Step 1: Reminisce

93 5 0
                                    

STEP 1: REMINISCE

[Niko’s POV]

“Hoy Niko, gumising ka na! Kapag nalate ka ng pasok malalagot ako niyan kay sir.” Sigaw ni manang sa labas ng kwarto ko.

Binaba ko na yung cellphone ko after kong mag-iwan ng voicemail kay Mandy. Sa totoo lang kanina pa naman ako gising, nagbabasa lang ng mga sulat niya na ibinaon ko sa ilalim ng aking kama.

[Mandy’s letter]

“Dear Niko...”

Ito yung unang love letter na nakuha ko kay Mandy, naalala ko pa noong binigay ni Mandy ito. Si Mandy ay classmate ko at bago matapos ang first year namin sa kursong BS Nursing, nagtapat ako sa kanya. Lagi kaming nagkikita tuwing bakasyon, hindi naman nakakailang kasi magkaibigan naman kami ni Mandy at bago ako nagtapat ay close na kami.

Nung unang araw namin sa second year, bigla na lang tumakbo sa harap ko papasok si Mandy. Nagmamadali siya, muntik na kasi masaraduhan ng pinto nung professor namin. Namumula ang mukha at basa pa yung buhok niya. Dumaan siya sa harapan ko at ako lang ang nakapansin na iniwan niya ‘to sa mesa ko.

[Mandy’s letter]

“Nung una lagi tayong nagkakatinginan tapos nilapitan mo ako. Hindi ko maipaliwanag yung naramdaman ko... Para bang may dumaang shooting star.”

Naaalala ko yung first day nung first year pa tayo, lahat ng tao kabado at excited, yung tipong ramdam sa ihip ng hangin yung tensyon. Tapos na ang high school days. College na ‘to. We all feltolder and wiser... Maybe? At sa kalooban ng bawat isa ay iniisip natin na importante ang araw na ito. It might change our lives forever. For me, it literally did. My life was changed when I went to school, late for class.

[FLASHBACK]

[THUMP!]

“A-Aray!”                                                                                                           

“Sorry Miss. Hindi kita nakita.”                                                                                     

“Sorry hindi kasi ako tumitingin sa dinadaanan ko. Paano na ito? Nagkalat yung gamit ko.” May namumuo ng luha sa kanyang mga mapupungay na mata.

Tumingin ako sa paligid at nagkalat nga yung libro nung babae sa hagdan. She made no move to stand up, she kept on looking helplessly around her.                                                                    

“Eto tulungan na kita.” Sabi ko habang tinulungan ko siyang tumayo. Ang ganda ng mukha niya, para siyang anghel.

Sabay naming pinagpupulot yung mga gamit niya.Nagmamadali kami pareho kasi late na. Hindi ko maiwasang isipin, nakakapagtaka naman siya, first day pa lang ang dami nang dalang libro.

“Sorry talaga ha.” Nahihiya kong sabi sa kanya.                                                                           

“Okay lang, mauna na ako.” Sabi niya sakin.                                                                                               

“Sure.” at naglakad na kami... on the same direction. Pinipilit kong huwag ipakita ang pagkagulat at pagkalito ko sa pangyayari.

Nung nasa tapat na kami ng classroom.                                                                                              

How to Fall in Love AgainWhere stories live. Discover now