33rd

8.3K 360 32
                                    

Unedited






Tahimik ang loob ng bahay ng makapasok si Dwayne agad niyang tinungo ang kwarto ng dalaga, ngunit wala ito doon..

"Ondrea?"tawag niya dito kahit pa alam niyang hindi naman ito umalis ng bahay ang kaba niya ay naroroon, mabilis ang hakbang na tinungo niya ang kwarto ng anak at doon ay natagpuan niya itong nilalaro ang anak.

"Sweety?"

"Oh? Bakit mukha kang tense?"

"Are you angry?"

"About what?"

"Look sweety, hindi ko alam kung paano ko dedepensahan ang sarili ko. All i know is ikaw ang mahal ko kayo ng anak natin. She is just,aghhh!"hirap na sabi ni Dwayne.

"Hey ang seryoso mo, I believe you okey, gusto lang niyang sirain tayo, Dwayne ilang ulit ko man na sinabi sa sarili ko na,hindi na, na ayaw ko na. Hindi naman matanggap ng puso ko na may ibang babae kang yayakapin. Kaya ipaglalaban kita sa Evang iyan, you're not her Adan okey."

"Oh Ondrea! Thank you sweety I promise you ikaw lang at ang mga magiging anak natin."

"Oo na naniniwala na ako, naka-isa ka na nga kagabi na-style ka pa naman eh."tugon ni Ondrea at binalingan ang anak."Ford si Daddy mo nag e-emote parang ayaw na tuloy maniwala ni Mommy."

"What? Ford wag kang maniwala sa Mommy mo, totoo lahat ng sinasabi ko."singit ni Dwayne sa mga ito, na nakatingin sa anak na titig na titig sa ama na tila nauunawaan ang sinabi nito."see sweety he believe me."

"I can see. Anyway I have to go later my meeting ako kay Mr.Hendrick 11am kaya ikaw mag-aalaga kay Ford."

"Anong meeting? Sino kasama mo?"tanong ni Dwayne na nakasunod sa dalaga habang iniisa isa nito ang mga damit na naroroon at kapag hindi nagustuhan ni Dwayne ay agad nitong kinukuha at ibinabalik sa cabinet.

"Tsss, anong gusto mong isuot ko? Baro at saya?"

"Oo meron ka ba?"

"Grrrr Dwayne nakakainis ka!"nakapadyak na sabi ni Ondrea sa binata.

"Masyadong seksi mga damit mo sweety dapat magshopping tayo bukas."

"Dwayne! It's a br-unch meeting! Kaya pwede ba wag kang OA."

"Meeting ba, so sasama na lang ako."

Ondrea rolled her eyes to him, sa isang oras nilang pagdidiskusyon sa damit at pag-alis niyang kasama ito ay,binata pa rin ang nanalo.

"Perfect! Masyado pa rin sexy sweety pero hindi naman ganun ka-revealing ang dating."komento ni Dwayne ng matapos magbihis ang dalaga.

Ondrea is wearing black pants with the bare shoulder yellow top na tinernuhan ng flat sandals. Mabuti na lang talaga at biniyayaa mn siya ng di tabain katawan kaya naman mukha pa rin siyang kaakit akit sa suot.

"Hay naku Dwayne ang arte mo lang!"irap niya dito but deep inside she's happy sa pagiging protective nito sa kanya.

"Ayaw ko lang na may ibang magnanasa sa katawan mo."diretsa nitong sagot na ikinapula ng kanyang mukha dahil narinig iyon ni Manang.

"Haha,manang-mana ka sa Ama mo Dwayne."tugon ni Manang.

"Manang bahala ka na po kay Ford,  tawagan nyo po ako agad in-case of emergency."

Ilang minuto na lang at ma-le-late na si Ondrea sa meeting nila kaya naman inis na inis siya sa binatang sinasadya atang bagalan ang pagmamaneho.

"Dwayne Angelo Fontana! Hindi na ako natutuwa sa style mo ha!"inis niyang sita dito.

Drowning in Your Love (Completed) EditingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon