You liked Dei Mendoza's photo.

Ang ganda-ganda naman ng baby ko. Ikaw ang pinakamaganda sa inyong magkakaibigan alam mo ba yun? Wala silang panama sayo. Binigyang buhay mo ang kanta ni John Meyer – Your Body is a Wonderland. Grabe ang sexy mo, Dei. I wonder kung anong itsura kapag wala ka ng suot na two-piece. I would kill for that view. I would kill for your luscious lips. Sobrang sarap mo sigurong halikan.

Dei, ako si Alden at mahal kita. Mahalin mo rin ako.

Please. Ako nalang kesa kay Richard. Oo nga pala, ano yung naririnig ko na kayo na raw? Totoo ba yun, Dei?


You liked Dei Mendoza's photo.

Ang ganda naman sa New York, Dei. How I wished na nakasama ako sa OJT nyo dyan, pero nagkaubusan na ng slot. Hindi na ako pinayagan ng Dean na mag-apply pa sa Bolton Landing kaya sa Paris ako napunta. So many students would kill for my spot, and yet I would kill for the spot beside you.

I would kill for Richard's spot. Damn I would kill Richard if I must. Dei, kayo na ba talaga? Sagutin mo ako please. Nasasaktan ako tuwing nakakakita ako ng mga pictures nyong magkasama.


Dei Mendoza sent you a message.

Kung kalian nagmomove-on na ako sayo, saka ka naman nagmessage sakin. Dei, wag kang pa-fall kung hindi mo kayang panagutan. Hulog na hulog na ako sayo, Dei. At gusto kong bangasan ang mukha ni Richard sa tuwing nakikita ko kayo sa hallway magkasama. Pero Dei, what if ito ang sign ng universe na kailangan kitang ipaglaban? Dei, hindi ko akalain na magpapasalamat ka sakin para dun sa project na ginawa ko for you kahit hindi mo pa ako nakikilala in person.

Dei, ako si Alden. Hindi ako si Benjie. Matatanggap mo ba ako? Mahal kita. Huwag na si Richard.


Seen.

I'm sorry, Dei. Hindi ko intension na magsinungaling sayo. Hindi ko intension na itulak si Richard kanina. Dei, I'm sorry. Kausapin mo na ako please. Huwag mo naman akong iwasan. Dei, ilang taon kong pinangarap na makausap ka. Huwag mong itigil ngayon porket nakilala mo na kung sino ako.

Kausapin mo ako, Dei. I'm sorry. Ako lang si Alden, hindi ako si Benjie o si Richard.

Mahal kita.


You liked Dei Mendoza's status.

Wow. Tangina, just wow! Anong ibig sabihin non, Dei?! Tangina. Bakit naka-akbay sayo si Richard at nakakiss sa pisngi?! Anong ka-putanginahan ito? Dei, akala ko ito na ang tamang panahon ko para sayo. Na mare-realize mo na tayo talaga ang itinadhana.

Dei naman. Ano bang gusto mong gawin ko? Gusto kong manakit ng tao.


You liked Dei Mendoza's status.

Nalulungkot ako para sayo, Dei. Kung pwede lang kitang yakapin at sabihin sayo na magiging okay din ang lahat, gagawin ko. Huwag ka ng malungkot, Dei. Sa akin ka nalang, hinding-hindi kita iiwanan ng walang pasabi. Hindi kita sasaktan. Hindi kita papaiyakin. Hindi kita papabayaan. Sasamahan kita hanggang sa kamatayan.

Huwag mo ng hanapin si Richard, nasa mabuti na syang kalagayan. Tahimik na sya.


Seen.

Bakit hindi mo ako pinapansin, Dei? Anong nagawa kong mali? Hindi mo ba nagugustuhan yung mga pinapadala ko sayong regalo? Dei, huwag naman ganito. Ano ba ang dapat kong gawin? Lahat naman ng gusto mo binibigay ko sayo, lahat ng favorites mo nilalagay ko sa isang box. Kahit alam kong yung iba medyo masakit para sa akin, binibigay ko parin. Bakit biglang ganito?

Ayaw mo ba yung suot kong red shirt na kagaya nung kay Richard? Akala ko magiging masaya ka na kung makikita mo yun. Pati yung pabango nya, gayang-gaya ko. Ano bang problema?


Seen.

Dei, hindi na nakakatuwa ito. Putangina. Iniiwasan mo ako in person, hindi mo ako pinapansin sa FB Messenger tapos putangina, makikita kong tinatapon mo lang pala yung mga pinapadala kong regalo. Tangina, Dei! Hindi pa ba sapat? Hindi pa ba sapat na after 3 years, andito parin ako para sayo? Sobrang loyal ko na nga sayo! Tangina naman, bigyan mo naman ako ng konting halaga. Ang sakit na sa puso, Dei.

Ako si Alden. Matagal na kitang mahal, kulang pa ba?


Seen.

Last chance, Dei. Last chance. Putangina, hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Mababaliw na ako dahil sa pag-iwas mo sakin, tapos ngayon biglang hindi ka na pumapasok sa school? Dei naman. Huwag mo akong galitin, mabait naman akong tao. Madali lang naman akong mahalin, Dei. Ang gusto ko lang naman sa buhay ay ang makasama ka hanggang kamatayan.

Dei, by now alam mong hindi ka makakapagtago sakin. Alam ko ang lahat tungkol sayo. Dei, please. Pansinin mo na ako.

Ako si Alden. Dei, limang araw na kitang inaantay na lumabas sa bahay nyo. Halika na.


You are no longer friends with Dei Mendoza.

Gusto mo talaga akong galitin ano, Dei? GUSTO MO TALAGANG MAKITA KUNG SINO AKO AT KUNG ANONG KAPASIDAD KO? Dei, hindi mo magugustuhan. Dei, please don't wake the other me. Mabait naman akong tao. Ang gusto ko, yun akin ay akin lang. Akin ka, Dei.

AKIN KA LANG.

Wala na si Richard para guluhin ang relasyon natin. Bakit ayaw mo parin? Ano bang mali sa akin? Gwapo naman ako, hindi naman nagkakalayo ang itsura namin ni Richard. ANONG MALI SAKIN, DEI?

Dahil ba si Alden lang ako? Putangina, Dei. Pansinin mo ako.

Gusto kong manakit ng tao.


You can no longer send a message to Dei Mendoza.

FUCK.

Nakikipagmatigasan ka talaga sa akin ha? Anong akala mo, hindi ko alam ang email address mo? Hindi ko alam ang personal accounts mo at iba mong social sedia sccounts?! Anong akala mo, hindi kita malolocate? Dei, you are underestimating me way too much. You have no idea what I can and cannot do.

Dei, tangina naman. Kaya ko ibigay sayo lahat! Mayaman akong tao, Dei. I can buy you the world if you ask me to.

Huwag kang umiyak.

HUWAG KANG IIYAK, TANGINA .

TANGINA HINDI KA BA TITIGIL?!

HINDI KA BA TATAHIMIK?!

Walang makakarinig sayo, Dei. Tayong dalawa lang ang andito.

Ikaw at Ako. Hanggang kamatayan.

Magsasama na tayo kagaya ng pinapangarap ko, Dei.

Ako si Alden, mahal na mahal kita.


You and Dei are now friends on Facebook. 


RockiversaryWhere stories live. Discover now