🔯 Chapter Twenty Four: Creepy Doppelganger

Start from the beginning
                                        

"Jana!huhuhuhu!" Aatakihin na ako sa puso! Hindi nga ako makagalaw sa kinatatayuan ko.

"Diyan ka lang. Hayaan mo siyang hawakan ka. Kakausapin ko siya."--Jana.

Di ba? Alam na alam ko talaga ang mga techniques ni Jana! Sa tuwing may pinapagawa si Jegudi samin, we always end up like this. Ginagawa akong pa-in.

"Nakikita ka namin. Ako si Jana at Kael ang pangalan ng matatakotin na lalake na hinahawakan mo. Gusto lang namin tanongin kung may nakita ka bang mga masasamang ispirito na kumukuha ng mga kaluluwa dito?"--Jana.

Mas lumamig ang kamay ng multo na nakahawak sa balikat ko. Agad ko nadama ang winter kahit hindi naman nagwi-winter dito.

" Nakita ko nga ang tinutukoy mo. Isa ako sa mga kaluluwang nakaligtas sa mga kamay niya. Sumasanib sila sa mga mahihinang katawan o sa mga katawang may mahihinang ispirito. Sumasanib rin sila sa mga masasamang tao para pumatay ng ibang tao. Sila...ay mga itim na tagasundo!"--Multo.

Hindi ko nakikita ang multo nato pero sa pagtatansya ko, isa itong matandang babaeng multo. Mahina na ang boses niya at sa tuwing nagbibitiw siya ng salita, may malamig na hanging bumabangga sa leeg ko. Hindi naman siguro siya humihinga kaya siguro hindi naman niya yon hininga?

"Nakita mo ba ang mga masasamang nilalang na iyon na naging tao?"--Jana.

Hinintay namin na sumagot ang multo pero bumitiw lang siya sa pagkakahawak sakin at naramdaman ko na nawala na ang tensyong nararamdaman ko dahil umalis na siya.

" Hindi niya sinagot ang katanongan natin. Ang multo na yon ay may kaalaman tungkol sa bagay na'to pero may pumipigil sa kanya para sabihin ang lahat."--Jana.

Sabi ni Jana as she made a step closer to me.

Seryoso siyang napatingin sakin pero alam kong may malalim siyang iniisip tungkol sa bagay na'to.

"Marami pa namang pwede nating mapagtatanongang multo. Kung mahirap silang hanapin ngayon, pwede naman nating ipagpatuloy ang task na'to kapag gabi na. Sa gabi naman talaga sila naghahasik ng lagim."

Sabi ko sa kanya at napatango siya. Teka, napapansin ko lang, noong nandito pa ako after that Gun shot incident, marami akong nakikitang mga naliligaw na multo sa madilim na sulok ng lugar na'to. Ngunit ngayon, mukhang bibihira na lang.

Di kaya dahil kinuha na sila ni Adie? At dinala na sa Dungeon of Lost souls?

Nagpatuloy na kami ni Jana sa pagtatanong sa mga multo pero tanging yong unang multo na nakausap namin ang nagbigay ng mahalagang impormasyon.

"Jana, bili muna tayo ng pagkain. Gutom na ako. Kumakalam na tiyan ko."

She has no response pero alam kong gusto rin niyang kumain na at magpahinga muna after a couple of hours of hardwork.

👻.👻.👻

"Alam mo ba na ang ibang mga kaluluwa ay wala ng maalala kung sino sila nang nabubuhay pa noon?"--Jana.

She asked out of nowhere nang magkaharap kaming naka upo sa isang table ng isang fast food chain habang kumakain ng burger.

" Ibig mong sabihin, wala na silang maalala if dati ba silang mayor, artista, kriminal? Pero yong mga multong nakaharap at natulongan natin noon, may naaalala pa naman sila diba?"

Uminom muna ng coke float si Jana.

"Hindi yon ang ibig kong sabihin. May mga multo na nakalimutan nila na masayahin, arogante,mabait o kung ano mang katangian meron sila noon. Kaya, may napapansin tayong mga matatamlay na multo at yan sila ang nakalimot na. Ang mga multo na hindi nakalimot sa dati nilang buhay at maging kung sino man sila dati, may bagay pa silang hindi nagagawa noong nabubuhay pa sila."--Jana.

Creepy Red String Attached [ C O M P L E T E D ]Where stories live. Discover now