Bratinella.10

5K 82 3
                                    

Grey's photo above.

Bratinella.10

"Cynths, asan si Tom-tom ko?" tanong ko agad sa muchacha namin kinaumagahan.

"Nasa garden po Ma'am, kalaro po si min-min?"

Ha? Nagtaka ako sa sinabi niya, "Sino si min-min?"

"Pusa po ni Sir Grey?" sagot naman niya.

"May pusa ba yun?" takang-tanong ko.

"Yes Ma'am pagkauwi nya po kaninang madaling araw, dala-dala nya na po yung pusa at pinangalanan nya ng Min-min."

Aba, madaling araw na pala umuwi yung lalaking yun. Naalala ko na naman tuloy yung nangyari kagabi pagkatapos naming magkakitaan.

"Lumayas ka dito, manyak ka!" sigaw ko sabay bato sa kanya ng unan.

"Aish! Ano ba?! Nagkamali lang naman ng kamang hinigaan eh. Saka anong magagawa ko? Eh sa ganitong ayos ako sanay matulog!" bwiset, manyak talaga! Sinong matinong tao ang hubot-hubad kung matulog?!

"Lumayas ka dito, hindi lang sa kwarto ko kundi sa bahay na 'to!" at para sa finale, binato ko lang naman ang lamp shade sa kanya sanhi para magtatakbo siya palabas ng kwarto ko.

"Aish, Cynths pag punta mo nga sa kwarto ko, pakilinis yung basag na lampshade dun saka papalitan."

"Yes Ma'am."

Paalis na sana ako nang biglang may marealize...

"Cynths, wait lang."

"Bakit po ma'am?" napatigil din si Cynthia.

"Anong sabi mo kanina, magkalaro ang tom-tom ko at ang min-min nya?"

"Opo Ma'am." parang walang alalang sagot niya.

"You mean... aso't pusa... magkalaro?!"

"Yes Ma'am, buti pa nga po sila eh," parang may ipinahihiwatig pa siya.

"So, anong gusto mong palabasin?!" mataray kong tanong sa kanya.

Bigla naman ang panginginig niya at sumagot nalang ng, "Ah, wala po Ma'am. Wala po."

~~

After kumain ay nag-drive na ko papuntang school. Wala na kong driver, may student's license naman ako eh.

At yung asawa ko? Psh, hindi ko naman maaasahan yun. Sabayan nga lang ako sa breakfast, hindi nya magawa, ipag-drive pa kaya?

Aish! Ano bang pake ko kung hindi kami magkasabay sa lahat ng bagay?! Saka okay na rin yun, iwas-kati.

Nang makarating sa school ay umatras na 'ko para magpark.  Kaso...

*Peeeeeep!*

"Ano ba? Baguhan ka lang ba sa campus na 'to athindi mo alam kung kaninong pwesto yang inoccupied mo?!" sigaw ko sa bastusing driver na inunahan ako sa pagpa-park sa parking space na may nakaukit na ng pangalan ko sa poste sa gilid.

Pero imbes na mag-sorry at umalis nalang sa pwesto ko ay nagbingi-bingihan pa ang walang-modong driver, kaya naman...

*PEEP! PEEP! PEEP!*

At ang putik, hindi pa rin matinag-tinag sa nakabibingi ko nang pagbusina!

 "Ang yabang mo ha! Porke't naka-sports car ka 'kala mo kung sino ka! Eh kung yupiin ko kaya yan, bwisit ka!"

Bumaba na ko sa kotse para harapin ang sira-ulong driver. Kumuha ng pentel pen sa bag at inihanda na ang evil plan ko.

Pero bago yun ay kinatok ko muna ang bintana nyan, warning muna kumbaga.

"Hoy! Lumabas ka dyan, harapin mo ko! Walang-hiya ka, hindi mo ba ko kilala, ha?!"

Sa wakas, dahan-dahan na ring bumukas yung bintana...At shet! Pakipulot nga yung panty kong nalaglag!

What the! Buti nalang hindi ko tinuloy yung evil plano kong drawingan yung kotse niya kundi turn off yun for sure!

Juskoday! Pati panga ko, nalaglag na rin 'ata dahil sa taglay na kagwapuhan ng driver ng sports car.

"I'm very sorry Miss, transferee lang kasi ako--" pag-eexplain niya habang ako, tulaley lang sa kanya.

Teka teka, tinititigan niya ba ko? OMG, hindi na ko magtataka, ang ganda ko kasi eh! Saka for sure naman kilala niya ko kasi nga sikat ako, super.

 "Shaye? Shaye is that you?" tanong nya sabay baba ng shades nya.

Shet! Lalong gumwapo nung walang shades! I love his singkit eyes, gosh! Pero teka...kilala nya ko? Oh huwag mamilosopo. Alam kong sikat ako at maraming nakakakilala saken, but the way he called me? It's different. At walang nakakakilala sa mga fans ko sa pangalang yun. Except nalang kung bobo siya fan at hindi makaintindi sa palagi kong quotation na "Ella is my only name, don't you dare call me with another name or else..."

Yun lang naman, hindi naman ako nananakot nun. Ayoko lang talaga ng ibang pangalan ko bukod sa Ella.

"Right! You're really Mikhaella Shaye Romualdez!" tuwang-tuwang sabi niya, nakalabas na pala siya ng kotse niya. "Yeah, I understand kung hindi mo na ako nakikilala..." then he grins.

"Eh, sino ka ba?" takang tanong ko.

"Haha, hindi ka pa rin nagbabago," infairness, may accent siya. "Ang sungit mo pa rin, that's why I like you eh."

Oy! Hindi ako masungit sa mga gwapo, pero ganun talaga ako magsalita.

"Okay, I'm gonna introduce myself to you Shaye. If you can't still remember me, ako 'to,  si Nef... Nefthali Reyes, your former schoolmate—"

"WAIT!" pinatigil ko siya sa pamamagitan ng pagtapat ng kamay ko sa tapat ng mukha niya.

Sinesearch ko pa sa utak ko ang pangalan na 'yun. NEFTHALI REYES.

"OMG!" maya-maya'y sigaw ko. "Natatandaan ko na!"

Ella Bratinella #Wattys2017Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin