampas ng gitara ko. Pilit ko pa ring pinipigilan si Ford sa panghahampas ng gitara nang biglang may nagkulong sa leeg ko gamit ang braso.

"Aghhh! Jerome ang sakit na, sorry na hindi ko naman sinasadya eh!" sigaw ko kay Jerome habang tinatanggal ang braso nya sa leeg ko.

"Nakita mo ba kung gaano kadumi yung damit ko!"

"Drew akin na kase yan! Sisirain mo nanaman yan eh! Dalawang libro na ang napunit wag mo nang gawing tatlo!" rinig kong sigaw ni Ford kay Drew na namumula na sa kakatawa.

"Di ko nga to' sisirain promise bro!" natatawang sagot ni Drew kay Ford na namumula na rin sa inis.

At nang dahil sa kakulitang naming yan ito ang naging resulta.......








"First day of class as an tranferees but LATE"

Ayan agad ang bumungad sa amin nang makapasok kami sa Principal's Office.

"Any reasons boy? A valid reasons" pagdidiin nya sa salitang 'VALID'

"Ahmm nasiraan po kase kami ng sasakyan" sagot ni Drew.

"So it means sabay sabay nasira ang mga luxury cars nyo? Diba sa inyo yun?  and unfortunately sa first day of school pa talaga"

Nakangiting saad ni Ma'am Silvia.

"Opo ma'am?" patanong na sagot ni Drew. Napabuntong hininga naman si Ma'am Silvia at napailing.

"Mukhang dadagdag kayo sa mga students na pasaway ah" mahinang saad nya.

"By the way, here's the book na kulang pa sa inyo and your lockers key. And for your section, all of you are belong in section one. Section one's room is located at the third floor, Room number 34"

"Thank you ma'am" tumango naman sya sa amin at ngumiti.

"Your welcome. You may now proceed to your room. Hindi nyo na naabutan ang first period nyo"

Tumango kami at kinuha yung mga libro at lockers key. Nagpaalam na kami kay Ma'am Silvia bago lumabas.

"Make it faster mga bro, third floor pa ang room natin" saad ni Jerome. Bumalik nanaman sya sa pagiging strict nya.

Agad naman naming binilisan ang paglalakad naming tatlo para masabayan sa paglalakad si Jerome.

Habang naglalakad napansin kong bumalik nanaman ang aura naming apat sa dati. Ang pagiging strict at bossy ni Jerome. Ang pagiging tahimik ni Ford. At ang pagiging seryoso namin ni Drew. Ganito kase kami kapag ibang tao ang nakakasama namin. Nagiging makulit lang naman kami kapag kami kaming apat lang ang magkakasama.

==========

Highschool MemoriesWhere stories live. Discover now