Kabanata 2- The past

3.1K 40 7
                                    


---

Kabanata 2:

The past



"Excuse me lang ah di kita type!" Inisnob ko sya sabay hawak sa ulo ko. Nahihilo ako.


Tinaas niya ang dalawa niyang kamay na waring sumusuko. "Woah woah nagbibiro lang ako miss, you don't have to be masungit. Haha"


Dun ko siya matamang tinitigan simula ulo hanggang paa.

Matangkad siya, tisoy, makapal ang kilay, mapungay ang mga mata, may matangos na ilong, at kissable lips, medyo napatagal lang ang titig ko sa katawan niya dahil medyo hapit ang tshirt niya so I can say na may mga abs na namumuo dun.



My god para siyang greek god

I bet he's a playboy.


Na stop ang pagtitig ko ng marinig ko ang mahina niyang pagtawa.



"Whatever!" Yun lang at tinalikuran ko na siya.

Nakakahiya! Halatang halatang your checking him out!

Napailing ako sa naisip ko.

Wew nevermind.

Agad agad akong pumasok sa room. Nagulat pa ako ng makita kong may prof na pala.

Tumingin ito sa akin.

"Wow, pati sa pagiging late may loveteam na din?"

Huh?

Nagulat ako ng tumingin ako sa likod ko , nandun din pala si boy feeling.

Feeling gwapo.


"Sorry po mam." Nahihiya kong sabi.


"Pasensya na po kayo mam kasi po meron pong nagtaray taray sakin sa labas e. CRUSH po ata ako." Tumawa siya na nakakaloko.


The nerves of this guy! Grabe sa kapal! Ilang page kaya mukha neto? Talo pa ang ilang volumes ng encyclopedia ah!


Nanlaki ang butas ng ilong ko. "EXCUSE ME AH! HINDI KITA CRUSH!"


"Oops, sorry but I don't recall mentioning a name. Ui defensive." Nag O shape pa siya ng bibig.

Shit


Nagtawanan ang buong klase sabay asar.

"Uuuuuuy!"

"Yihiiiiiieeeee!"


Nakangiti din ang prof namin. Ako naman ay nuknukan ng asim ng mukha.

Buti nalang at hindi kami pinagtabi. Siguro nag drop na ako sa subj na yun kung nangyari yun.

Sa harap siya umupo at sa dulo naman ako.

Kitang kita kong lumingon siya sa akin nang ngiting ngiti. May braces pala siya.


Peste kang unggoy na may braces ka!



Kumindat pa ang mokong sa akin bago ako talikuran.

--




After ng klase ko dumiretso ako sa bahay ng ate ko. Syempre chika chika. 5 years ang tanda niya sa akin. May sarili na siya pamilya. Ang cute ng tatlo niyang little angels. Tatlong maria ang anak niya.

"Nako ate nakakapeste talaga yung lalake na yun! Sa totoo lang!" Nagpeprepare kami ngayon ng merienda.

"Aysos! Para namang di ka napepeste dyan! Gwapo no?" Sabay bungisngis.


"GWAPO? Ate huwag ka ngang magpatawa! Haha!"
Nilapag ko sa mesa yung niluto kong spaghetti para sa mga bata.


Medyo gwapo lang

Nagtakbuhan na sa mesa ang mga minions. Yung inaanak ko may dala nanamang storybook ni cinderella.
"Tita ninang! Tita ninang! Let's read this story!"

"Again?!" Tinapik ni ate ang braso ko at pinandilatan ako. "O-kay minion sarah later ah, for now you eat with your ate minions." I smiled at her sweetly.

"Yeheeeey!" Sabay nagtatalon siya sa tuwa. Tumakbo na ang minion papunta sa mesa.

Siniko ako ni ate. "Ouchie! Bakiiet?!"

"Ikaw talaga! Ambitter mo! Pati pamangkin mo dinadamay mo sa kabitteran mo! Haha!"

"Ateng alam mo namang walang katotohanan yang mga fairytale na yan. Mahirap pag naniwala ang bata sa hindi naman totoo."

Hinawakan ni ate ang balikat ko. "Sis, alam mo hindi naman sa nangingialam ako ah. Pero alam mo ba kung bakit ka naiinis?"

Tinitigan ko siya waring naghihintay ng mga susunod niyang sasabihin.

Bumuntong hininga siya."k-asi nakikita mo yung sarili mo kay sarah. Isang batang naniniwala sa fairytale, naniniwala sa happy endings. Na may prince charming siyang magtatanggol sa kanya sa oras nang pangangailangan niya. At natatakot ka kasi baka mangyari din sa kanya yung nangyari sayo 2 years ago."

Aray



Natulala ako. Ramdam na ramdam ko nanaman ang sakit.

Akala ko ba okay na? Akala ko ba naka move on na ko.


Hindi pa din pala.

I let out a bitter smile. Pinisil niya ang balikat ko tapos nilapitan na ni ate ang mga bata.

What have you done to me sean?

--



Napukaw ang atensyon ko nung may nag doorbell.



Ding dong



"Ako na ate!" Sigaw ko.

Tumakbo agad ako sa pinto para tignan kung sino yun.


At ng buksan ko na, hindi ko inaasahan ang taong makikita ko.



"IKAW?!" Nanlaki ang mga mata ko.


--

Sino sa tingin niyo sino ang nakita ni maine sa pinto? Hmm haha


Ang ikli po ng update ko no? Haha :) pasensya na po at pinapagana ko pa ang utak ko ahihi (:

Comments and suggestions please ü

The Funny Thing About Love (tagalog) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon