V: Hahaha, so game? (Sabay tingin sa kanila.)

Billy: Sige.

V: Okay, kita nalang tayo mamaya sa gym ah! (Sabay alis nito habang nakangiti. Nagkatinginan naman ang boys sa kinikilos ni Vice.)

Vhong: Ako lang ba nakapansin?

Billy: Bakit parang walang nangyari?

Echo: Tignan nalang natin sa mga susunod na mga araw.

Ryan: Dapat nga masaya tayo kasi di na galit bise.

Eruption: Tara na mga brad baka malate pa tayo.

Billy: Tara! (Yaya nya tsaka umalis .)

Habang papunta sa classroom si Vice sakto naman ang paglabas ni K sa classroom nila, kaya naman nagtama ang mga mata nila ni Vice pero agad umiwas si Vice at nagtuloy papunta sa classroom.

Pagkapasok naman ni Vice sa classroom nya, rinig sa kabilang room ang tili ng mga babae. Ngayon lang kasi nila makikita si Vice simula nung nahospital ito.

Gustong lumapit ng ibang mga babae para kamustahin siya pero nag-alangan ang mga ito.

Gaya ng napag-usapan nila Vhong after class ay magkikita-kita ang mga ito sa gym para sa practice nila. Dahil hindi same ang sked ni Vice sa mga kaibigan nya, nauna na ito sa gym at doon sila hinintay.

Nang matapos naman ang class nila Vhong agad ng pumunta ang mga ito sa gym para magbihis at makapag-practice na.

Anne: Girls, punta tayo sa gym nagpaparactice yung mga boys.

Angel: Sige, gusto ko rin makitang nagbabasketball si Echo.

Coleen: Sama natin si K.

Anne: Oo nga, nasan na naman sya? Gel, tawagan mo nga. (Kinuha naman nya ang cp at tinawagan ito.)

K: Napatawag ka? (Tanong nito.)

Angel: Couz, nasaan ka?

K: Nasa library, pero tapos naman na actually pababa na ako.

Angel: Sakto, wait ka namin sa harap ng admin building ha?

K: Bakit?

Angel: Punta tayo sa gym, nagpapractice kasi yung mga boys eh.

K: Nagpapractice? Kasama ba si...

Angel: Bilisan mo na, doon ka nalang namin hintayin. Sige na bye. (Sabay end nito ng call)

Anne: Ano daw?

Angel: Tara na, sa harap ng admin building nalang natin sya hintayin.

Coleen: Let's go! (excited na sabi nito) Magche-cheer ako kay billy.

Anne: Hindi karin excited noh leen?

Coleen: Not really. (Sabay alis ng mga ito.)

Naunang nakarating si K sa tagpuan nila kaya naman siya na ang naghintay sa kanila. Ilang minuto rin ang nakalipas ng dumating sila Anne.

Anne: Tara na!

K: Pwede bang wag nalang ako sumama?

Anne: K, pag nandito ka sa school, dapat nandito rin ang focus mo. Kung iniisip mo yung jhong na yun, pwede ba sa amin muna ang utak mo?

Angel: Kaya nga. Tara na! (Sabay hila ng kamay nito papunta sa gym.)

Dahil malapit lang ang admin building mula sa gym nila, wala pang 5 minutes at nakarating na ang mga ito. Nadatnan nilang naglalaro sila billy habang si Vice naman ay sumisigaw kung anong dapat na gawin at pwesto nila.

Bad Boy meets Good Girl || ViceRylleWhere stories live. Discover now