Nakarating na ako sa kabilang building kakahanap kay Aivy at Lukey. Salamat naman at natagpuan ko sila sa isang bench na naguusap. Akala koba may kadate sila. Maybe umalis na.

"Uy Lukey at Aivy, kanina ko pa kayo hinahanap. Si Xe-nnnnnnnna!"

"bakit Unico anong nangyari kay baby shark?" -Aivy

"Oo nga bakit? anong nangyari kay Xelendrina"? -Lukey

"Eh ka-kas-sii, si-si-sinaapi-pi-an siya!"
-Unico

"Huh? ano yun Unico ayusin mo nga hindi ka namin maintindihan" -Lukey

Kinakabahan nga kasi, para namang hindi nila ako kilala.

"sasapakin kita Unico umayos ka!" -Aivy

"Okay, (inhale/exhale) ganto kasi si Xena kasama ko lang dun sa may garden sa likod ng library. Dun daw kami kumain ng Lunch. Pero maya maya lang nasapian na siya. Naga tirik ung mata niya. Subrang nakakatakot, tulungan natin si Xena baka kung ano pa mangyari sa kanya!" -Unico

"Hala, bakit? tara nga. Puntahan natin siya. Ba't mo kasi iniwan" -Lukey

"Eh sabi niya eh. Pinapaalis niya ako baka daw madamay pa ako" -Unico

Bigla nalang tumigil ung dalawa sa paglalakad na parang nagulat.

"Hala, bilisan natin baka nga nasapian talaga si Xelendrina akala namin nagbibiro kalang" -Lukey

"Tara na mga bwesit! ung bestfriend ko!" pasigaw na sabi ni Aivy samin ni Lukey.

Xena POV

Tawang tawa ako sa reaksyon ng muka ni Unico na natatakot habang umiiyak. Bakla talaga siya, hindi niya ba napansin na nagbibiro lang ako. Or baka naman magaling lang ako umakting kaya naniwala siya. Pang MMK naba ako? Off course Xena, talented kana maganda kapa.

Siguro muntik na makaehi sa short si Unico, matatakutin talaga yun. Pero sabi niya hindi nadaw, kasi hindi nadaw siya bata. Pero kanina what the hell? Daig niya pa ung mga kapatid ko na elementary at highschool. Tawa nalang ako ng tawa dito sa pinag iwanan sakin ni Unico. Ang ganda talaga dito tahimik, walang masyadong tao. Tago kasi at tsaka boring dito, pero for me it's nice malayo kasi sa tao then lalo na sa mga geeks nayan.

I'M WITH THE GEEKWhere stories live. Discover now