CHAPTER 17

4.5K 119 12
                                    


MASAYANG binalikan ni Earl si Liam sa table kung saan sila kumakain. Kakaalis lang ng tatay nito at alam niya, sa ngiti pa lamang ni Liam ay naging maayos ang pag-uusap ng dalawa. Ang makausap ni Liam ang daddy nito ang tangin alam niyang paraan upang makabawi siya sa sakit na ibinigay niya dito. Sa ganoong paraan man lang ay nakabawi na siya dito kahit papaano.

Pagkaupo niya sa inupuan niya kanina ay agad na kinuha ni Liam ang kanyang kamay. "Maraming salamat..." turan nito.

Ngumiti siya. "Walang anuman."

"Grabe lang itong mga nangyayari. Hindi ako makapaniwala. Nakapag-usap na kami ng daddy ko at nakapagpatawaran na kami tapos tanggap na niya ang pagkatao ko at kung anong meron tayo. Tapos makakaalis na rin tayo sa boyslive.com! Sandali. Tatawagan ko lang si Big Boss. Sasabihin ko sa kanya na hindi na tayo magsho-show."

Nagmamadali na kinuha ni Liam ang cellphone nito sa bulsa. Nais sanang pigilan ni Earl ang nobyo sa gagawin nito ngunit sigurado siyang magtataka ito. Kaya hinayaan na lang niya ito sa gagawin.

"Hello, Big Boss! May sasabihin po sana ako sa inyo..." Bahagyang nag-pause sa pagsasalita si Liam upang tumingin sa kanya. "Magre-resign na po kami ni Earl bilang performer niyo. Nakaipon na po kasi kami ng pera para magtayo ng business. Magbabagong-buhay na po sana kami. Opo... Opo! Maraming salamat po! Kayo rin po. God bless po!"

Masayang ibinaba ni Liam ang cellphone.

"Anong sabi ni Big Boss?" agad niyang tanong.

"Okay na. Pumayag na siya! Tuloy na tuloy na talaga tayo sa mga plano natin, Earl! Ang saya ko!"

"Ako din..." Isang pilit na ngiti ang gumuhit sa labi niya.

Oo. Nakawala na silang dalawa ni Liam sa trabahong iyon. Ngunit iyon ang alam nito dahil siya ay mukhang hindi pa...

-----***-----

BAGO sila umuwi ng apartment ni Liam ay bumili muna sila ng alak at pulutan. Balak kasi nilang i-celebrate sa pamamagitan ng pag-inom ang magagandang nangyayari sa buhay nila ngayon. Bumili na rin si Liam ng isang maleta na may tamang laki upang paglagyan ng mga gamit nito kapag umuwi na sila sa probinsiya niya.

Pagkabalik ng apartment ay nagluto si Earl ng hapunan nila. Matapos kumain ay inumpisahan na nila ang pag-inom ng alak. Sa sahig na lang sila uminom dahil mas kumportable sila doon.

Unang tagay ay para kay Liam.

"Para sa pagkakaayos namin ni daddy at para sa pagbabagong buhay nating dalawa!" Itinaas pa nito ang shot glass bago nito ininom ang alak. Sinundan agad nito iyon ng chaser na cola.

Habang sinasalinan ni Earl ng alak ang shot glass ay naramdaman niya ang mga titig ni Liam. Pagtingin niya dito ay tama nga siya. Nakatingin ito sa kanya habang nakangiti.

"Bakit?" tanong niya.

Kumibit-balikat ito sabay kain ng pulutan na lechong manok. "Wala naman. Masaya lang ako na dumating ka sa buhay ko. Siguro kung hindi kita nakilala, baka hanggang ngayon ay nagpe-perform pa rin ako sa harap ng webcam. Salamat, Earl... Halika nga sa tabi ko!"

"O, baka naman may gagawin ka sa akin, ha!"

"Walaaa... Halika na kasi."

Tumayo si Earl at lumipat ito ng upo sa tabi ni Liam. Nagulat siya nang bigla siya nitong halikan sa labi at yakapin.

"Mahal na mahal kita..." ungot nito.

"Mahal na mahal din kita, Liam," sagot naman niya. Tinapik niya ito sa likod dahil sobrang tagal na ng yakapan nila. "Tatagay lang ako." Saka lang siya nito binitawan.

Live BoysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon