Chapter 20: Unexpected Turn Out

49.1K 1K 131
                                    


Samira's POV

Buong umaga akong hindi mapakali. Hindi kasi maalis sa isipan ko ang pagtawag ni Geron kahapon.

Totohanin kaya niyang magkikita kami ngayong lunch? Napatingin ako sa orasan. It's quarter to twelve. Kinabahan ako bigla dahil malapit na ang lunch break ko.

Kailangan ko na bang tumayo at magtago? Baka kasi darating na siya any minute from now. Kinakabahan ako sa pag-uusapan namin kaya ayokong magpakita sa kanya.

Akala ko umuwi na siya sa Manila at hindi na babalik. There must be something important dahil bumalik talaga siya dito.

"Sam, lunch break na. Bababa ka ba sa cafeteria?" tanong ni Lynne.

Umiling ako sa kanya. "Hindi eh. May baon kasi ako. Sa break room nalang siguro ako kakain."

"Sige. Bababa na ako."

Tumayo siya saka umalis na. Samantalang ako ay hindi makapag-decide kung ano ang gagawin. Pero mas safe pag sa break room nalang ako kakain.

Tumayo ako at kinuha ang bag ko na nasa ilalim ng desk ko saka naglakad papunta sa break room.

"Where do you think you're going?"

Nanigas ang mga paa ko at agad akong tumigil sa paghakbang nung narinig ko ang boses niya. Dahan-dahan akong lumingon sa kung saan siya. Napalunok ako dahil kahit anong iwas ko na magkita kami, lagi talaga kaming pinagtatagpo. Ano na naman kayang problema ang dala niya sa akin ngayon?

"B-bakit ka nandito?" nauutal na tanong ko.

"Picking you up."

Napailing ako sa kanya. "Hindi ako pumayag na sasama ako sayo—" Bago ko pa matapos ang sasabihin ko ay bigla na niya akong hinila sa kamay. "Geron, bitawan mo ko. Hindi mo dapat akong pilitin na sumama sayo."

Hindi siya nakinig at patuloy lang ito sa paghila sa akin. Gusto kong magreklamo pero ayokong maglikha ng gulo at ayokong makakuha ng atensyon baka pagtinginan ako ng mga ka-officemates ko.

Binitawan niya lang ang kamay ko nung nasa parking lot na kami at nasa harap na ng kotse niya. Agad kong minasahe ang kamay ko na binitawan niya dahil ang higpit ng pagkahawak niya kanina.

"Get in," matigas na utos niya pagkatapos niyang buksan ang pinto ng kotse.

Napatingin ako sa kotse saka sa kanya. "Hindi mo dapat ako pinipilit na sumama sayo. Sinabi ko na kanina na hindi ako sasama sayo, Geron."

Sinubukan kong patatagin ang boses ko kahit kinakabahan ako sa loob ko.

"Be thankful na ito lang ang ginawa ko sayo. You did worse than this to me. Remember what you did before? You didn't even ask me or tell me what you would do. Pasalamat ka nga dahil pinaalam ko pa sayo kahapon na kakausapin kita ngayon."

Natameme ako sa sinabi niya. Napayuko ako dahil hindi ko magawang tumingin sa mga mapanghusga niyang mga mata. Geron was really good in reminding me about the past. Kaya siguro hindi ako tuluyang nakaka-move on dahil alam kong may tao akong ginawan ng masama at si Geron iyon. Dahil sa ginawa ko, hindi pa rin siya natatahimik. Nandoon pa rin ang galit at pagkamuhi niya sa akin. Nasasaktan ako sa mga sinasabi niya pero ako naman ang dahilan bakit ganyan siya sa akin ngayon. I ruined him. I made him hate me to the core kaya ganun nalang siya makipag-usap sa akin. Ano kaya ang dapat kong gawin para pareho kaming maka-move on na sa nakaraan? Ano kaya ang pwede kong gawin para mawala ang galit niya sa akin?

Feeling ko kasi ay hindi kami matatahimik pareho pag hindi namin na patawad ang isa't-isa at pag hindi namin matanggap sa sarili namin ang mga nangyari noon.

When She Finally Gives Up (Hughes Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon