"Good morning," Rico greeted back while the woman named Rei just nodded. "Shall we?"

Napatingin si Elisse sa Mama niya. Parang ayaw niyang umalis dahil mas gustong niyang manatili kasama ang ina. Pero kailangan niyang umalis, wala na siyang magagawa para tumanggi pa. Pinasadahan din ni Elisse ng tingin ang matalik na kaibigan. Asha smiled at her, silently encouraging her and telling her she needed to be brave.

With a heavy sigh, Elisse looked at Rico and nodded. "Sige po."

Naunang lumabas ang sundo niya, mukhang binibigyan siya ng panahon para mas makapagpaalam pa.

Yumakap si Elisse kay Rain niya habang tinatapik naman ni Asha ang kanyang likuran. Nagsimula na siyang umiyak ─ na sinubukan naman niyang pigilan ngunit sadyang mahirap. "Mami-miss po kita."

"I'll miss you, too, Elisse." Her mother answered while trying not to cry as well. "I love you. This is for your own good."

"Hm," She nodded. She understood but still, it hurts. "I love you, too."

"Huwag ka masyadong malulungkot do'n, Elisse. Magkikita pa naman tayo." Asha was trying her best to comfort her. Kahit papaano ay gumagaan ang loob ni Elisse. Hinarap niya ang matalik na kaibigan at niyakap ito, ang huli naman ay marahang hinaplos ang likuran niya. "Tahan na."

"H-hm."

"I love you." Asha whispered, "I'll always be here for you."

"I love you, too. Thank you."

Lumabas na si Elisse ng bahay at inihatid naman siya ng tingin ng dalawang taong pinakamahalaga sa buhay niya. Rico helped her with the baggage that she was thankful for and got inside the car right after. Nasa driver's seat si Rico samantalang katabi nito ang walang kakibu-kibong si Rei. Nakatingin pa rin si Elisse sa Mama niya at kay Asha.

She heard the car sprung back to life, the machine groaning, until it made a move forward. Hinabol niya ito ng tingin hanggang sa nakalayo na ang sasakyan. Huminga siya ng malalim para huwag maiyak. She can't afford to be lonelier. She needed to stay positive.

"Kamukha mo ang Mama mo." Rei said while looking at her through the mirror.

She nodded with a small smile. "Thank you."

"Pero magkaiba kayo ng mata." pagpuna nito, "Namana mo sa Papa mo?"

"S-siguro po."

Rei's right. Unlike her mother's charcoaled eyes, Elisse have a pair of dark brown orbs. Kulay itim ito sa unang tingin ngunit kapag tumagal ay mapapansin na ang pagiging kulay tsokolate nito.

Her thoughts diverted to her father whom she didn't meet even once. Hindi naman niya ito nami-miss kahit na minsa'y napapaisip siya kung anong pakiramdam na may ama. Wala rin namang nakukuwento ang Mama niya kaya hindi siya nagtatanong.

"You can sleep, Miss Ayaka." Rico suggested after a few minutes of silence. "Mahaba pa ang biyahe natin."

Hindi siya sumagot pero kinuha niya ang phone sa bulsa at ipinasak naman ang headseat sa magkabilang tainga. She closed her eyes after picking a song.

She cleared her mind, trying to avoid thoughts that will make her sad. She wanted some rest.

Unti-unting lumalim ang paghinga niya, maging ang talukap ng kanyang mga mata ay bumibigat. Mas lalo siyang inaantok dahil sa smooth na pagbiyahe, para siyang hinehele.

Elisse didn't resist the spirit of sleepiness and willingly accepted it. She gave her last exhale of conscious breath before succumbing into a deep sleep...

Hindi na niya namalayan kung gaano siya katagal nakatulog dahil nagising na lang siya nang makaramdam ng mahinang tapik sa kanyang balikat. Kumunot ang noo niya at nang imulat ang mata ay medyo nasilaw pa na hindi rin naman nagtagal.

Noong una ay naguluhan pa si Elisse kung nasaan siya pero kaagad ding kumalma nang mag-sink in na ang lahat. She's far away from home.

"Madali ka naman palang gisingin." Rei said to her, not showing any signs of emotion. "You can come out now."

Tumango si Elisse at napagtanto na siya na lang pala ang nasa loob ng sasakyan. Kaagad naman siyang lumabas nang mapansing buhat na ni Rico ang kanyang mga gamit. Nakaramdam man ng bahagyang pagkapahiya ay minabuti na lang niyang sundan ang mga itong maglakad.

Pagkalabas nila sa paradahan ng sasakyan ay halos malula siya sa laki ng mga gusaling natatanaw. Everything screamed vintage ─ tall and heavily designed infrastructures, big trees around the entire area that her eyes can roam ─ the place kept reminding her of museums and royalties. Halos lahat ay classy sa kanyang paningin.

May mga estudyante sa paligid at halos lahat ay napapatingin sa kanya. She felt small by their stares. Iiwasan niya na sana ang tumingin pero natigilan siya sa nakita sa mata ng isang estudyante. Naging pula ang mga mata nito ngunit kaagad din itong nawala kaya inakala ni Elisse na namalikmata lang siya.

That's impossible, she convinced herself. But there was a gnawing feeling in her guts, reminding her of a certain night she once experienced.

"Halika na at ihahatid ka namin sa dorm room mo."

Mabilis siyang sumunod. Malayo rin ang nilakad nila sa sobrang lawak ng eskuwelahan. Nasabi rin naman kasi ni Rei sa kanya na nasa likod na part ng school buildings nakapuwesto ang dorm ng lalaki at babae. She was starting to get tired with the long walks but her two companions didn't even sweat a little.

May sumalubong sa kanila sa lobby nang makarating. Isang lalaking naka-formal suit at mukhang bata pa ito sa tingin ni Elisse. May kasama itong babae, mahaba ang buhok at itim na itim ang mga mata. Elisse tried her best not to stare at the girl for too long.

"I'm the Dean of this school." The man in a formal suit smiled at her. "Welcome to Knight University."

"T-thank you po," magalang na sagot ni Elisse. Naisip niya na parang ang swerte naman niya't ang Dean pa ang sumalubong sa kanya.

"Of course. You are special."

Elisse frowned, certain that the thought was just in her head and didn't voice it out. Paano niya...did he just read my mind?

The Dean nodded amusingly. "Sort of."

Doon na siya nakaramdam ng kakaiba. Hindi niya mapigilan ang maguluhan sa nangyayari. Imposible namang mabasa nito ang iniisip niya.

Nilingon ni Elisse ang kasama babae ngDean ─ malamig lang ang pagkakatingin nito sa kanya. Elisse flinched when the girl shook her head, as if displeased. "The human doesn't know anything, I see."

Maging ang boses nito ay malamig pakinggan kahit na nakakahalina iyon sa pandinig sa hindi malamang dahilan. Ngunit hindi na niya iyon inintindi dahil mas lamang ang mga tanong na nabubuo sa isipan niya. "H-human? Pero hindi ba, ganoon din kayo? Why do you speak like —"

"Elisse Ayaka," the black orbed girl called her. Natigilan siya nang umangat ang isang gilid ng labi nito, na para bang naaaliw itong bigla sa kasalukuyang pangyayari. Elisse thought that the girl's mood was unpredictable. "Do you know what place the Knight University is?"

"W-what...do you mean?" Halos bulong na lang na lumabas iyon sa bibig ni Elisse. Naalala niya ang Mama niya, ang sabi nito'y magiging ligtas siya rito. Pero bakit parang gusto na niyang magdalawang isip? Parang gusto niyang kunin ang mga gamit at umalis.

"This is a school...for vampires," the girl said, rendering her speechless. "Welcome."

____

Blood Sucker (GL) [Completed, Unedited]Where stories live. Discover now