III.

452 11 2
                                    

  "Laisa"

"Ms. Chua? Pinatatawag ka ulit ni sir yoon." Ayan na naman.

Ako talaga ang trip nitong jeonghan na to eh. Pagkatapos sa sementeryo akala ko magiging mabait na sya sa akin.

PERO HINDI!

ate naman, pagsabihan mo nga yang jowa mo mapapatay ko na yan.

Binuksan ko ang office nya at isinara ito pagkapasok ko.

"Yes sir?" Nakita ko syang nagpipirma ng mga papel.

Hindi ko itatangging gwapo sya, at the same time nakakainis.

Hindi ko sya type no. Mga type ko kagaya ni sir choi pero may asawa na, sayang.

"I told you to call me jeonghan."

"But that's not good to hear inside the workplace sir."

Aba demanding! Sabihin na lang nya kaya ang ipapagawa nya diba??

"Sit." Yun ang tanging utos nya. Nako di ko matapos tapos ang kailangan kong tapusin dahil sa kanya.

"I need you laisa to pass this to cheol now at marami pa akong ginagawa." Sabi nya nang hindi tumitingin sa akin.

May secretary sya ako ginagawa nyang utusan?! Aba wow talaga!

"Ha? Paano ko gagawin yun eh may pinapagawa ka sa akin na iba?" Sabi ko na lang sa gulat ko.

Hello di naman sa pangbabastos, pinaaalala ko lang!

"I really dont know how you will do it, pero bahala ka. I gave you as task bawal ka umangal-"

"-jeonghan- oh. Ms. Chua." Biglang pumasok si mam shanice sa office ni sir.

"Dont tell me naglalabas ka ng sama ng loob kay laisa jeonghan. Alam na ba nya?"

"She knows everything.. and no hindi ako naglalabas ng sama ng loob sa kanya at may pinagagawa rin ako sayo shanice tapos na ba?" Bigla namang natawa si mam

"Hindi pa hahaha sige byeeee~" at lumabas na sya. Bumuntong hininga si jeonghan at umiling.

"Ano pa ginagawa mo dito? Umalis ka na" agad naman akong tumayo at inabot ang mga papel sa lamesa nya saka na lumabas.

Agad ako nagtungo sa opisina ni sir cheol at inabot aa sekretarya nya ang mga papel.


Ate bakit ba kasi ganitong klaseng lalaki pa nagustuhan mo.

Lakas ng trip sakin! Kung hindi ko lang sya boss eh papatulan ko talaga sya.

Umupo na ako sa cubicle ko pagkabalik ko at nagsimula na ako magtrabaho.

"Uy, lagi ka nun tinatawag ni sir yoon. trip ka ba nun?" sulpot agad ni joshua sa tabi ko.

"Ano ka ba joshua. Kung ano iniisip mo, dun ka na nga nagtatrabaho ako." Taboy ko sa kanya.

"Ikaw naman sweetie." Natawa naman ako sa tawag nya sa akin.

1004Where stories live. Discover now