🔯 Chapter Twenty Four: Creepy Doppelganger

Start from the beginning
                                        

"Let's go guys. This is what we came for~"--Jennifer. Kinanta niya ang huli niyang sinabi. Lumabas na kami ng bahay at sa daan na naghiwa-hiwalay.

Tahimik kaming naglalakad ni Jana ngayon. Sinusundan ko lang siya. Hindi ko alam kung saan siya tutungo. Alam ba niya ang patutunguhan namin?

" Sinusundan mo ba ako?"--Jana.

Nagulat ako sa tanong niya parang nagmumukhang stalker ako. Malakas ang pagkakasabi niya kaya narinig yon ng mga taong nag sisitayuan malapit samin.

Napalingon tuloy sila sakin. Pagdududahan akong stalker dahil sa mala drug lord kong mukha. Pero hindi naman ganon kalala ang mukha ko ngayon! Nakakatulog naman ako ng maayos kahit slight lang. I'm in my clean cut at hindi na ako dinadalaw ng pimples ko. Simula nang dumating si Jana, medyo napapaayos ko na ang mukha ko. Kaya siguro naman, hindi nila ako pag-iisipan ng masama.

"oo. Sinsundan kita. Saan ba kasi tayo pupunta?"

Napataas kilay siya. Napatingin siya sa surroundings niya at ibinalik rin naman ang tingin sakin.

"Hindi ko alam. Hindi ako tagarito."--Jana.

Napa face palm ako. Oo nga pala. Ako ang dating tagarito at parang tanga naman akong napasunod sa kanya!Pero...

" Pero bakit umaasta kang alam mo yong pupuntahan natin? Tsk."

Nag shift from neutral to extremely terrible ang mukha niya.

"Baka deska?[Are you stupid?] Sino bang may sabi sayo na susundan mo ako?"--Jana.

Napahinga ako ng malalim at hinawakan ang magkabilang baewang ko.

"Naglalakad ka lang naman na parang gusto mo na sundan kita!"

"Naglalakad lang naman ako pero hindi ko sinabi sayo na sundan mo ako!"--Jana.

Nagtataasan na kami ni Jana ng boses kaya mas lalo naming naaagaw ang atensyon ng mga tao sa paligid namin.

Natapos rin naman ang pagtatalo namin nang lumiwanag ang mukha niya. May nakita siyang madilim na iskinita.
Baka namumugaran doon ang mga kaluluwa na pwede naming pagtanongan tungkol kina Adie at ng kasamahan niya.

" Ayokong sumama sayo! Baka gawin mo pa akong alay sa mga multo!" Pinaghihila na niya ako papunta sa iskinita!

"Magtatanong lang naman tayo."--Jana.

Heto na! Heto na! Wahhhh!

Nakapasok na ako sa iskinita kasama si Jana.

" Jana!" Niyakap ko siya pero nagpupumiglas siya, kinuha ang kamay ko at!

"Ahhhhh!"

Narinig ko na parang may crack na ingay sa mga kamay ko. Sana naman hindi niya binali ang buto ko!

"Umayos ka. Hindi natin magagawa yong pinapagawa ni Jegudi satin kung aarte ka! Isa pa, kailangan nating taposin 'to ng maaga dahil... Sasamahan mo pa ako sa tulay na yon."--Jana.

Biglang nagsitayuan ang mga balahibo ko sa katawan. Nafe-feel ko ang ugat ko sa mga mata na parang nag stre-stretch. I pressed my lips then looked at her. Nakikita ko sa kanyang mga mata na nanggigigil siyang makapunta sa tulay na yon na parang Disney Land lang.

"Oo na. Heto na. I'm serious now. Hindi na ako matatakot! Lalakasan ko na ang loob---Potek! Ma--May malamig!"

May naramdaman akong nakahawak sa balikat ko na nanggagaling sa likuran ko. Kamay ito ng isang epal na multo na sa pagkakasilip ko ay parang nabubulok na! Nabubulok pero parang ipini-preserve parin sa refrigerator kaya malamig !

Creepy Red String Attached [ C O M P L E T E D ]Where stories live. Discover now