P r o l o g o

21 0 0
                                    


Habang papalakad sa altar,

Hindi ko alam kung bakit,

Patuloy lang ang pag agos ng aking mga luha.

Hindi ito luha para sa kasayahan,

para bang may pinagkakahinagpisan ako.

Parang may kulang saken.

Parang may nawawala.

Habng pinagmamasdan ang isang lalaki na nagaantay sakin sa kabilang dulo ng altar,

Pamilyar ang aking paglalakad sa simbahan,

Ngunit,

Hindi ikaw yun.

Hindi ikaw ang dapat andiyan.

para bang iyon ang sinasabe sakin ng hangin.

Nakakasigurado akong hindi ikaw yun.

Na hindi maari to.

Na tila ba ay may nilalabag akong isang pangakong matagal ko ng nabitawan.

Isang alala mula sa patuloy kong panaginip,

"Ikaw ang una at huli kong mamahalin,kahit ilang daang panahon man ang lumipas"hagulgol niyang bangit sa habang nakahawak sa kamay at hinahaplos ang pisngi ng isang binatang nakahiga ang ulo sa kanyang mga binti. Pulang pula na ang buti nitong traje de boda. Habang patuloy na ginigising ang nakahimlay na katawan sa kanyang bisig.

"kung sino man pipigil saating dalawa ay malupit din na kapalaran ang kahahantungan " patuloy niya pang bangit habang inaakap ang walang buhay na katawan ng kaniyang kabiyak.

Ang panaginip na iyon,

Ang lalaking nasa panaginip ko.

Hindi siya maalis sa isipan ko.

"Naiiyak ka ba sa tuwa, hija" masyang tanong ng isang babaè na nadaan ko papunta sa altar.


Eternamente (Serye ng mga Lambana - Masalanta)Where stories live. Discover now