Prologue

14 1 0
                                    

AN:
      
 
Bago basahin ay nais ko lamang na ipabatid na baguhan lamang ako sa pagsusulat, hindi ako maggaling sa paggawa. Lahat ng nakasulat rito ay tanging gawa gawa ko lamang, At likha ng aking isip. Na aking ibabahagi, at paumanhin. Kung ayaw naman at hindi gusto ay huwag na ipagpatuloy nabasahin.

x

“Ikaw naman ang taya geo!” batid ko, dahil hinihingal na ko kakatakbo. Mag mula kanina ay naglalaro na kami ng habulan, kung hindi kami magpapadulas rito sa palaruan. Ay magtataya tayaan kami.

“kakapagod hindi kita mataya” tugon ko pa.

“Ayoko! Iba naman laruin natin, kunyari mag-asawa tayo!” sabay hawak sa aking kamay. Nagulat ako sa sinabi't ginawa niya, dahil nagkakagusto na ako sakanga.

“Ayaw ko rin ng laro na yan , bata pa tayong dalawa at baka pagalitan tayo” sabi ko, at tumakbo palayo sakanya.

“hindi yan, mas matanda ako sayo oh heto..” nagulat ako ng hinabol niya ako at hinawakan sa balikat. At ng makaharap sa kanya ay nilusutan niya ng bulaklak ang tainga ko, hindi siya matignan.

“Pumitas ka na naman ng bulaklak” bawi ko, ramdam ang katahimikan sa amin.

“Ayos lang iyon” hinwakan niya pa ako sa baba at iningat, para bang kinakabisado ang aking mukha. Kinakabisado nga ba? O nag aasume lang ako?

Pumunta ako sa nakalatag na banig dito sa may halamanan, at kumuha ng makakain sa aming basket na dala. Habang kumakain ay nangingiti ngiti ako, naalala ang mga sinabi ng kalaro.

Ganito kaming magpamilya, tuwing sabado't linggo. Dahil ito lang ang araw na buo, at magkakasama kami. Dahil sa pagsapit ng weekdays ay busy ulit sila para sa pagtatabraho. Ganoon rin kay geo pero, ang pagkakaiba ngalang ay hindi buo ang kaniyang pamilya. Ang dad niya kasi ay may bago ng kinakasama, ang kaniyang totoong mommy naman ay hindi nakaligtas noong pauwi ito galing trabaho. Iyon lamang ang nakukwento ni geo saakin.

“seems like my baby girl is having a good time at playing huh?” tanong ni daddy, at umupo sa aking tabi. Napatingin ako sa kaniya at nakangiti rin siya saakin.

What if i tell him about my feelings? He wouldn't be mad naman siguro hindi ba?

“dad.. kasi..” kinakabahan ako, at pilit pinipigilan ang sarili sa pag ngiti, natatakot ako baka magalit siya saakin, kapag nalaman niyang may gusto ako sa kalaro.

“What is it gwyen?” he asked curiously.

“Muntik na akong madapa, pero.. napakapit ako sa may slide! banda roon. That's why.. I'm happy!” lumukot ang mukha ni daddy, parang hindi naniniwala sa mga aking pinagsasabi.

Hindi ata akong maggaling umarte sa pagsisinungaling.

“Uh okay, just be careful next time” bilin niya at hinalikan ang aking buhok.

“yes, daddy..” pag-aanlingan kopang sagot.

Naghintay pa ako ng sasabihin niya, nguni't ay wala na itong pinahabol at maya maya ay nag aya ng umuwi.

Gusto ko man na malaman ni daddy na gusto ko si geo, ay baka pagbawalan niya na kaming magkita. Siguro sa ibang panahon nalamang.

Simula ng araw na iyon, ay natututo na akong magtago ng mga lihim. Dadaan ang school bus, sa aming bahay at pagkaakyat ay unang hahanapin ng aking mga mata ay si geo.

“Gwy! Dito ako!” sigaw ni geo, napatakbo naman ako agad sakanyang tabi at nilagay rin sa ibaba ang bag, katabi ng kanya.

“Naunahan mo ko sa bus!” sabi ko. At uminom ng tubig.

His ComebackWhere stories live. Discover now