A THOUSAND 'CRUSH'

15.3K 362 108
                                    

A Thousand Crush

By: Trinie

© 2012

**

Patrick’s POV

Si Mars na yata ang may pinakamaraming crush na nakilala ko. Lahat na lang kasi ng makita niyang lalaki, nagkaka-crush siya. May makita lang siyang kakaiba sa lalaki, crush niya na. Eh sino ba namang lalaki ang walang anumang taglay na kakaiba di ba?

Pero ang masakit lang doon…kahit kailan hindi niya man lang nabanggit na may crush siya sa akin.

Samantalang ako, hirap na hirap na sa katatago ng nararamdaman ko para sa kanya.

Hindi ko siya crush. MAHAL KO SIYA.

“Eeeh! Besto! Nakita mo ba ‘yon?! Tumingin siya sa ‘kin! Tumingin siya sa ‘kin!”Nakatiling higit niya sa ‘kin habang hinahampas hampas nang malakas ang balikat ko. Malakas ang hampas ng mga kamay niya sa balikat ko pero ayos lang. Sanay na ako.

Nasa isang basketball court kami ngayon para manood ng laro. May laro kasi si Allen. Kahapon niya lang nakita si Allen pero crush na raw niya kaagad kasi magaling mag-three points. Hindi naman talaga gwapo ‘yang Allen na ‘yan. Psh. Wala siya sa kalingkingan ko.

“Tignan mo Besto! Perfect shot talaga ‘pag si Allena ng tumira ng bola!” muli na naman siyang tumili habang kinukunan ng litrato ‘yong unggoy habang tumitira.

Lalong lumakas ‘yong tili ni Mars no’ng pumasok ‘yong bola.

Psh. Kaya ko rin naman ‘yon ah!

Nang makunan niya na ng litrato si Unggoy, bumalik na siya sa upuan namin.

“Ayy…blurred ‘yong kuha niya.” Nanghihinayang na sambit nya n’ong makita niya ang kuha niya kay Unggoy.

“Eh paano mo naman makukuhanan nang maayos ‘yong tao? Tili ka nang tili habang kinukuhanan mo siya.” Walang gana kong sabi sa kanya.

“Nakakainis naman eh.” Sabi niyang parang hindi ako narinig. Bawat crush niya, dapat daw makuhanan niya ng perfect shot. ‘Yon na nga lang yata ang inatupag niya mula no’ng Grade Five kami, ang kunan ng litrato ang lahat ng crush niya,“Kukuhanan ko ulit siya,” tumingin siya sa mga naglalaro. “Ayun! Titira ulit siya!” Akma na syang tatayo pero inunahan ko siya.

“Oh, sa’n ka pupunta?” Nagtataka niyang tanong nang makita niya akong tumayo.

“Uuwi na ako.” Walang gana kong sagot. Nagsimula akong humakbang palayo. Sawa na ako. Ayoko nang maging alalay niya sa mga ganito. Palagi niya pa ako ginagawang excuse kapag magpapaalam kay Tita Madel. Katulad na lang kanina, ang sabi niya sa mommy niya, magpapasama siya sa ‘kin na bumili ng lens ng camera niya. Wala namang tutol si Tita dahil malaki ang tiwala niya sa akin.

Sa sulok ng mga mata ko, nakita kong saglit siyang natigilan nung makita niya ang ginawa ko. Siguro dahil nagulat siya, ngayon ko lang kasi siya iiwan sa pang-i-stalk  sa crush niya.

ONE SHOT STORIESWhere stories live. Discover now