Si Bulag at si Nagbubulagbulagan ni Kirsha Hapitan

904 5 0
                                    

Lunes ng umaga dumating si Eris sa classroom. Uupo na sana siya nang may nakita siyang liham,bulaklak at tsokolate. tiningnan niya ito at laking gulat niya ng makitang para sa kanya ito. "Sino kaya ang nagbigay nito" Tanong niya sa sarili. Nakita ni Eris na dumaan ang isang lalaking gwapo ngunit maykahinaan ang ulo kinindatan siya nito at binati. "Naku ag naman sanang si Bruno ayaw ko sa kanya ang bobo niya" mahinang sambit ni Eris.

Nakaraan ang maraming linggo patuloy na pinadadalhan ng regalo si Eris hanggang isang araw nakita niya si Bruno na naglalagay ng regalo sa kanyang mesa. Agad niya itong pinuntahan at kinausap. "Bruno ikaw pala ang nanliligaw sa akin pasensya na ngunit ayaw ko pang magkanobyo." Pranka niyang tugon biglang lumungkot ang mukha ni Bruno, " Ah ganun ba akala ko ay handa ka na di bale sasabihin ko nalang kay Eros na hindi mo pa gustong magpaligaw" " Ano? Eros ? Ibig sabihin hindi ikaw ang nanliligaw sa akin? Kung ganun handa na ako. Malaki na ako at kaya ko na ang sarili ko." Mabilis niyang sagot. "Ah ganun ba sige sasabihin ko sa kanya' Malungkot na sagot ni Bruno.

Malungkot na pumunta si Bruno kay Eros upang makipagusap "Eros ayaw niya sa akin, ikaw ang gusto niya ikaw nalang ang manligaw siguradong maytsansa ka." "Ngunit Bruno may iba na akong gusto sagot ni Eros. " Talaga ipakilala mo naman ako" wika ni Bruno sumagot naman si eros ng "Saka na siguro pagmalakas na ang loob ko." Agad naman itong nagpaalam at lumakad palayo si Eros." Paano kita ipapakilala sa sarili mo" Malungkot na sambit ni Eros.

DagliDonde viven las historias. Descúbrelo ahora