Idagdag pa ang kahihiyang nangyari sa kweba. A day has passed and he still feels mortified. He shook his head, as if it would erase the memories. No time to dwell on that.

Ang simple lang naman ng plano. Distract the help, pretend to be vacationers, search the house, find the effing Bencab painting, replace it with an eerily accurate counterfeit, and leave! Ano't nalusutan sila ni Gelo?!

While they were in the cave, Gelo, Paul and Kevin searched the whole house and looked for the painting. Pagdating nila kahapon, in-update agad sya na nahanap na nila si Sabel. Everything was smooth. He relaxed. Big mistake!

Hinayaan niyang mag-inuman sina Fatima at Paul hanggang sa susuray-suray na ang mga ito at di na makagulapay sa kalasingan. Hinayaan niyang magmukmok si Kevin kahit alam niyang masama ang loob nito. Hinayaan niyang matulala na naman si Gelo sa isang sulok dahil inakala niyang nag-iisip lang ito ng plano kung paano sila makakaalis ng isla. Hinayaan niya ang sarili na magsintir dahil sa nangyari sa kweba.

Kaya ngayon, natakasan sila. Wala na ang painting, tangay na ni Gelo.

"Madali naman natin s'yang mahahanap sa Maynila, tol." Sabi ni Paul.

"Problema pa rin. Paano kung magsumbong yun sa mga pulis? Hindi sya parte ng grupo natin. Sabit lang sya!" Sagot naman niya. Pinagnakawan kasi ni Paul ang mansyon nina Gelo ilang linggo na ang nakakaraan, at si Gelo rin ang nag-suggest ng raket nila sa isla.

"Kaya pala willing syang tumulong kuno, may hidden agenda pala! Tang ina nya! Patay sa kin yang gunggong na yan!" nanggagalaiting sabi ni Kevin. Siguradong gulpi na naman ang aabutin nito sa utol niyang higante.

Napangiwi si Paul, halatang may nararamdaman na para sa tumakas na kasabwat.

"Tol baka naman may dahilan. Hindi naman nya kailangan ng pera, mayaman naman sya eh. Tsaka..." bigla itong tumigil mid-sentence, waring may nalalaman ngunit ayaw magsalita.

"Nagkausap ba kayo bago sya umalis?"

"Hindi!" Mabilis na kaila nito, parang may pinagtatakpan.

Kilalang kilala nya si Paul. Alam niyang nagsisinungaling ito pero hindi dahil gusto nitong solohin ang painting. Sigurado siyang may iba itong itinatago. Sa daldal nito, siguradong masasabi din nito sa kanila kung anong totoo.

"Mag-empake na kayo, wala na tayong choice kundi umalis. Ano pang gagawin natin dito?!" bwisit na singhal ni Kevin. Nahalata din atang pinagtatakpan ni Paul ang fake boyfriend.

Biglang lumitaw si Fatima. Nakalimutan niyang maysa-maligno nga pala ito na basta na lang sumusulpot nang hindi nila namamalayan.

"Nasaan na yung jowa-jowaan mo? Bakit kayo iniwan?!" intriga nito sa kanila.

"Nakita ko pa nga kayong pagulong-gulong sa buhangin kagabi!" Napatiim-bagang si Kevin dahil sa narinig. "At bakit aalis na kayo? Naku ha, I smell something fishy!" Punong puno ng malisya at pagdududa ang tinging ipinukol nito sa kanila.

"Pero nung tinawagan ko naman yung amo kong dabiana, ang sabi nya lang sa kin, 'send their pictures' kaya sinend ko picture nyong apat. Papunta daw ang balyena dito today." Kung nahalata nito ang pagkagulat sa mga mukha nila, hindi niya matiyak.

Apparently, first night pa lang ay alam na ni Vanessa na nandoon sila sa isla. At kilala nito si Gelo, which means she knows what they're after or at least she has a hint. But it's been three days, so why come now?!

Sigurado syang disabled lahat ng CCTV sa isla, umaandar on a loop, para kahit i-review ay hindi sila makikita. Mas kaduda-duda iyon panigurado dahil alam na pala nitong nandoon sila. Bakit nila pakikialaman ang CCTV kung wala silang binabalak na masama?

CROOKS-TO-GO Book 2Antonio: The Deceitful CrookWhere stories live. Discover now