Agad akong naging conscious sa sarili! Uminit ang buong pangangatawan ko nang sinabi niya yon! It wasn't the first time that she teased me! Sinasabahin pa nga niya akong 'haggard' sa tuwing gumigising ako! Ganon siya ka harsh sakin. Pero ngayon, hiyang-hiya ako na may muta ako. Nakaka sheyt. Napaka girly ko para makaramdaman ng ganito. Baka magawa ko pang mag make-up sa susunod na sabihan niya akong haggard.
"Jana! Wala na?" Pagkatapos kong sikaping kunin yong mga muta sa mga mata ko kahit hindi nananalamin.
"Wala na. Pero haggard ka parin."--Jana.
Napaismid ako tska kunwari babatohin ko siya ng bato.
💀.💀.💀
Tinawag na kami ni Lola para kumain na ng breakfast. Hindi na kami nagulat na kasing gara ng dinner kagabi ang breakfast namin ngayon.
Pagkatapos naming kumain, nagpaalam kami kay lola na lalabas kami ng bahay para maglibot sa lugar at mag enjoy.
Ngunit ang totoo, may ipapagawa si Jegudi samin. By pair. Parang sasayaw lang.
"Bakit yan ang task namin!?"
Hindi ko gusto yong ipapagawa niya! Maghahanap kami ng mga multo sa kung saang sulok na medyo madilim. Kakausapin raw namin ang mga ito at tatanongin kung may nangyari ba na kung saan may mga kaluluwang kinuha sila Adie and friends.
Pero ayokong makipag-usap sa kanila. Natatakot nga akong makita sila tapos ngayon, kakausapin ko pa? Hindi ko kaya yon lalo na kapag hindi ko maintindihan ang itsura nila!
"Pumayag kana, Kael. Kasama mo naman si Jana eh."--Jegudi. Bulong niya sakin. Napasulyap pa ako kay Jana.
" Haaaa? Ayoko parin! Mas lalong ayaw ko! Ako ang ihaharap ni Jana sa mga multo!"
Kahit anong kontra ko, hindi na nag bago ang desisyon ni Jegudi.
Si Luiji naman ay nagrereklamo rin dahil ayaw niya na si Jennifer ang kasama niya.
"Ayoko sa babaeng yan! Wala akong magagawa kung siya ang kasama ko!"--Luiji.
Sinipa ni Jennifer ang tuhod niya kaya napa ungol si Luiji sa sakit.
Ang task na ibinigay sa kanila ay pumunta ng Police Station at magtatanong sa mga last recorded and unsolved crimes. May pupuntahan rin sila para malaman kung may recent incident ba ng suicide, devil possession o kahit anong paranormal na nangyari. Kasi raw, baka kagagawan yon ni Adie at ng kasamahan nito.
" Totoo! Wala nga kaming magagawang dalawa kung kami ang magkakasama kasi siguradong hindi siya tutulong! Tamad na utak monggo!"--Jennifer.
Napahingang malalim si Jegudi--hahaha! Nakakatawang isipin kasi isa na siyang kaluluwa kaya hindi na siya humihinga diba?
"Sige na. Gawin niyo nalang ang utos ko. Huwag na kayong maarte. Alam niyo, balang araw, papasalamatan niyo pa ako sa ginagawa ko sa inyo ngayon."--Jegudi.
Sabay kaming napatingin sa kanya. Pinagtatawanan lang niya kami.
" Nagbla-blush kayong apat!ahahaha! Sige bye-yo! Kitakits! May iba pa akong gagawin! Good luck sa mission niyo."--Jegudi.
Umalis na siya. Naiwan kaming apat dito na tahimik na nagkakatinginan sa isa't isa. Hindi ko nga inasahan na sabay pa kaming napabuntong hininga. Na stre-stress kami kahit hindi pa namin sinisimulang gawin ang mission namin.
KAMU SEDANG MEMBACA
Creepy Red String Attached [ C O M P L E T E D ]
HororKael was just a usual 13 year old kid not until he witnessed a gun shot incident right in front of his eyes. Eversince then, he got the ability to see wondering ghosts in any corner of his everyday living space for around five long years up until h...
🔯 Chapter Twenty Four: Creepy Doppelganger
Mulai dari awal
![Creepy Red String Attached [ C O M P L E T E D ]](https://img.wattpad.com/cover/39903611-64-k757270.jpg)