// 12 : Red Roses

Magsimula sa umpisa
                                    

Nagtinginan mga kaklase ko sa'kin. Napahiya din naman ako, eh kasi akala ko sa "R" pa ako eh. Hinihintay ko yung O, P, Q!

"Naka naman! Wala sa sarili si Candava! Iniisip siguro ang date nila mamaya ni Mr. Orquia!!"

Nagsimula naman nila akong lokohin. Si Mr. Orquia ay si Bryan. At marami rami sa mga kaklase ko ang kinikilig sa'min. Pero, ewan ko, kinikilig ba ako? Hmm, siguro konti.. dahil first time ko?

Nagpatuloy naman yung pag rerecord ni Ma'am ng mga scores.

<"Mikaela De Robles">

Mikaela De Robles, pala.

- - -

"A-B-B-D-A-C-A-C-B-B-A-A-C-D-D-C-B.."

Nag rerecheck kami ng test namin sa English. Yung class F daw kasi yung nagcheck ng papel ng mga class A, eh baka daw may mali kaya pinaparecheck sa'min.

*beep*

Nawala ako sa konsentrasyon nung narinig ko yung beep ng cellphone ko kaya, tiniklop ko sa dalawa yung hawak kong papel. Kinuha ko yung cellphone ko sa bulsa at nilagay dun sa may taklob na area.

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

From: Bryan

Kenji, may meeting kmi mmya. Hnd kta mkksabay pag uwi.

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Habang tumitingin pa kay Ma'am, agad agad akong nag reply na ayos lang naman sa'kin. President kasi siya ng isang club eh. Dun ata sila may meeting.

Last one subject na nga pala ngayon. Uwing uwi na rin ako eh.

Dire-diretso naman si Ma'am ng pagsasabi ng answer key ng biglang kumulog ng malakas na may kasama pang kidlat. Napa-irit naman yung iba sa'min. Sumunod dun ang ulan.

"Gosh, wala akong payong!"

"Grabe naman yang ulan na yan, kung kelan ko nakalimutan magdala ng payong! >.<"

Speaking of payong, iba nga pala ang dala kong payong. Hindi ko kilala kung sinong may ari, pero basta ko na lang kinuha kasi nasa may tabi naman ng bahay eh. At, wala namang naghahanap.

(Short Story) Love, RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon