Chapter 1: Beginning

7 2 0
                                    

Maud's pov

"Ang sarap" komento ko sa kinakain kong pizza sa greenwhich.

"Tss"

Inirapan ko lang si Kuya.

"Bakit kasi ngayon mo lang ako isinama eh, sana matagal na akong nakapagpamasyal dito" sabi ko sa kaniya.

"Kasalanan ko bang mahigpit kang pinapalabas ni mom?"

"Kung sabagay" sagot ko

"Hmm"

"Kung sa tao"

Kumunot ang kanyang noo.

"Tss"

"Kung sa hayop" patuloy ko

"Tss.Bilisan mo, baka hinahanap na tayo. Masyado pa naman yun silang mom at dad mag alala."

Natawa ako sa ala alang pumasok sa saking isipan dahil sa sinabi ni kuya.

Noon kasi may group work kami,eh na abutan kami ng 6:00 pm ayun nagpatulong sa pulis, pati kapitbahay , kadugo at kaibigan dinistorbo dahil kesyo nawawala ako,baka ano nang nangyari. Akalain mong isang oras lang akong nawala nagkaroon na agad ng isyu. Kilala kasi pamilya namin eh.
Pagkadating ko nga sa bahay nun, halos Hindi na makahinga si mom. Pinapahinahon lang siya Ni dad na mukhang nag alala din. Kaya ayun. Pinagalitan ako ng sobra, kesyo kung ano na ang nangyari sakin eh babae pa naman ako. Haha!

Pero Hindi nakatutuwa mawala ng isang oras nuh!?

"Hahahaha" Hindi ko na mapigilang tumawa

"Tumahimik ka nga Dahl!"suway sa akin ni kuya." Ang tanda na kung makatawa parang bata!"inis niyang sabi sa kin.

"Oo na. Pfftt" Hindi ko talaga mapigila-"aray! Sumusobra ka na kuya ah! Isusumbong kita kay mommey!"

"Sabing tumahimik eh, pinagtitinginan na tayo ng iilan"

"Oo na nga. Tsk"

Ginulo niya ang buhok ko.

"Dali na Dahl, uwi na tayo"

"Oowkey kuyaaa!"

Kahit may pagka abnormal to eh, mahal ko to.

Pagkatayo ko nahagilap ng aking paningin ang isang lalaki habang may kahalikang babae. Nakasandal sila sa likod ng kotse kaya hindi masyadong makikita ng mga tao.

Yuck! Wala ba sila nung tinatawag na 'privacy?' Err.

Gwapo siya. Matangos ang ilong. Maputi at ang kinis. Matangkad din. Ang kilay ay perpekto ang hugis ang haba din ng pilik mata. Kahit malayo ay mailalarawan mo talaga ang kanyang kagwapuhan. Hindi ko tinignan ang labi niya. Eww.

Pero maganda din yung kahalikan niya. Morena. Shoulder length ang buhok na medyo may pagka brown. Ang kinis din. Balingkinitan ang katawan at ang ganda niya talaga!

Anyways. Bagay sila maharot.

"Tss"

"Bakit Dahl?"

Tinaasan ko si kuya ng kilay.

"Kinakausap ba kita?"

"Nagsisimula ka na naman.Tss"

Hindi ko nalang siya sinagot

" I hate maharot lovers. Eww"

"Hahaha"

Naalala ko si Butterfly ko. Excited na akong ipasuot sa kanya ang binili kong damit.

"Uwi na tayo kuyaaa!" Excited na akooo! Ang ganda kaya nitong pinambili ko.

Habang bumabyahe nawala sa isip ko ang nakita kong kaharutan kanina dahil sa kasabikan.

Alas singko palang kaya pauwi na yun silang mom at dad.

"Sabik na sabik?"tanong ni kuya

" Ahehe"

Pagkapark na pagka park ng sasakyan sa garage ay lumabas na ako.

Gusto kong makauna ni kuya kasi gusto niya din si Butterfly eh.

No one can stop me!

"Dahl, yung cellphone mo naiwan."

Meron palang makakapqgpigil sa akin. Ni hindi ko namalayan Nasa gilid ko na siya. Padabog Kong binalikan ang cellphone. Leshe ka! Ba't ka nagpaiwan. Nilingon ko si kuyang ngumingising tumakbo.

Nakakainis!

Nakakairita!

Nakakasabog ng puso!

Nakakaubos ng pasensya!

Nakaka...

Uhm, nakaka...

Nakaka ubos ng sasabihin!

Basta naiinis ako! Ba't ba? Ewan. He he.

Nakasimangot akong pumasok sa bahay.

At ayun nakauna!

Yinayakap ang Butterfly koo!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 12, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

That Bad Boy Is My ForeverWhere stories live. Discover now