Di nagtagal eh dumating na yung adviser namin.Konting orientation, announcements at iba pa.

 Napansin ko naman na yung katabi ko eh di ko pala kaklase noon. Galing section B siguro. Mukhang mabait naman tsaka okay rin yung aura. Pero di ko na muna papansinin. Wala pa ako sa kondisyon. Sorry . XD

Lunch time na at nasa Cafeteria- A na kami. Usually kasi sa Cafeteria-C kami pero dahil dito na ang pinakamalapit sa classroom namin, dito na kami ngayon.

 "Dito kaya kumakain si Basty?"

 "Alam mo, sobra ka na dyan sa Basty na yan ah."

 "Palibhasa eh di pa nakikita si Basty. Di mo kilala noh?" haha. tama. Di ko nga naman talaga kilala si Basty. Ang alam  ko lang eh transferry last year tapos nakapasok sa varsity. Tapos eto pa pala. Chickboy. Di naman siguro pala-syota pero mahilig lang sa mga chicks. Gusto atang maging sabungero paglaki. Yun lang. Di ko pa nga nakikita eh.

"Eh ano naman ngayon kung di ko yun kilala?"

 "Loka ka talaga Stella noh! Eh siyempre ang gwapo nun!"

 "Excuse me lang ha. Wala akong paki. Chickboy."

 "Magsama kayo ni Vincent!"

"Uy, oo nga pala. Nabanggit mo yung tungkol sa Nadir kanina ah. Anong nangyari?"

 "Eh kasi etong ewan kong kuya, nag quit sa Nadir. >.<" Ang kuya nga pala nitong si Tricia ang vocalist at lead guitarist ng Nadir. Ito yung official Band ng skwelahan namin. Medyo madrama diba? Haha. At dahil nag quit na nga daw si Vince sa Nadir,ibig sabihin "EX vocalist at lead guitarist" na siya. Oo nga naman noh. Tangek ko talaga. XD

"Ows. Bakit naman daw?"

 "Ewan nga. Sabi niya magfofocus daw sa pag-aaral kesyo senior na daw. Nakakatawa ngang pakinggan eh. Ang OA."

 Eh nakakatawa nga naman talagang pakinggan eh. Haha.

 Di naman taga section A si Vince. 4-C nga siya ngayon eh.

Pero Di naman masyadong mababa kasi 9 sections ang bawat year level. Oks na rin yun.

 Pero kakaiba lang talaga pakinggan na magfofocus siya sa studies niya. Parang di siya. haha

 Well, ayoko naman din mang underestimate kaya hayaan nalang.:)

"Baka naman gustong mag-UP."

 "Tsss. UP? Loka ka talaga. Ayaw niya noh. Malayo daw. Kita mo yan? Haaay. Ang ewan talaga."

 "Haha. Ano ka ba, ayaw mo niyan nagtitino yung kuya mo."

 "Oo nga naman noh. Nakakakilabot nga lang tsaka--OH MY GOSH!"

 "Ha? Bakit?"

"Loka!  Yung crush ko! Si Bastyyyy!^o^" Napatingin-tingin naman ako sa paligid nun, eh wala naman akong nakitang mukhang ka-crush-crush ah.

 "Wala akong nakikita noh."

 "Hindi mo ba yun kilala? Ang labo mo naman! ayun oh!" Pasikreto naman niyang tinuturo yung 'Basty' daw. Sa totoo lang eh, di ko talaga to kilala. Tsaka malabo kaya paningin ko sa malayo.

 "Ayun oh! Ayun!"

 "di ko nakita.Alam mo naman diba."

 "Ayun nga oh! Sabi ko kasi mag optein ka. Kainis."

 "Wala talaga akong nakikitang Basty."

 "Nakapikit ka ba? ayun!"

 "EH SABI KO NGANG DI KO NAKIKITA EH. ASAN BA KASI YANG BASTY NA YAN?!" Tapos napatahimik lahat ng tao. 

At nakatingin sa amin. I mean, sa akin.

Tapos may lumapit sa amin. I mean, sa akin.

TAKTE. GUMAWA ATA AKO NG ESKANDALO

Lumapit yung lalaki sa akin.

"I'm Basty. May kailangan ka?"

SHOOOOOT. Walang nakapag-salita sa amin ni Tricia nun. Eh ano bang sasabihin namin? Nagbubulung-bulungan na ang mga tao dun.

"A-ah. W-wala Basty. Pagpasensyahan mo na tong--" di naman niya pinansin si Tricia nun at lumapit sa akin.

"Uhmm, Excuse me. May gusto ko ka ba sa'kin?"

AT DOON NAGTATAPOS ANG MAPAYAPA KONG PAMUMUHAY. BOW.

Indistinctly in Love: When doubts reach the heartWhere stories live. Discover now