PART 5

25.2K 679 7
                                    



HINDI nabura ang ngiti sa mga labi ni Drew kahit pa hindi ginantihan ng babae ang ngiti niya. The woman who just stepped inside the elevator looked quite amusing. Nakapusod ang buhok nito na sa tingin niya ay lagpas-balikat ang haba kung nakalugay. May suot itong thick-rimmed eyeglasses. Puting polo blouse, itim na palda, at itim ding flat shoes ang suot nito. Kulang na lamang ay pointing stick at mga libro at mapagkakamalan na itong isang konserbatibong guro.

Naalala niya ang role ni Riana noong isang gabi. Halos ganoon din ang bihis nito. At first, he was not attracted at all. Sino ba naman ang maa-attract kay Miss Tapia? But when she started playing the role, he started to have fun, especially when she took off her unattractive clothes and he saw what was beneath them—a flimsy, see-through nightgown and nothing else.

So what could possibly be lying underneath this woman's uncool wrap? Umandar ang kapilyuhan sa kanyang isip. Marahil, kung hindi ginamit ni Riana ang role na iyon sa kanya noong isang gabi ay hindi niya pag-iisipan ng kapilyuhan ang manang na ito.

The woman was not old. Sa tingin niya ay may-hitsura ito kung wala lamang suot ito na salamin sa mga mata at nakalugay ang buhok nito. Marahil din ay may korte ang katawan nito pero itinatago iyon ng pangmanang na damit nito. In fact, he thought she had a nice butt. Kung medyo masikip ang suot nito ay mae-emphasize sana iyon.

Lumingon ito. It was too late to move his eyes away from her butt. So he just took his time raising his eyes to meet her eyes. Matalim ang tinging ipinupukol nito sa kanya. Mukhang nagalit ito sa ginawa niyang pagtitig sa pang-upo nito.

"Ano'ng tinitingnan mo?" paninita nito.

Now she sounded like a real teacher. Parang nahuli siya nitong nangongopya sa katabi niya habang nag-e-exam. "Wala," painosenteng tugon niya.

"Sinungaling ka! Nakatingin ka sa..." Tila hindi nito kayang ituloy ang sinasabi.

"Saan?" nanunudyong tanong niya.

"Sa..."

He watched her grit her teeth. Hindi niya napigilan ang pagtaas ng isang sulok ng mga labi. Napatingin siya sa mga labi nito. Walang bahid ng lipstick ngunit mapupula ang mga iyon. They looked as if they had never been kissed before.

Bumaba ang mga mata niya sa dibdib nito. They were not as big as Riana's but surely she had something there. Damn her loose clothes!

Pinagsalikop nito ang mga braso sa dibdib nito. "Bastos ka talaga!" singhal nito.

"What?"

"Pervert!" Lumapit ito at pinaghahampas siya nito ng bag na kanina ay sukbit nito.

Ipinansalag niya ang mga braso niya. "Hey!"

"Bastos ka! Bastos! Wala kang galang sa babae!"

Sinubukan niyang pigilan ito sa pamamagitan ng paghawak sa mga braso nito.

"Bitiwan mo ako! Bastos!" bulyaw nito habang nagpupumiglas.

He grinned. "Miss, wala akong ginagawang masama sa iyo para sabihin mong binastos kita."

"Bastos ka! Tinitigan mo ang... ang..."

"Ang alin?" Funny how she could not even utter the word. "Are you talking about your boobies?"

Nanlaki ang mga mata nito. "Bastos ka talaga!"

"Paano mo naman nasiguro na doon nga ako nakatingin? Paano kung sa blouse lang na suot mo ako nakatingin?"

"Hindi ako tanga! Doon ka nakatingin. Pati kanina sa... sa..."

"Your ass?"

Nagpumiglas ito. "Pervert!"

"Sa palda mo lang ako nakatingin kanina. Ngayon lang kasi ako nakakita ng babaeng nakasuot ng ganyan kahaba at ka-outmoded na palda sa panahon ngayon."

"Sinungaling!"

"Hindi ko naman hinawakan kaya hindi mo masasabing binastos kita," pagtatanggol niya sa  sarili.

"Hindi mo dapat tinititigan nang hantaran ang katawan ng isang babae. Pambabastos na rin ang ginawa mo," nandidilat na bulyaw nito. Muling nagpumiglas ito sa pagkakasaklit niya sa mga braso nito. "Bitiwan mo ako! Kung hindi ay tutuhurin kita."

Napilitan siyang bitiwan ito. Hinampas uli siya nito ng bag nito. Tinamaan siya sa balikat.

"Aw! Malakas 'yon, ah!" He suppressed his laughter.

"Hindi lang iyan ang dapat sa iyo! Ito pa!"

Nasalag niya ang muling paghampas nito sa kanya. Noon lang niya napansing nakabukas na pala ang elevator. Kapwa sila napatingin sa mga taong nasa labas niyon at nakatingin sa kanila.

"This man is a pervert," wika ng babae sa mga tao. "Binastos niya ako."

Aapela sana siya sa sinabi nito ngunit naisip niyang wala siyang dapat ipaliwanag sa mga ito. Lahat ng naroon ay pinasadahan ng tingin ang kabuuan ng babae. He could tell they did not believe what she just told them. Why, she did not look attractive at all. Hindi nga naman kapani-paniwala na ang isang tulad niyang chick magnet ay magkakainteres sa isang manang na tulad nito.

"Miss Tapia, sinasabi mo ba na gusto kang pagsamantalahan ni Drew?" tanong ng isang lalaki na sa tingin niya ay mas bata lang sa kanya nang ilang taon. Kilala lang niya sa mukha ito pero obviously ay kilala siya nito.

"M-Miss Tapia?" gagad ng babae na tila nabigla. Nakita niya ang paggalawan ng mga panga nito. Mukhang nainis at napahiya ito kaya humakbang na lang palabas ng elevator at naglakad palayo.

Lalabas na rin sana siya ng elevator nang may nakita siyang papel na nakakalat sa sahig ng elevator. Malamang ay nahulog iyon mula sa bag ng babae. Dinampot niya iyon, pagkatapos ay lumabas na rin siya ng elevator.

VideoRama Productions. Iyon ang nakasulat sa papel na nadampot niya. Nakasulat din doon ang address ng film production house. Doon ba patungo ang babae? What a coincidence. May appointment siya roon mamaya dahil may shooting siya sa set ng VideoRama para sa isang TV commercial.

Hindi sa parking lot patungo ang babae kaya marahil ay walang kotse ito. Binilisan niya ang paglalakad upang makaagapay rito.

"Hey, Miss," tawag niya rito.

Hindi lumingon ito. He snatched her arm.

Pumiksi ito. "Bitiwan mo ako!" singhal nito.

Itinaas niya ang hawak na papel. "I believe this is yours."

Hinablot nito ang papel mula sa kamay niya at ipinagpatuloy ang paglalakad.

"Do you need a ride? I know where that place is," pahabol na sabi niya.

Hindi siya pinansin nito. Napangiti na lang siya habang inihahatid ng tingin ito. It was not everyday that he got to meet a woman like her. 

Ang Manang At Ang Playboy [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon