"Huh? Ah dito na lang ako sa sala muna matutulog okay lang naman sa akin."

Hindi nagustuhan ng lalaki ang biglang pag tanggi ng dalaga. Kanina pa niya pinag titiisang magpakabait dito para sa pinaplano niya pero sadyang naiirita siya kapag nagpapakita ito ng kabutihan. Batid nyang nag babait-baitan lamang ito para makuha ang kanyang loob.

"Tinatanggihan mo ba ako?" May galit sa himig ng pag tatanong ng binata. Agad na napailing ang babae.

"Hindi! Ayoko lang makastorbo pa sayo."

"Then sumunod ka na lang pwede?!" Medyo napapasigaw na sabi nito. Bumalik nanaman ang Callum na masungit at parating galit. Dalidaling pumasok siya sa nasabing kwarto nito at mabilis na isinara ang pinto sa takot na baka may masabi pa itong muli.

Iginala niya ang paningin sa buong kwarto. Namamangha pa din siya sa pagkakadesenyo pati ng kwarto nito. Dumapo ang tingin niya sa isang litratong nasa ibabaw ng bedside table. Sandaling pinagmasdan niya ang litrato. Merong limang tao sa litrato at isa duon si Callum at ang ama nito. Sa tingin niya ay isa iyong family pictures ng nasirang pamilya. Napangiti siya ng mapansing parang ang saya saya ng pamilya sa litratong iyon. Nakaramdam siya ng panghihinayang. Maging siya ay gusto niya ring mabuo ang pamilyang iyon ngunit hindi niya alam kung paano mangyayari iyon. Siguro kapag nangyari yun ay muli nanaman siyang maiiwang mag isa. Yun ang isa sa kinatatakotan niyang mangyari. Hindi man niya mahal si Chris sa romantikong paraan pero mahal niya ito bilang ito na lang ang karamay niya sa buhay na minsang naging malupit sa kanya.

Humiga siya sa kama at sandaling nag munimuni bago unti unting bumibigat ang talukap ng kanyang mga mata. Dahil na din siguro sa pagod kaya madali siyang natulog. Nang magising siya ay madilim na sa buong kwarto. Binuksan niya ang lampshade na nasa gilid ng kama. Sa tansiya niya ay malamang na gabi na at napahaba ang tulog niya.

Bigla niyang naalala si Chris kaya agad niya itong tinawagan upang ipaalam dito na nakarating na sila ng maayos ni Callum sa maynila. Pagtapos ng mahigit kalahating pakikipag usap sa telepono ay lumabas na mula sa kwarto ng binata si Katharina. Hindi niya naabutan ang binata sa sala kaya nilibot niya ang kabuuan ng bahay upang hanapin ito. Maya maya ay biglang bumukas ang front door.

May daladalang paper bag ang binata pagpasok nito. Agad siyang lumapit dito.

"Ah Callum, nagugutom ka na ba? Gusto mong magluto ako?" Agad na salubong niya dito.

"No need, nakaorder na ako. Here ihain mo na lang." Walang ganang sabi ng binata. Obviously bumalik nanaman ito sa pagiging masungit. Agad na inabot ni Katharina ang inabot sa kanyang paper bag. Hinanap niya ang kusina at nag umpisang ihain ang mga pagkaing inorder ng binata.

Nang matapos maihanda ay tinawag na niya ang binata sa sala ngunit naabutan niya itong nakahilata sa sofa habang nakapikit. Sa tansiya niya ay nakatulog na agad ito. Siguro dahil sa pagod kaya mabilis na nakatulog ito pero ang buong akala niya ay nakapag pahinga na din ito kanina nung natutulog siya. Dahan dahan siyang lumapit dito. Nag alangan tuloy siyang gisingin ito dahil mukhang ang sarap sarap na ng tulog ng binata. Naisipan niyang tirahan na lamang ng pagkain ang lalaki. Pumasok siya sa kwarto nito at kumuha ng kumot. Dahan dahan niya itong ikinumot sa lalaki bago pumunta sa kusina upang takpan na lamang ang mga pagkain. Ayaw naman niya kasing maunang kumain dito.

Nilibang na lamang niya ang kanyang sarili sa pag babasa ng mga librong dinala niya habang hinihintay na magising ang binata. Habang nagbabasa ay hindi na din niya napigilang antokin at makatulog.

Nagising si Callum na nakabalot na ng kumot. Nagtatakang bumangon siya. Nakita niya si Katharina sa kabilang sofa na nakaupo habang hawak hawak sa isang kamay ang libro. Nakapikit ito at tulog na tulog. Natawa siya sa hitsura nito naisip niya ding baka ito ang nag lagay sa kanya ng kumot. Ngumisi siya, magaling talaga mag alaga ang babae kaya siguro humaling na humaling dito ang kanyang ama.

Ruthless DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon