Nabigla ako sa nakita ko.

"MAXINE ANDREA HERRERA!!!!!!!!!!!!!!!"

*James Deguzman's PoV* (Best ni Max)

Kanina pa kami tawa ng tawa dito habang kinekwento ni Max yung nangyari. Isama mo pa yung picture at pag-sigaw ni Rex sa roof top. Akalain mo yun? From roof top to Cafeteria? Hahahaha! Paos yan mamaya tingnan niyo.

Ako nga pala si James Karl C. (Capuyong) Deguzman, ang gwapong best ni Max.

"Best! Ano gagawin mo mamaya? malamang magagalit sayo si Rex" -ako

"Edi makikipag-sagutan ako sakanya. tsk." tapang ah

"Woah girl idol na kita! haha! " -Kat

"Ay nako bakla, mag-isip ka na ng mga pangganti mo kasi for sure gaganti yan sayo bakla" -Mico

"Game ako kung gusto niya mag-laro ng gantihan" -max

"Swerte mo parin girl ah! Akalain mo yun? nadidikitan mo siya at nakakausap! kyaah!!" Pag "girl" ang tawag kay Max si Kat yun pero pag "Bakla" si Mico yun pag "best" naman edi sino pa ba? edi ang pinakagwapong ako. hahaha

"Basta best wag kang magpalatalo ah?"

"Agree ako kay Fafa James"

"Tama si Tol"

Pag "Fafa" ibig sabihin si Mico pag "tol" si Kat yun. May pagka tomboy ata tong si Kat eh.

"Oo naman" -best

"Sige alis na ako!! bye!" may pupuntahan pa pala ako. tsk

*Max's PoV*

Pagkapasok ko sa classroom nakita ko na si Rex dun. Hahaha!!! Hindi parin ako maka-get over lalo na nung sumigaw siya sa may roof top! Makikita niyo, mapapaos toh hahaha!!

Umupo na ako sa tabi niya. Nag-glare naman siya sakin.

"Hindi pa *ehem*tayo tapos" PAOS SIYA OMG. ANG BILIS NAMAN HAHA

"Edi hindi. Grabe ang bilis mo pala mapaos! HAHAHA!"

Bago pa siya makasagot dumating na si Sir. Palma

"Good morning class. Iiinform ko lang sainyo na half day lang kayo."

"YES!!! WOHOO!!" sabay sabay naming sinabi.

"Pero bago kayo umalis mag aasign ako ng partners para sa project niyo."

"Awwww!!!" naalis yung masayang mukha nila

"Ms. Cabungao and Ms. Apacible"

After 5 minutes..

"And finally, Ms. Herrero and Mr. Herrera" ANO?

"SIR!!!" Sabay naming sabi

"Bakit?! May reklamo kayo?!"

"Opo sir!!" sabay ulit kami

"Abat!! Bakit kayo magrereklamo?! Sino ba ang teacher dito?!"

"Eh sir!! Baliktad sinabi mo! Ako si Ms. HERRERA!" sabi ko "AKO NAMAN SI MR. HERRERO!" Dugtong ni Rex. "Kailan niyo ba Matatama yung apilyido namin?!" OA kung OA pero bwiset na bwiset na kami tuwing napagkakapalit last name namin. Almost every subject -.-

"Ah ganon ba? hehe sige pasensya. So I'll give you 10 minutes to plan with your partner then you may go home"

So nag-usap na nag-aaway way na kami ni Rex kung ano yung gagawin. Ang hindi lang namin mapagkasunduan ay kung kaninong bahay -.-

"Samin nalang tayo gumawa ng project. Mas perfect at mas malapit!" Sabi ni rex

"Samin nalang!! Mas malapit kaya amin" sabi ko naman

"Amin kaya mas malapit!" Ayaw magpatalo ah

"Amin kaya! Tsaka babae ako pag lumabas ako mag-isa baka marape ako uso pa naman yungh ganitong mukha" aba mas hindi ako magpapatalo

"Ano? Teka nabibingi na ata ako. Ikaw marrape? Baka nga ikaw pa mang-rape diyan eh
tsaka oo nga uso yang mukhang yan.. Sa wanted list -_-" WOW ako pa talaga yung sinabihan niya niyan ah -_- sama.

"Teka bakit ba tayo naga-away kung kaninong bahay? Eh magkapit bahay lang naman tayo ah psh" Magkatapat lang bahay namin. Magkatapat kwarto ko at kwarto niya.

"Ganito nalang. Alternate tayo. Una bahay niyo then samin then sainyo. Deal?" Sabi niya. Talino ah. hahaha

"Uhm. Deal!"

Forever and AlwaysTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang