Battle 5♥

168 5 17
                                    

Hi There Couz salamat sa pagvote at pagcomment hehehehe

Dahil diyan I'll dedicate this one for you ahahaha :)

Guise read and support her stories too...

--->Fres (ONE SHOT)

--->My Childhood Bestfriend (Sugar high)

--->Dear Diary (ONE SHOT)

--->Promise of Forever (KATHNIEL)

--->FRIENDSHIP (Sugar High FanFic)

--------
Building stronger walls

Jayne's P.O.V.

I should've break his bones into smaller pieces, but why didn't I? Why can't I? It's like I was paralyzed at the moment. After that nagwalk-out talaga ako. I'm so frustated that time feeling ko nabastos ako and I just wanted to cry but no not in front of him.

Tumingin ako sakanya na nagbabasa sa isang desk dito sa library.

Week has passed simula nung halikan niya ako and I do my best para iwasan na magkatagpo kami though impossible gawa ng simula nang magkaayos si Nikki at Steve tas magkapatid pa si Sammy at yung si ano basta yung nasa harapan kong table lagi nang magkakasama ang grupo ng boyfriends and girlfriends every free time.

Well hindi naman nila pinipili na mas sumama sa mga jerks dahil yung mga jerks ang nagpipilit sumama. Kaso nainis ako gawa ng lagi silang nakabuntot sa amin kaya ako nalang ang lumayo.

Hindi na ako nakakasama sa Girlfriends. Pinupuntahan naman nila ako sa bahay to catch up and nung nagovernight sila tinanong nila ako pero nagdahilan ako na si maam PMS na kilala ng lahat bilang isang gurong napakalupit magbigay ng tasks ay yun nga may pinapatapos samin kaya kailangan kong mag concentrate dun na pinaniwalaan nila.

Ngayon ko lang ulit itong jerk na to nakita pagkatapos niyang medyo guhuin ang itinayo kong pader. Medyo busy siya sa pagbabasa ng kung anong anong libro na tungkol maybe sa field niya. I saw a lot of business and management books at his table. Nakasuot siya ngayon ng reading glass at seryoso talaga sa pagbabasa. Okay I'll be honest here he looks attractive wearing that glasses. So Mr. Heartbreaker is a genius eh?

"Shocksss. Bes nalaglag ata panty ko." narinig kong sabi ng isang babae sa katabi kong mesa at napakunot naman ang noo ko at tumingin sa baba niya pero wala naman akong nakitang panty.. Tsss!

"Gosh kung ito ba ang aabutan ko tuwing lunch ayos lang na hindi ako kumain sa cafeteria at magpakabusog nalang ako sa pagtingin sa kanya dito sa library." sabi naman nung medyo chubby na girl

"Gaah! Ang gwapo ng soon to be father ng mga anak ko." Napatingin naman ako dun sa babaeng nagsabe nun. Gah! Ang haharot! Tumingin din naman sakin ang babaeng yun ng nakataas na kilay.

Tsss. Mukha kang clown! Malandi!

"JAYNE!" nagulat ang lahat sa sumigaw ng pangalan ko. Agad namang nilapitan siya ng librarian at mukhang pinagsabihan. Nahihiya naman siyang lumapit sakin.

"Ano na namang trip mo at sinigaw mo ang pangalan ko rito ha galunggong!" mahina kong singhal sa kanya na napapakamot nalang sa batok niya.

"Sorry. Ngayon lang ulit kita nakita eh di na kita nakikita na kasama sina Nikki, kaya nagulat ako nung nakita kita dito sa lib eh hindi ko sinasadyang napalakas pala ang pagtawag ko sayo." napatingin naman ako dun sa mokong na katapatan ko lang.

Nakatingin lang siyang blangko samin. Ano kaya ang iniisip nito? Oh! Bakit nakataas na naman ang isang kilay neto? Konting konti nalang iisipin ko na talagang bading siya.

Tsaka ano? Siya pa ang mataray ngayon? Eh siya nga itong nanghalik! Peste siya!

"Oh yang noo mo nakakunot na naman, sige papangit ka niyan. Wala pa yung taong hahalik dyan para mawala, papayag ka ba na pag dumating siya pangit ka na?" pagalit naman akong tumingin sakanya. Pero ngumiti lang siya at lumapit dun sa kaibigan niyang mokong. Tsss.

Isa lang ang kaibigan kong lalake at si Steve yun, isa siya sa nakakaalam kung bakit ganto ako. Pagpapatuloy ko na sana ang pagbabasa ko nang makita kong nakatingin na naman sakin ang jerk na yun. Ano bang problema niya tusukin ko mata niya eh!

What is he thinking?! Napaka jerk talaga! Nakakainis ang lahat sakanya. Tsk! Yan ba? Siya ba ang nakakabuwag ng pader na itinayo mo? Ghad! Jayne gather your senses! Papayag ka bang maging fool sa pag ibig na yan because of him? Huwag kang tanga Jayne gamitin mo ang utak mo. Ang ganyang lalaki ang beterano pagdating sa paglalaro ng pag-ibig.

Nagising ako sa aking pag-iisip ng magvibrate ang phone ko.

From: Sammy♡

Beshyyy miss ka na ng girlfriends. Kelan ka ba hindi na busy?
-------
To: Sammy♡

Huwag niyong palapitin ang mga jerks satin, hindi na ako busy 😊
-------
From: Sammy♡

Sabi na! May feeling akong hindi ka busy, umiiwas ka lang! Tsk. Beshyyy sama ka na samin miss ka namin. Mamayang lunch ha sasama ka. Wag mo nalang pansinin ang mga boys ayaw talaga nila paawat sa pagsama eh. Hihintayin ka namin mamaya sa tambayan ah!

Haaay! Miss ko na rin sila. Tsss. Pupunta ba ako?

Oo kailangan mong pumunta Jayne. Hahayaan mo nalang bang isipin nilang affected ka sa mga jerks na yan?

No way! Pupunta ako! Tsss. Katulad nga ng sabi ni Sammy huwag ko nalang silang pansinin.

Papunta na ako sa tambayan ng mapadaan ako sa may narra tree malapit sa gym. Nakita ko kase si Tracey na parang may pinagaabutan ng cake na ginawa namin kanina.

"Kurt for you oh. I've baked this just for you kanina."

Nakita ko namang tinanggap niya ito na sobrang ikinatuwa ni Tracey bago naglakad paalis pero sa hindi kalayuan ay nagulat ako sa sunod na ginawa niya.

Napatingin naman ako kay Tracey, na kitang kita rin ang pagkakagulat. Shock and pain was visible to her.

He turned around and faced Tracey

"Sorry, it just slipped from my hands." referring to the cake that is now on a garbage bin and soon after he walked out

ASDFGHJKL!!!!!!!! JERKKKK! GRRRR!

Alam ba niya yung effort sa pagbabake ng isang cake?! Wtf! Sana hindi nalang niya tinanggap o ipinamigay nalang niya! Jerk! Moron!

Di man lang niya naiisip na ang daming tao ang nagugutom tapos siya tapon lang ng tapon! Di porket mayaman ang isang tao ay itatapon nalang ang isang bagay na hindi mahalaga para sa kanya!

ARGGHHH!!!! SAKTAN KA SANA NG TIYAN KURT KINGSLEY VILLAFUERTE!

Palabas na ako ng room ng makatanggap ako ng text galing kay Jhazz,  di na ako tumuloy kanina sa tambayan kase baka pag nakita ko yung asungot ay maitapon ko siya sa basurahan.  Tsss.

From: Jhazz♡

Tapos na class mo beshy? Nandito kami ng girlfriends sa clinic 😭.

--------------

To: Jhazz♡

Wae? Ayos lang kayo? Bat kayo nasa clinic?

Love you guyss....

XOXO

~agirlfullofdreams

The ManHater Vs. The HeartBreaker [HIATUS]Where stories live. Discover now