Saka hinawakan ni Tiyago ang kwelyo ko at inilapit ang mukha sa akin tsaka sinabing;

"Kelan ka ba pumalag?"

Nagtawanan yung mga tao sa locker room.

Narinig ko yung mga bulung-bulungan. May nagsasabi na ang lampa ko daw. May nagsasabi na bakla daw ako at may nagsasabi na kawawa naman ako.

"Pare, iwanan na natin yan."sabi ni Lestlie

"Oo nga wala naman tayong mapapala dyan eh." sabi ni Tom.

Tumango lang si Tiyago tsaka kinuha yung bag ko. Tiningnan kung may lamang pera yung bag ko at tsaka sinipa yung bag ko.

Pagkatapos sipain yung bag ko, umalis na sila.

Inayos ko yung mga gamit ko tsaka ako pumasok sa room ko.

Pagpasok ko ---

"You're late, Mr.Nathan!"

Ito agad ang pambungad sa akin ng aming teacher.

"Sorry ma'am, I did'nt mean it."sagot ko.

"After all this time na halos araw-araw ka nang late eh ayan na lang yung lagi mong sinasabi!" sabi ni ma'am.

Tuwing umaga ganito ako talakan ng aming guro at susundan pa yan ng pagtatanong ng excuses tapos hindi lang rin naman tatanggapin at sa bandang huli...

"You may take a seat."

pagtapos ng nakakaboring na talakan ay mauupo na ako sa isang boring na upuan hanggang magbreaktime. Paminsan pag nakakahanap ako ng tyempo nakakatulog ako sa gitna ng klase hanggang magbreak time.

Pagkatapos kong maghintay sa isang boring na upuan dumating din ang pinakaaabangan ng lahat ng estudyante ang break time.

Pag break time wala akong ibang ginagawa kundi tumayo pumila at maghintay na makabili ng pagkain. Madalas na binibili ko ay ang paborito kong strawberry short cake.

Hindi ako yung tipong madaming kaibigan at mga fan girls para makasabay ko sa pagre-recess.

Naniniwala kasi ako na sagabal lang sila sa concentration ko sa pag-aaral at isa pa wala talagang papansin sa akin dahil ako yung tipong nerd. Hindi cool, at walang kaayos-ayos na si Nathan Humpkinson.

Dahil na rin doon siguro kaya hindi ako kumakain sa table ng school canteen.

Sa rooftop ako kumakain. Masaya kasi doon kumain kasi makikita mo kung gaano tayo kamahal ng Diyos. May sariwang hangin, maraming puno, at huni ng iba't-ibang uri ng mga ibon.

Mapagmamasdan mo doon yung biyaya ng Diyos na kalikasan.

Isa pa gusto ko din doon kasi malayo ako sa mga nambubully sa akin.

Eto lang ata yung gusto kong part ng unli kong routine sa araw-araw.

Pagkatapos ng breakime, pupunta ako sa susunod na settings ng paulit - ulit ko ng buhay at ayun ay sa room 404 ang science.

At muli inaabangan ko yung isa pang inspiration ng pag - aaral ko at ayun ay ang babaeng madalas kong makasabay sa kabilang room ang room 405.

Ang room 405 ay nakalaan sa mga gifted na estudyanye ng school na 'to. Ibig sabihin yung mga natural na matalino, sila yung pag - asa ng school para umunlad.

Buti na lang nakakasabay ko sya bago mag math. Ang huli, pero pinaka-nakakabadtrip na subject sa lahat.

Mayamaya lang rin naman eh matatapos na ang science at mapapalitan ng math.

At mukhang dumating na ang pinakahuli ngunit pinakamadugong subject sa utak at iyan ay ang math.

Okay lang sana kung ayun lang ang problema pero hindi. Madalas niya akong sitahin kasi kaklase ko si Tiyago tuwing math at siya naman ang Tita ni Tiyago kaya ang hilig niya akong sitahin.

Pero at least ngayong araw eh hindi nya naman ako sinisita. Ano kayang binabalak ng mga 'to?

"Okay, class dismissed."

"Yes! Makakauwi na rin ako!"sabi ko habang nag-uunat ng mga kamay.

"Sinong may sabing uuwi ka na?" tanong ni ma'am.

"B-bakit po? May ipapagawa po ba kayo sa akin?" tanong ko. 

"Ah i-akyat mo nga yung mga sirang upuan sa bodega."

"Ma'am madami pa po-"

"Op-op-op-op-opsss!! Wag na mareklamo para mabilis kang matapos!"

"Opo." Ayun na lang yung nasabi ko. Wala na akong palag. Ni hindi nya na nga ako pinatapos sa pagsasalita kanina eh.

"Ahhhhh..ahhh.. ang bigat talaga..."

Ang dami ng upuan na pinapa-akyat sa akin at paminsan dahil sa sobrang bigat eh natatapilok na ako dito pag paakyat.

"Badtrip kasi yung teacher na yun eh! Kaya pala hindi ako sinisita kasi mas malala pa pala yung gustong ipagawa sa akin."

Nung tapos ko ng i-akyat yung mga upuan sa bodega sa tabi ng rooftop, may nakita akong sumasampa sa harang na ginawa sa rooftop. May usap-usapang may multo raw doon kaya hindi ako makapasok. Baka kasi ayun na yung sinasabi nila.

Kahit ayokong pumasok sinubukan ko pa rin.

At pagpasok ko doon sa rooftop, nakita ko yung babae na nakasampa sa edge ng rooftop.

Kinakabahan ako. May magpapakamatay sa harapan ko! Anong gagawin ko?! Nakaisip ako ng paraan.

"MISS BAGO KA TUMALON--"

lumingon lang sa akin yung babae. Paglingon nya, namukaan ko siya kaagad. Siya yung inspirasiyon ko. Siya yung babae. Siya yung estudyante sa room 405.

Student From Room 405Where stories live. Discover now