11

2.2K 122 41
                                    

🎶May pagasa pa ba kung susuko ka na
Larawan nyo ba ay lulukutin ko na🎶

.

Flashback.. Five years ago

Abala si Althea sa pag ttrabaho sa kanilang hacienda. Kahit kanila ang lupain iyon ay tumulong parin siya sa mga trabahador. Nakaugalian na nyang tumulong sa kapwa nya mahirap o mayaman ito.

Habang abala si Althea ay may dalawang pares naman ng mga palad ang tumakip sa kanyang mga mata.

"Kaw talaga babe yan ka na naman eh." Maktol ni Althea sa taong tumakip sa kanyang mata.

"Galing ng babe ko ah. Alam na alam kung sino ah." Puro ng babae.

"Syempre naman. Sa araw araw ba naman ng pag sasama natin makakalimutan ko pa ba ang mabango mong amoy." Sabay akap ni Althea Dito.

"Asus nang bola pa ang babe ko."

"Uy di yon bola babe. Totoo iyon." - althea.

"Oo na. Hindi na. O sya halika mag miryenda muna tayo dito. Tawagin mo na rin sila mang pedring at ng maka miryenda na rin sila."

"Aww. Ang sweet naman ng babe ko. Pwede na mag asawa."

"Soon babe. Pag maayos ng lahat mag papakasal na tayo."

"Talaga babe? Excited na ako maging asawa ka. Na araw araw na tayong magkasama at lagi na kita mayayakap mula pag gising pag tulog ko ikaw ang makikita ko."

"Aww excited na talaga ang bebelove ko."

After mag lambingan ng mag babe ay tinawag na rin nila ang mga kasama ni Althea upang mag miryenda muna sa kubo sa malapit na pinag ttrabahuhan nila.

"Ang swerte mo talaga ma'am Althea kay Ma'am Lau. Halatang maalaga po sainyo." Sabi ni mang nestor habang pinapanuod ang lovers na sweet na sweet.

"Talaga ho mang nestor ang swerte ko dito sa babe ko. Lagi ako inaalagaan. Kaya mahal na mahal ko ito eh." - althea

"Kaya maam althea wag mo ng pakawalan pa si maam lau. Dahil bihira na kayo makakakita na ganyang babae." - sabat naman ni mang pedring.

"Hinding hindi ko po bibitawan ang mga kamay na ito mang pedring hanggang sa pag tanda namin." Sagot naman ni Althea itinaas pa kamay ni lau at binigyan ng banayad na halik.

"Mabuhay ang bagong kasal" sigaw pa ng iba pa nilang kasama sa kubo. Napatawang napapailong nalang ang lovers dahil sa kalokohan ng mga kasamahan.

***

Pero sabi nga nila hindi lahat ng perfect love story ay nag lalast forever. Dahil isang araw nagising nalang si althea na wala na si Lau sa kanyang tabi.

"Ma nakita nyo po ba si Lauren? Hindi ko ho pa kasi sya nakikita mag mula kaninang umaga. Dati rati mga gantong oras ay naririto iyon."

Tanong ni Althea sa ina. Nangigilid naman ang luha ng ginang habang nakatitig sa anak.

"Ma? Bat ho kayo naiiyak? Ano po ba nangyare?" Tanong ni althea dahil naguguluhan na siya sa ipinapakitang expression ng ina.

"A..anak...w..wala na si Lau..ren" naiiyak na sabi ng ginang.

"Ma? Paanong wala? E kahapon lang ay magkasama pa kami." Sagot ni althea na mababakas na rin ang kaba sa dibdib.

"Umalis na sya kanina papuntang US." Sambit ng ina. Sa narinig ni althea ay duon na bumuhos ang kanyang mga luha na kanina pa pinipigalan.

"No! No! Hindi nya ako iiwan nangako sya saakin na hindi ng hindi nya ako iiwan. Na mag sasama kami habang buhay. Na mag papakasal kami.. ma sabihin mo hindi totoo lahat ng sinabi mo. Maaa." Umiiyak na sambit ni althea napaupo nalang dahil balita na sinabi ng kanyang ina..


"Wala na sya anak. Wala na umalis na sya kaninang umaga. Papunta US. Para tuparin ang kanyang mga pangarap. Eto anak may iniwan sya liham para saiyo." Inabot ng ginang ang liham na iniwan ni Lau para kay Althea.

Agad agad binuksan ni Althea ang liham na iniwan sa kanya ni Lauren.

Dear Althea.

I'm so sorry babe kung iniwan kita ng walang dahilan at paalam. sana maintindihan mo ako. Hindi man ngayon pero sana pag pag dating ng araw.
Mahal na mahal kita Althea. Pero may mga pangarap pa akong nais pang tuparin na akong mag isa lang. Hindi sa ayaw kitang kasama pero gusto ko rin may mapatunayan papara sa sarili ko. I'm really sorry babe. Sana mapatawad mo pa ako. And sana sa araw na pag babalik ko ay nandyan ka pa rin. Pero kung sakaling man may makikila ay matatanggap ko. Magiging masaya ako para sayo. Again i'm really sorry babe sana mapatawad mo pa ako. I love you goodbye...

Love
Lauren




Pagkabasa ni althea sa sulat na iniwan sa kanya ni lau ay agad syang tumayo at dali daling pinuntahan ang kanyang sasakyan na nakaparada sa kanilang garahe.


"Althea saan ka pupunta? Baka mapapaano kang bata ka." Sigaw ng kanyang ina ngunit hindi ito pinansin ni althea tuloy tuloy lang sa pag harurot ng sasakyan. At tuluyan ng umalis.

Mabilis na tinungo ni Althea ang Airport at nag babakasakaling maabutan pa nya si lauren. Pero huli na ang lahat dahil ilang oras ng naka alis ang eroplanong sinakyan nito. Napaupo nalang si Althea sa sakit na nararamdam nya sa kanyang puso..








End of flashback....

Gulat parin nakatingin lang ang magkakaibigan sa taong tumawag sa pangalan ni Althea. Unti unti naman bumaling ang mukha ni Althea sa taong nakatayo sa likuran nya.

"La..lauren." bigkas na tawag ni Althea. Agad naman sya nitong sinugod ng mahigpit na yakap.

"I miss you so much babe. I'm sorry kung iniwan kita.. sorry sa lahat. Hindi na bali nandito na ulit ako. Hinding hindi na kita iiwan pang muli."

Sabi ni lauren na nakayakap parin kay Althea. Si althea na rin ang kusang bumitaw sa pagkakayakap ni Lauren sa kanya. Nag aalalang tumingin naman si althea kay jade. Pero tumango lang ito sa kanya.

Inanyahan naman ni Althea. Na maki join na rin si lauren sa pag lalaunch nila. Agad naman pumayag ang huli. Nakapagitna si Althea kay Jade at Lauren. Todo asikaso naman si Lauren kay Althea. Gaya ng nakasanayan nyang pag aalaga kay Althea ng sila pa. Ramdam na ramdam ng mga kaharap nila ang tensyon na mumuo sa sa tatlo. Akmang susubuan na ni Lauren si Althea ng biglang tumayo si Jade sa pagkakaupo.

"Excuse me." Paalam ni Jade sa mga kaharap at mabilis na umalis sa pwesto nila. Gulat naman si Althea. At agad na napatayo si Althea sa kinakaupuan nito at agad na hinabol si Jade.

"Love sandali." Sigaw ni Althea habang hinahabol si Jade.

"Love?" Gulat na sambit ni lauren. Habang nakatingin kay althea na hinahabol si Jade.

























TBC!

AN: suko na ba o laban pa? 😢💔😢

👇vote and comment👇

Now That I Found YouWhere stories live. Discover now