"Ano.. Bibisitaan ko lang sana si Jiro. Andyan ba siya?"

"Ha? W-wala! Kaaalis lang!" sabi niya sa 'kin na parang natataranta. May naamoy akong hindi maganda.

"Saan daw nagpunta?"

"Hindi ko alam eh.." 

"Ahh. Ganon ba. Di bale nalang. Sige. Alis na 'ko."

"Sige sige." Hindi naman siya atat na paalisin ako dito noh? Ngumiti nalang ako at tumalikod na. Nasaan naman kaya ngayon si Jiro? Nagsimula na akong maglakad nang may narinig akong tumawa galing sa likod at pamilyar sa akin ang tawa na 'yon kaya agad akong napalingon at hindi ko inaasahan ang makikita ko. 

</3

Nakita kong papalabas ng gym si Jiro. May kasama siyang ibang babae at naakbay siya dito. Ang saya nilang dalawa habang nagtatawan. Nakita ako ng babae na nakatingin sa kanya at napansin ni Jiro na may tinitingnan ang kasama niya kaya sinundan niya ang direksyon ng tingin nito. Hindi niya inaasahan na ako ang makikita niya dahil bakas sa mukha niya ang pagkagulat kaya napabitaw siya sa pagkakaakbay sa babae. Tumakbo siya papalapit sa akin.

"Carla! Bakit ka nandito??" tanong niya sa 'kin habang nakahawak sa magkabila kong braso. Nakatingin lang ako sa kanya habang patuloy na tumutulo ang mga luha ko. "Carla.."

*pak*

Sinampal ko siya kaya nabitawan niya ang pagkakahawak niya sa mga braso ko. Pakiramdam ko, dahan-dahan na niya akong binibitawan at pinapakawalan. Gusto ko siyang sapakin. Gusto ko siyang sigawan. Gusto kong ibuhos lahat ng galit ko sa pagmumukha niya pero hindi ko magawa. Tumakbo ako papalayo sa kanya at nagulat nalang ako nang hindi niya ako hinabol. Iyak ako ng iyak habang papalabas ng school nila at kahit pinagtitinginan na ako ng ibang tao, wala na akong pakialam.

Si Camille lang ang tangi kong matatakbuhan kaya tinext ko siya kahit alam kong sesermonan niya lang ako.

[ Camille, may sasabihin ako. Kita tayo sa garden ng school. ]

Sent.

[ OK! ]

Dumiretso na ako sa garden ng school namin. Walang masyadong taong dumadaan dito kaya doon ko binuhos lahat ng sakit na nararamdaman ko.

Hindi ko akalain na hahantong kami sa ganito. Akala ko dati, hindi na magbabago ang relasyon naming dalawa. Sobra ko siyang mahal kaya sobrang sakit din ang dinudulot nito sa 'kin. Naramdaman kong may tumabi sa 'kin at pagtingin ko, si Camille. Napayakap ako sa kanya agad. 

"Ayaw na niya sa 'kin. *sob* Ang sakit-sakit, Camille. *sob*"

"Ssh. Tahan na." sabi niya sa 'kin habang hinihimas ang likod ko.

Saan ba ako nagkulang para saktan niya ako ng ganito?

Nagulat nalang ako nang bigla akong hilahin patayo ni Camille.

"Lika." sabi niya at hinila na niya ako. Hindi na ako pumalag. Pinupunasan ko nalang ang luha ko kahit tumutulo pa rin. Hanngang sa makarating kami ng rooftop.

"Anong *sob* ginagawa natin dito?" tanong ko kay Camille.

"Alam kong may kinikimkim ka pa diyan sa puso mo. Hihintayin nalang kita sa baba." Ngumiti lang siya at bumaba na.

Naiwan akong mag-isa dito sa rooftop. Walang makakarinig sa 'kin dito kahit mabilaukan na ako sa kakasigaw. Bumuntong-hininga muna ako.

"I HATE YOU, JIRO!!!!" sigaw ko. *sob* "ANG KAPAL NG MUKHA MO!! HINDI KA NA NAKONTENTO SA 'KIN!! WALANGYA KA!!" *sob* Lahat naman ginawa ko para sa kanya, para sa relasyon namin pero bakit parang may kulang pa rin? I hate him!! I hate him dahil sinaktan niya ako ng ganito! And I hate the fact the I love him this much. "Pero mahal na mahal kita.." sabi ko ng mahina sabay pagbasak ng mga luha ko. Nanghihina na ang mga tuhod ko kaya napaupo nalang ako sa sahig.

Pagkatapos ng lahat ng nangyari, inuwi na ako ni Camille sa bahay namin at nagkulong lang ako sa kwarto. Tinitingnan ko lang ang mga litrato naming dalawa. Ang saya-saya naming dalawa sa mga litratong hawak ko. Kabaliktaran sa lahat ng nangyayari ngayon. Magiging isang alaala nalang siya sa 'kin.

*

Papalabas na kami ng gate ni Camille at nagulat nalang ako nang makita ko si Jiro na nakatayo sa labas ng gate.

"Kaya mo yan, Carla." bulong sa akin ni Camille. Kaya ko nga bang 'wag siyang pansinin? Bahala na. Lumabas na nga kami ng gate at nilagpasan lang namin si Jiro pero hinabol niya kami at humarang siya sa dinadaanan namin.

"Carla. Kailangan nating mag-usap."

"Wala na tayong dapat pang pag-usapan, Jiro." sabi ko sa kanya habang nakatungo lang.

"Pero---"

"Please. Hayaan mo muna siya, Jiro." pagpipigil ni Camille.

"Carla.."

Hinila ko na si Camille at umalis na kami sa harapan niya.

Lahat ng tawag niya, ni-reject ko. Sa tuwing pupunta siya ng bahay, pinapasabi ko lang na wala ako. Sa tuwing nag-aabang siya sa gate namin, hinihintay ko nalang na umalis siya. Masakit din para sa 'kin na iwasan siya pero kailangan kong gawin 'to.

"Carla, sa tingin ko.. Kailangan niyo ng mag-usap." Nagulat ako sa sinabi ni Camille pero napaisip ako. Hindi pwedeng habang buhay ko nalang siyang iiwasan. Kailangan ko siyang harapin.

[ Magkita tayo. Mamayang 5pm. ]

Sent.

*

5pm na. Medyo kinakabahan ako pero kakayanin ko 'to. Nagsimula na akong maglakad papuntang gate at nakita ko siyang nag-aantay. Nung nakita na niya ako, bigla siyang tumakbo papunta sa 'kin at niyakap ako. Kumalas ako sa yakap niya at nagsimula ng maglakad. Alam kong nakasunod lang siya sa akin hanggang makapunta kaming coffee shop na malapit lang sa school namin. Umupo na ako at umupo na rin siya. Walang nagsasalita sa amin ng mga ilang minuto. Hanggang sa nagsalita na siya.

"Carla. Please let me explain."

"Okay."

Huminga muna siya ng malalim. "Alam kong nagkamali ako but I never meant to hurt you. Carla, alam mong minahal kita. Siguro nagsawa na rin ako sa relasyon natin kaya ko.. kaya ko nagawa 'yon. But Carla, I swear. Pinagsisihan ko na 'yon."

"Minahal? Eh ngayon.. Mahal mo pa ba ako, Jiro?"

"I-I'm sorry, Carla. Hindi ako sigurado.. P-pero kaya pa naman nating i-work out lahat 'to diba?" he grabbed my hands. "Please don't give up on me.." 

Kumalas ako sa pagkakahawak niya. "Siguro nga. Siguro nga masyado kitang mahal kaya ganito kasakit."

"Carla.." hinawakan niya ulit ang kamay ko at mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakahawak nito.

"Siguro, kailangan na nating tapusin 'to." Masakit din para sa 'kin ang mga sinasabi ko pero kailangan kong gawin 'to.

"Akala ko ba mahal mo 'ko?"

"Minsan, hindi sapat ang pagmamahal lang. Wag na nating ipilit pa 'to, Jiro. Tayo lang din ang mahihirapan. I'm sorry but I just have to let you go.." Pumapatak na ang mga luha ko habang sinasabi ko 'yon. "Wag mo sanang kakalimutan na mahal na mahal kita.." Niyakap ko siya ng mahigpit bago ko tuluyang nilisan ang lugar na iyon.

I'm sorry, Jiro. I'm not that strong to hold on knowing that you don't feel the same anymore.

*the end

Our Song (One-Shot Stories)Where stories live. Discover now