Sa pagdilat ko ng aking mga mata, nakuha agad ng atensyon ko ang mga taong nakasuot ng pormal na baro at bestida, halos wala akong ibang kulay na nakikita kundi itim lamang.
Walang okasyon ang nagsusuot ng gan'to kundi sa burol lang, diba?
Nilibot ko ang aking paningin, dalawang hati ng upuan at sa harapan nito'y isang itim na ataul napapalibutan ng mga taong nagkukumpulan. Ang buong lugar na ito'y malawak na napapaligiran ng mga kandila at antiques, may chandelier sa itaas at mga anghel na statwa, matataas na puno sa labas, at syempre mga puntod. Obviously, may patay nga. Ito ang Cerohim Cemetery ng Cerohim Bay kung 'di ako nagkakamali.
Mag-isa akong nakaupo sa huling hilera ng mga upuan, nakasuot rin pala ako ng bestidang itim na tama lang para sa'kin.
Dala ng kuryusidad, tumayo ako at naglakad papunta kung saan ang grupo ng mga tao. Habang lumalapit patungo rito, palapit din ng palapit sa'king isip ang takot at pagtataka. Kung may patay nga bakit hindi maipinta ang kasiyahan ng mga tao rito? dala ang kani-kanilang sosyal na basong laman ay alak. Hindi ko alam pero parang selebrasyon ang mayroon rito at hindi pagluluksa sa namatayan.
Matatalas na tingin nila ang tumutusok sa'kin habang binibigyan nila ako ng daan papunta sa open casket, bago ko makita kung sino ang nakaratay dito.. napatigil ako sa paglalakad. Bakit sila nandito?
"D-dad?" Kunot noo kong sabi, napatigil sila sa pagtatawanan at napatingin sa akin.
"Anong meron at bakit tayo nandito?" Tanong ko kay Daddy at sa dalawa nyang kasama, wala nang iba pa kundi ang aking madrasta at kapatid sa ama.
Para bang may nasabi akong kakaiba at awtomatikong napangiti sila. Mas nangibabaw ang ngiti nyang pilyo habang iniikot-ikot pa ang basong may lamang red wine. I really hate this girl.
Lumipat ang atensyon ko sa babaeng lumapit sa'king harapan. My dearest Step-Mother. "Bakit hindi mo tingnan at nang malaman mo kung anong nangyayari dito?" Sabi nya na may matamis na ngiti sabay bukas palad na tinuro ang ataul.
Hindi na ko nagdalawang-isip pa, lumapit ako sa ataul at pinatabi ang mga taong nakaharang dito. At nang tuluyan ko nang nasilayan ito.. Nanlaki ang mga mata ko at napahawak ng mahigpit sa'king bibig.
Para bang naputulan ako ng dila at parang naparalisa ang bawat parte ng aking katawan, tila 'di ako makagalaw sa king kinatatayuan.
Hindi ito totoo. ayoko pang mamatay.
Naramdaman ko ang mabigat na palad ni Daddy sa'king balikat. "My dear Caprice, totoo ang nakikita mo. Don't be bothered, you're even much prettier inside the casket. Right Victoria?" Hindi ganito ang kilala kong ama, nasisiraan na ata siya ng bait.
"Absolutely Dad. Isn't it a beautiful celebration knowing the fact that you're dead?" Sabi sakin ng aking half-sister, emphasizing the last word.
Hindi nakakapagtaka, halos kamukhang kamukha ko ang bangkay sa kulay itim na ataul. May hawak itong mga puting rosas sa dalawang kamay na nakapuwesto sa bandang dibdib, nangingibabaw ang puting bestida sa itim na ataul at tema ng disenyo ng buong lugar, para bang mahimbing itong natutulog sa kabila ng ingay. Parang sumusuntok sa'king tainga ang mga halakhak nilang palakas ng palakas, tumataas ang balahibo ko sa tawanan nilang para bang siraulo. Mga halimaw.
Hinawi ko ang kamay ni Daddy sa balikat ko at tumakbo palayo sa kanila. Walang lumalabas na salita sa aking bibig kundi hikbi, wala rin akong maramdaman saking katawan kundi mga luha lang sa'king pisngi. Para bang nagmanhid ang buo kong katawan sa bawat pangyayari.
No, no. Hindi ito totoo, this is just a nightmare. Paulit-ulit ko itong sinasabi sa'king isip habang mahigpit na tinatakpan ang aking tainga.
Gusto ko nang magising sa katotohanan.
Huminga ako ng malalim at sa pagdilat ko ng aking mga mata..
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Para bang nagteleport ako sa aking kwarto, bumangon ako sa aking pagkakahiga ramdam ang malambot na kama na aking hinihigaan, naramdaman ko rin ang likido saking pisngi kaya napahawak ako rito. Luha? Oo, luha nga. Hinahabol ko pa rin ang aking hininga na para bang nag-aagaw buhay.
"Agaw buhay" is a big word for me right now. Malaking mensahe 'to para sa'kin. In fact, This nightmare can be legit.