P a n g a l a w a

6 0 0
                                    


                                         Malabong ala-ala na lamang para kay Ariesa ang paglipat lipat nila ng pamamahay. Dahil simula ng tumuntong siya ng edad na sampu ay hindi na muli sila lumipat at namalagi na lamang sa isla ng Humalig.


Hindi pa gaanong dinadayo ito ng mga turista ng una silang dumating, kung kayat aalis ang kanyang ina para mangisda at magbenta sa may bayan. Ngunit ngayon ay may maliit na karinderya na ito sa isla para hindi na niya kinakailangan pang umalis at iwan siya.


Labing limang taong gulang na siya ngayon, wala pading nagbabago sakanya, madalang paadin siyang magkaron ng kaibigan at puro tagahanga lang ang natatanggap niya, ngunit pinapasawalang bahala lang niya ang mga ito. Katwiran niya at wala pa sa isip niya ang mga ganitong bagay.


Bukod sa Ina ay puro mga matatandang kababaihan na lamang ang nakakausap niya, lalo na ang kumupkop sakanilang mag in ana si Aling Conchita, Ito ang may ari ng lupang kinatitirikan ng bahay nila pa, para na niya itong sariling lola kung maituring niya ito. Dito kase siya namamalagi tuwing umaalis ang ina dati. Wala na raw itong ibang kamaganak maliban sa anak na nasa ibang bansa na.


Isa si Ariesa sa mga estudyanteng nakakakuha ng mataas na marka sa kaniyang klase, sa katunayan ay lagi siyang kasama sa mga binibigyan ng patimpalak tuwing tapos na ang klase. Katuwiran niya'y, pagaaral ng mabuti na lamang ang masusukli niya sa kaniyang ina sa araw araw na pagpapagod nito.


Marami ding libro si Aling Conchita kung kaya't nahiligan niya ang magbasa, Tuwang tuwa lagi si Aling Conchita sakaniya, lagi daw nitong pinapaalala sakaniya ang inaanak niya sa kaniyang matalik na kaibigan niyang mahilig din magbasa at napakalapit sakaniya.


Tinuruan din siya nitong tumugtog ng piano dahil sa kuryosidad niya sa instrumentong naka-display lang sa isang tabi ng kanilang bahay.


Isang hapon ng umuwi siya galing sa eskwelahan ay narinig niya ang munting paguusap ng kaniyang ina at ni Aling Conchita.


"Isa, matanda na ang  ama sigurado akong matatanggap na niya ang bata" panimula ni Aling Conchita


Nakatago  sa isang pader malapit sa pintuan ng kaniyang bahay, ng marinig ko ang kanilang usapan.


"Conching" bumuntong hininga muna ang kanyang ina bago tinuloy ang sasabihin, kahit na sobra sobrang kuryosidad ang bumabalot sa utak niya'y alam niyang hindi tama ang makinig sa usapan ng mga nakakatanda sakaniya kung kaya't umalis na lamang siya at naglakad lakad sa dalampasigan.


Hindi niya napansin na malayo layo na pala ang kanyang narating.


"Bata" tawag sa kaniya ng isang binatang hindi na lalayo sa edad niya, Tumingin naman siya sa kanyang liko at tinuro ang sarili. 


"Ako?" pag tatanong niya. Tumango naman ito.


"Alam mo ba kung asan ang Casa Conchita?"direretsong tanong ng binata sakaniya. Medyo baluktot pa ang kaniyang pagsasalita ng tagalog


"ah oo, turista ka ba? Nahanap mo ba tong resort ni Lola sa internet?" tanong niya ng may onting pagaalinlangan habang inimemwestra niya itong sumunod sakaniya ng hindi man lang ito tinitignan ng mabuti. Nahahabag padin kase ang loob niya sa narinig niya.


"Lola?" pag tatanong naman ng binata sakaniya. "kaano ano mo ang Lola ko? Sa pagkakaalam ko nagiisang anak lang ang daddy ko"


Tanong naman ng binata sakaniya, na may salubong ang dalawang kilay. May kahabaan at pagkakulot ang itim na buhok ng binata , makapal ang mga kilay , mapungay at malalim na mga mata na sa unang tingin mo ay itim na itim ngunit ng matitigan niya ito ay kulay brown ang mata nito, tama lang ang tangos ng ilong ,mapula at manipis ang mga labi.


Sa unang tingin ay aakalain mong siya yung nasa picture kasama si Lola Conching, Isang matipunong Chinese-Mestizo ang itsura ng nsabing binata, nabalik sa ulirat si Aya ng tapikin siya nito.


"Ay kalabaw!"pagulat nyang untag.

"I was asking you something" sabi ng binata sabay ilinng. Napansin niya din na  Isang malaking Backpack ang bitbit nito na may nakalagay na NorthFace ang bitbit nito at isang maliit na kahon na hugis gitara. Sa palagay niya ay violin yun o di kaya'y ukelele.

Inwestra nalamang niya na sumod ang binata sakaniya.

Tinignan niya naman ito at mukhang inaantay ang kanyang sasabihin tungkol sa tanong niya"Ah hindi, tagaluto ang aking ina sa Resort ni Lola, dito na din kame nakatira. Siya din ang nag lilinis at tumutulong sa tanggapan kay Lola", nang malapit na sila ay tinuro nya ang maliit na kubo kung saan sila naninirahan.Tango na lamang ang natanggap niya mula sa binata.

"Lola Conching!" Sigaw niya sapat na para marinig sa loob ng tahanan ng matanda sabay ngiti ng tipid sa binata.

Lumabas naman ang kanyang Ina kasunod ng matanda. Tinignan ng ina ang binata sa tabi niya , at sinundan naman ng matanda ang tinitignan ni Marisa. Tuwa at Pagkagulat ay bakas sa mukha ni Aling Conchcita.

"Andy!" Sigaw ng matanda at nagmamadaling pumunta sa binata at niyapos ito. Ngiting ngiti din ang binata ng masulyapan ni Ariesa ang mukha nito. Doon na niya napagtanto na ito pala ang nagiisang apo nito. Napatapik naman siya sa noon niya sa sobrang bagal niya at natawa nalang.

"Lola, It's okay if you call me Andres" wika ng binata na mas tuwid pa sa Ingles ang dila kesa sa tagalog. Ginulo naman ni Lola Conching ang buhok ng binata.

Napatawa siya ng marinig ang pangalan ng binata. At tinignan lang sya ng matalim pero pabiro. Tinawanan naman ito ng Matanda, at tila may hinahanap sa likod.

"I'm alone, Lola" ani ni Andy ng mapansin na hinanahap kung may kasama ba siya sa pag-punta sa Isla.

"Tita Isa" sabi ni Andy ng matapunan ng tingin ang kanyang ina.  "I heard a lot about you po' sabay ngiti ng tipid

Bakas ang gulat sa mukha ng ina niya ngunit sandali lamang ito bago sila magkatinginan ng matandang Conchita at Ngumiti na lamang.

"O siya, pumasok na tayo sa loob, apo. Panigurado ako pagod ka sa byahe mula sa Europa" saad naman ng matanda na para ba putulin ang pagtataka niya.

Nang gabing iyo ay bakas sa Lola Conchita ang Tuwa sa pag dayo sakaniya ng Apo.Espesyal ang niluto ng Ina niya para sa panauhin ng Casa. Naguusap usap lang sila sa hapagkainan at tahimik lang na nakikinig si Ariesa.

Natapos ang gabi na tahimik lang siya iniisip parin ang narinig sa usapan ng kanyang ina at ng matanda pati na rin ang inakto ng binata sa kanyang ina. Bakit nga ba parang siya lang ang walang alam sa lahat.


You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 26, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Eternamente (Serye ng mga Lambana - Masalanta)Where stories live. Discover now