Prologue

9 1 2
                                    


"Summer Hemady,bumangon ka na dyan."panggising sakin ni Ate Autumn.

"Ayoko nga.Bakit ba?!"sabi ko habang nakapikit parin.URGHHH!!!
GUSTO KO PA MATULOGGGG!!

"MALALATE NA TAYO SA FIRST DAY NATING GAGI KA!!"sigaw nya sa akin.Huwat??First day pala namin ngayon sa school.

Agad akong bumangon at kumaripas ng takbo papunta sa banyo para maligo.


"Hi Summm!!!"bati sakin nina Ate  Allie,Ate Tzuyu,Ate Suzy and Kuya Percy.

"Divinian na syaaaa."ani Ate Suzy.

"Oo nga eh at nasa dating section pa natin sya."sabi ni Kuya Percy.

"Ang talino mo kasi.Juicecolored."
sabi naman ni Ate Tzuyu.

"Inggit mo na naman kay Sum."
pang-aasar ni Ate Allie kay Ate Tzuyu.

"Gagu ka!PACQ."pagmumura ni Ate Tzuyu sakanya.

Tumawa nalang kaming lahat hanggang sa pinababa na kaming lahat sa quadrangle para mag-Flag Ceremony.

Pumunta na sina Unnie Autumn sa kanilang mga linya samantalang ako ay naiwang mag isa.

Tumingin tingin lang ako sa paligid at sa mga kaklase ko ngunit may isang tao ang nakakuha ng atensyon ko.

ANG GWAPO NYA......

Naramdaman kong bumilis ang tibok ng puso ko at tumigil ang mundo.
Wala talaga akong ibang nakikita kundi sya lang.

Nabalik ako sa katinuan nang nagdadasal na ang lahat.

"Hoy!Sino tinitignan mo dyan?!" biglang tanong ni Shane sa akin nang makita nya akong may pasimpleng tinitignan.

"Ah wala wala."pagsisinungaling ko sakanya.

"Hmmm,maniwala.."aniya.

"Okay fine,meron nga akong tinitignan."pag amin ko saka nagroll eyes.

"At sino naman yan?"pagtatanong nya.

Tinuro ko yung lalaki na ngayon ay nakikipagtawanan sa mga kaibigan nya.

"Ah si Ssen."sabi nya.Napatingin naman ako sakanya na para bang curious ang pangalan nung lalaki.

"Janssen Martinez ang pangalan nya."ani Shane.Napatango nalang ako sakanya.

Napalingon na naman ako kay Janssen ulit ngunit biglang nagtama ang mga mata naming dalawa.

Naramdaman kong unti unting bumibilis na naman ang tibok ng puso ko at parang may spark akong naramdaman sa aming dalawa.

Iiwas na sana ako ng tingin pero bigla syang ngumiti na dahilan para mapangiti rin ako at mapa iwas ng tingin sa kilig.

Hindi ko namalayang tapos na pala ang flag ceremony kaya ay pinaakyat na kaming lahat sa mga kanya kanya naming classroom.

Magpapaalam pa sana ako kina Unnie Allie kaso nakaakyat na pala sila.

Nang makapasok na ako sa room ay agad akong naghanap ng mauupuan pero wala ng bakanteng upuan.

AYUN!

Meron akong nakitang bakanteng upuan sa likod.

Naglakad ako papunta dun pero napatingin ako sa magiging seatmate ko.

Si Janssen??!!

Umupo na ako sa tabi nya nang hindi sya tinitignan kasi pag tumingin ako sakanya baka mag explode ako dahil sa kilig.

Habang inaayos ko ang bag ko sa upuan ko ay biglang nagsalita sya.

"Hi!"nakangiting bati nya sakin. Napatingin ako sakanya saka napangiti.

"Hellooo."nakangiti ring bati ko.

"I'm Janssen Martinez and you are?"pagpapakilala nya sa akin habang inaabot ang kamay nya para makipagkamay sakin.Chance ko na to mga bakleshh.Rak na iteyy!!♡

"Ah Summer Hemady."sabi ko saka abot ng kamay ko para makipag kamay.

Nagshake hands kaming dalawa ng mga approximately 10 seconds.

Nang mapansin nyang masyado nang matagal ang pag shake hands naming dalawa ay agad nya ng tinanggal ang kamay nya sa kamay ko.

Awkward pero worth it naman yung 10 seconds of Heaven na yun.

#DiNaAkoMaghuhugasNgKamayMamaya

Letters to SsenWhere stories live. Discover now