The Beginning

159 6 13
                                        

Rejie's POV





Another day, another annoying day. Nagising tuloy ako dahil sa tiyan ko, gutom na gutom na ako. Bumaba ako papuntang kusina. Nakakatamad magluto, gagawa na lang ako ng noodles. 




Pagkatapos kong mag-init ng tubig ay ibinuhos ko ito sa cup noodles ko at minix ang mga seasonings. Chars ha, detailed na detailed yung aking mga gawain. Diwao. 



Pumunta ako sa sala at kinuha ang remote ng TV. Ohh? Nasa arirang si song joong ki, ang gwapo niya talaga kahit nasa TV lang siya. Nakakaiyak nga eh, nakaka-selos naman yung ganyan. Suwerte naman ng Mic, upuan na inu-upuan niya, MC, cameraman, lahat ng involve diyan sa interview. Wait, involve naman ako eh. Pinalakasan ko naman yung volume dahil ang i-inggay ng mga kapitbahay ngayon, bahala na nga sila.





"Love isn't something you find. Love is something that finds you." yan ang sabi Song Joong ki. Isa siyang sikat na aktor sa korea, idol na idol namin siya ni Irah Ramirez.





Addict na addict kami sa mga k-dramas, halos lahat yata ng korean drama ay napanuod na namin eh. Wala akong masyadong alam tungkol sa kultura ng korea, pero kahit papaano may konting alam ako dahil mahilig ako sa history class. 'Yon ang paborito 'kong sabjek sa lahat.




Sa tuwing nababanggit ang 'Korea' bigla-bigla na lang ako'ng titili dahil sa kilig at lalo na rin si Irah dahil mag-kaklase lang kaming dalawa.



Nabulabog ang aking isipan nang may narinig akong inggay galing sa labas ng bahay namin. Lumabas ako at may nakitang naka-suot ng... 



Ewan ko kung anong tawag duon basta nakalimutan ko. Alam ko kung ano 'yon eh. Basta yun na yun!




"Ya! Nugu isseo?!" sabay tutok niya ng mabahang samurai sa mga taong nakakapaligid sakanya. Ano raw? Teka teka, koreano siya? baka naman poser o nag-cocosplay siya? Pero grabe naman kung ganuon, bakit ba dito? Dapat sa mga mall o skuwelahan di' ba? 






Lumingon-lingon siya na 'tila parang may hinahanap. Bigla niya naman akong tinitigan, nanlago naman ang mata niya. Hindi ko alam kung anong dahilan kung bakit ganyan siya makapag-react 'nung nakita niya ako, siguro na-attract ko siya. No way! Ang dungis-dungis niyang tignan eh. 

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 12, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Dating a Lost Korean PrinceWhere stories live. Discover now