🔯 Chapter Twenty Four: Creepy Doppelganger

Comenzar desde el principio
                                        

Naalala ko si Laura.Kaya siguro, may memorya at feelings parin siya sa kasintahan niyang si Ristor dahil hindi nila naipagpatuloy ang kanilang pagmamahalan.

" Ang dami namang tinuro si Jegudi sayo tungkol sa bagay na yan. Siguro, Jana, You are not afraid of death anymore."

Of course, kinakalaban nga niya si Adie na isang ex- grim reaper diba? Am I expecting that she's afraid of death?

"Yan naman ang kapupuntahan nating mga tao. That's how we live, we die. We are born then die. Kaya, habang hindi pa nauubos ang oras mo, gawin mo na yong mga bagay na magpapasaya sayo."--Jana.

Parang nagha-heart to heart talk kami ni Jana. Eyyt. This is for the first time! Dito pa talaga sa isang busy at medyo maingay na fast food chain. What a nice ambiance huh?

" Tama ka, Jana."

Kaya habang humihinga pa ako, kailangan kong aminin sa kanya ang feelings ko! Pero hindi pa ako handa. Hindi ko alam kung paano ko ba sasabihin sa kanya.

Pagkatapos naming kumain, tumayo na kami sa kinauupuan namin.

Balik na naman kami sa task namin.

Habang naglalakad kami at naghahanap na naman ng kung saang sulok kung saan may mapagtatanongan na naman kaming mga multo, bigla akong nahinto nang makita ko ang isang matandang babae na may suot na itim na bestida. Nakalugay ang mala puti niyang buhok. Kitang-kita ko ang mukha niya sa side ng kinatatayuan ko ngayon.

" Si lola, Jana. Nandito siya. Baka may bibilhin siya. Tatanongin ko muna siya baka kailangan niya ng tulong."

Napakalakas pa naman ang lola ko dahil kaya pa nitong magpaka Gangster Queen pero matanda na siya at baka biglang sumakit ang likod niya kaya tutulongan ko muna sa mga bibitbitin niya.

Papunta na kami ni Jana sa kanya nang mas dumagsa ang mga tao sa paligid.

"Jana, halika--"

Hindi ko napagpatuloy ang sasabihin ko dahil nawala si Jana sa tabi ko. Sumunod siya sakin kanina ah!? Pero bigla siyang nawala na parang tinangay ng malakas na alon.

Napalingon-lingon ako sa paligid para hanapin si Jana pero may humila sakin. Si Lola.

"Tamang-tama, Kael. Samahan mo naman ako para tulongan ako sa mga bibilhin ko."--Lola.

Sumunod ako kay lola at hindi parin tumigil sa kakatingin sa paligid para hanapin si Jana.

Sumusunod lang ako ni lola ngunit medyo naka focus ako sa pag sca-scan sa paligid kung nandiyan ba si Jana hanggang sa natigilan ako nang tumigil kami sa isang abandonadong tindahan.

" Anong bibilhin natin dito, Lola?"

Sira-sira ang mga kisame dito. Ang sahig na gawa sa kahoy ay nagkabutas-butas na.

Madilim pero may kunting liwanag naman kaming naaanigan sa loob na nanggagaling sa sirang pintuan. Maraming basag na mga bote at plato dito. Diba dapat hindi ito pinapasukan? But we are here, nakapasok kami ni lola nang hindi ko napansin. Pero ano naman kayang sadya niya dito?

I waited for her answer. Hindi pa niya sinasagot ang tanong ko.

"Lola?"

Habang hinihintay na sumagot si lola, biglang nag ring at nagvibrate ang cellphone ko. Kinuha ko'to sa bulsa ko. Nakita ko na ang tumatawag ay si...lola.

Nanlaki ang mga mata ko habang palipat lipat ang tingin ko sa cellphone ko at sa lola na kaharap ko ngayon.

Baka naman naiwan lang ni lola ang cellphone niya? Masyado naman akong paranoid.

Creepy Red String Attached [ C O M P L E T E D ]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora