"Ano naman ngayon?" Tanong ko.

"Biro mo mam, nagpanggap siyang galit siya para lang tumigil kami sa practice" Dagdag ni Kathryn.


"Mr. Padilla, what do you think you're doing? Bakit mo ginugulo ang practice?" Tanong niya.


"Mam, ganito kasi yan. Bad trip ako kanina tapos dinagdagan pa ni Kath kaya nasigawan ko siya. Di ko po sinasadya yun"

"Hindi sinasadya? Wow" Sabi ni Kath.


"Kung gusto niyong dalawa mag-away, dun kayo sa labas. You're wasting the time given to me. Bahala kayo pag na-late kayo sa subject na hindi ko kayo in-excuse" Sabi ni Ms. Elena.


Hay nako.

Buti na lang hindi niya ko sinisi. Kasi kapag ginawa niya yun, tawa ko lang.

Pasalamat siya hindi sobra ang badtrip ko ngayon kundi tanggal na sa trabaho yang teacher na yan.


*sigh*


Lumapit ako kay Kath at in-offer ko yung kamay ko.


"Ano yan?" Tanong niya.

"Kamay yan" Sagot ko.

(-_-) <--- Itsura ni Kath.


"Oo, alam ko kamay yan. Anong gagawin ko diyan?"

"Baka tititigan" Sagot ko.


Di niya ba alam na dapat na niya hawakan kamay ko para mag-start na yung practice. Kami na lang hinihintay ng lahat.


"Ano ba kath? Amin na kamay mo" Utos ko.

"At bakit?" Galit pa siya niyan.

"Para mag-holding hands tayo?" Asar ko.

"Ano ba Daniel! Umayo ka nga"

"Para mag-start na yung practice" Sabay hila ng kamay niya.


Tumingin na ko kay Ms. Elena.

"Okay na kami Ms., Sorry po" Sabi ko.


Tumingin ako kay kath, nakatingin din siya sakin.

Parang nagtaka lang siya...


Nagstart ulit yung kanta, tapos nagsayaw na ulit kami ni Kath kasama yung ibang fourthyear students.


Tahimik lang kami ni Kath, wala kaming mapagusapan ehh.

Tapos yung part na pinaka-ayaw ni kath, bigla akong may naisip.


Imbis iikot siya, hinila ko siya papalapit sakin.

Nanlaki yung mga mata niya.


"Galit ka?" Bulong ko sa tenga niya.

"Parang kahapon lang ito ahh"

Stuck in the Moment (Stuck Series Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon