Chapter 1

209 23 18
                                        


"Nakung bata ka, saan ka nanaman galing at basang-basa yang Likod mo. Halika nga dito at pupunasan ko 'yang likod mo."

Dinampot ni manang ang towel at ginamit pampahid sa pawisan kong mukha at Likod.

"D'yan lang ho sa labas manang. Naglaro lang kami ng patintero ng mga kaibigan ko." Sabay turo sa labas ng gate.

"Naku malalagot ako sa mommy mo pag naabutan n'yang ganyan ang hitsura mo. Ang dungis-dungis mo. Amoy pawis ka pa. Oh s'ya sige, Kumain ka muna ng meryenda at pagkatapos ay maligo kana ha?"

"Opo manang, salamat po." Nginitian lang ako ni Manang at naglakad na siya papuntang kusina. Nagtungo ako sa dining table kung saan nakalapag ang juice at limang piraso ng sandwich.

"Manaaang, manaaaang!" Sigaw ko. Pupungas-pungas naman na tumakbo papalapit sa akin si manang.

"Oh ano hija. Okay kalang? May nangyari ba sayo? May masakit ba?" Tarantang tanong ng matanda. Napahagikhik ako ng tawa dahil sa nakikita kong pagkabalisa niya.

"Hihihi. Si Manang talaga magugulatin. Wala pong masakit sa akin. Ipagpapaalam ko lang kung pwede kong bigyan ng sandwich ang mga kaibigan ko sa labas. Hindi ko naman po mauubos ito eh."

"Ay ganon ba? Oh sige. Basta bilisan mo ha? Bumalik ka kaagad dito at ng makaligo ka na."

"Opo manang." Kinuha ko ang sandwiches na nakalagay sa plato at binitbit ko 'yon sa labas. Naabutan ko pang naglalaro ng tumbang preso ang mga kaibigan ko kaya agad ko silang tinawag.

"Lyve, Joany, Rona, Camilla Jackie! gusto n'yo ng sandwich? May dala ako." Nakangiting tawag ko sa kanila. Liningun naman nila ako at sabay sabay na nagtakbuhan palapit sa akin.

"Wow! Roxane, ang sarap siguro n'yan. Pahingi ako ng isa ha? Pinulot ni Lyve ang isang sandwich at saka isinubo 'yon. At gano'n din ang ginawa ng apat.

"Ang sarap ng tuna sandwich na gawa ni manang. Bukas pagpasok mo sa school, pagawa ka ulit ng ganito Kay Manang. Bigyan mo ulit kami ha? Hihihi." Bulalas ni Rona.

-

Mga bata palang kami ay kaming anim na ang palaging magkasama. Nakatira kasi kami sa iisang village kaya sabay-sabay kaming lumaki at nagkaisip.

Maging sa paaralan ay kaming anim ang Magkakasama, in fact pati noong high school ay magkaklase kaming anim. Maging ngayon na first year college na kami ay kami pa din ang mag kakasama. Iba-iba nga lang kami ng course pero iisang University lang and pinapasukan namin.

Sa tuwing may problema ang isa sa amin ay palagi kaming nand'yan para sa isat-isa. Magkasama kami sa hirap at saya. Ganoon ka solid and foundation ng friendship namin.

Noong minsang magkaroon ng problema si Rona sa kanyang boyfriend ay hindi namin siya iniwan. Iyak ng iyak no'n si Rona, pano ba naman, linuko lang naman s'ya ng playboy n'yang boyfriend. Ang malala! Ito pa ang may ganang makipag break sa kanya. Amazing right?! Sarap ipabogbog ang king inang gagong 'yon! Lakas makapanloko, akala mo naman Gwapo! Sarap ingud-ngud ang nguso sa semento!

Fourth year high school kami noong magka boyfriend naman itong si Joany, mas matanda ng limang taon ang boyfriend n'ya sa kanya kaya marami silang Hindi napagkakasundoan.

Nagulat nalang kami isang araw na tulala ito at halos Hindi na makausap. Hinayaan nalang muna namin s'ya hanggang magkusa s'yang mag open up. Napag alaman namin na nakita pala n'ya and boyfriend n'yang may kasamang buntis na babae habang naglalakad sa mall. Ikakasal na pala and loko kaya hayon! Naiwang luhaan ang kawawang si Joany.

I'M IN LOVE WITH THE PLAYBOYStories to obsess over. Discover now