Kabanata 17

Depuis le début
                                    

“Ella!” nakilala ko agad ang boses kaya lumapit ako sa babae kahit na madilim ang lugar kung nasaan siya.

Nasa loob na ako ng bar at nakita ko si Yannie na nakatayo sa gilid na mukhang hinihintay ako. Lumapit ako sa kanya.

“As always, you look fabulous!” sabi niya sa akin nang tingnan niya ako mula ulo hanggang paa.

Pangatlong beses na niya akong sinasabihan ng ganito kaya nagawa kong matuwa sa sarili ko. Noon kasi ay bihira lang ang mga ganitong complements. Minsan kapag may party lang na kailangan ko talagang mag-ayos ng bongga. Tama lang pala na nag-ayos talaga ako.

Ngumisi ako sa kanya. “San na sila?” tanong ko. Nilibot ko ng tingin ang madilim na bar na tanging nagpapaliwanag lang ay ang mga neon lights. Wala naman akong makilala sa kanilang kahit sino. Siguro ay nauna lang kami ni Yannie?

“Sa private room sa taas. Nag-rent 'yong isa nating ka-batch para talagang tayo tayo lang.” Tumango ako sa sinabi niya. “C’mon. Hinihintay ka na nila.” Sabi niya sa akin.

Hinawakan niya ako sa kamay at sinugod namin ang napakaraming tao. Hindi na ako nailang sa kanila. Hindi na rin ako umiwas sa mga taong lasing na lasing na at naninigarlyo. Sanay naman kasi ako sa ganito. Especially when I was in New York, sa bar palang ni Zac, mas malala pa rito ang mga nakikita ko.

Umakyat kami sa second floor ng bar. Isang black double door ang binuksan ng dalawang bouncer para sa amin. Namangha ako sa private room na sinasabi ni Yannie. It’s more like a bar inside a bar. Dahil gayang gaya ng sa baba ang nandito. Magkasing laki at may sarili ring bar counter.

Umalingawngaw sa buong private room ang ingay ng mga taong nandito. All of them are in the middle and dancing. Mga nagwawala sila at hindi na maintindihan ang mga sinasabi nila dahil sa lakas ng musika. Nakita ko ang dj sa haparan na may katabing dalawang babae na hindi ko makita ang mga mukha dahil sa dilim at neon lights lang kasi ang liwanag.

“Guys! Ella’s here!” malakas na tili ni Yannie. Kahit pa ang lakas ng trance music sa loob ay naglingunan pa rin ang mga tao. Lahat sila, kumunot ang mata nang makita ako.

Ngumiti ako. May ilan akong nakikilala sa kanila. 'Yong iba, ngayon ko lang nakita o talagang hindi ko lang maalala. Well, Yannie said that everyone in our batch is here. So ka-course ko man o hindi ay nandito. Kaya malamang ay marami akong hindi makikilala sa kanila.

“Oh? 'Di niyo siya nakilala 'no? She’s Mikaella Buenzalido Santos!” hinawakan pa ako ni Yannie sa magkabilang balikat para maiharap ng maigi sa kanila.

“What?!” tili ng isang babae. Tumayo ito mula sa pagkakaupo sa couch at naglakad palapit sa akin habang hawak ang isang bote ng alak. “Ella?” malawak ang ngiting sabi niya.

When she came closer, nakilala ko kung sino siya. She’s Charlene Montego. My… uh… I really don’t know what to call her. Classmate nalang siguro. 'Yon naman talaga kami.

Nasaan Na Ang Pag-ibig? (Formosa Series #1)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant