Chapter 13 - Proper Introduction

318 18 0
                                        

Nang bisitahin si Cid ng lolo niya ay agad siyang napabangon at napatakbo palabas ng pinto. Kinumpirma kasi ni Lolo Theo na iniwanan nitong mag-isa sa dalampasigan si Lanie.

Kahit inawat na si Cid sa paglabas ng kuwarto nina Abby at Gab ay hindi na naman siya nakinig sa mga ito. Madalas ay hindi talaga siya sumusunod sa utos. Iyon marahil ang dahilan kaya kahit ang lolo niya na ang nagtuturo sa kanya ay hirap pa rin siyang matuto.

Hindi rin daw kasi siya marunong madala. Tulad na lamang ngayon. Mas pinili niyang hanapin si Lanie kahit sinabihan na siyang layuan ang babae.

Pero wala siyang pakialam.

Hindi na niya iisipin kung ano ang ibig sabihin ng hula ng pinsan niya sa kanya. Ang gusto niya lang mangyari nang mga oras na iyon ay ang matagpuan si Lanie at masigurong maayos ang kalagayan nito.

Hinihingal na si Cid sa pagtakbo nang mapadpad siya sa dalampasigan. Muntik nang tumigil sa pagtibok ang puso niya nang makita niyang nakahandusay ang babae sa buhanginan. Basa ang buong katawan ni Lanie. Pero agad din siyang nakahinga nang maluwang nang makitang tumingin ito sa direksiyon niya.

"Anong nangyari sa 'yo?" nag-aalala at hinihingal na tanong ni Cid.

Hindi umimik si Lanie pero iniangat ni Lanie ang isang kamay para hingan siya ng tulong. Nais nitong makatayo mula sa pagkakahiga sa buhanginan. Nang mahatak na niya si Lanie patayo ay saglit na pinagmasdan muna siya nito. Yumuko si Lanie bago nito inilahad ang kamay nitong may hawak sa kuwintas niya. At muli ay tiningnan siya ni Lanie.

"I think you should wear this again," sabi nito sa kanya. 

Hindi makapaniwalang tiningnan ni Cid ang hawak nitong kuwintas pagkatapos ay tiningnan niya ang mukha nitong nakaharap sa kanya. Hindi niya akalaing gagawin ni Lanie iyon para sa kanya.

Come to think of it, Lanie always did unusual things. And his heart was about to burst upon realizing what she did for him. He hugged her so tight he didn't care if she complained not being able to breathe properly.

Pero nanatili itong tahimik. Siya na ang kusang kumalas sa pagkakayakap dito. Mukhang wala pa ito sa tamang huwisyo. Hindi naman kataka-taka iyon para sa kanya. Kahit siya ay hindi agad nakabawi mula sa mga alaalang nakita nila.

Mukhang nailang si Lanie nang maisip nito ang ginawa niyang pagyakap pero mayamaya lamang ay walang imik at mabilis na isinuot nito sa kanya ang kuwintas niya. Agad din siyang iniwanan nito. Pakiramdam niya tuloy, parang nais lang talaga nitong ibalik ang kuwintas niya, pagkatapos ay hindi na siya nito nais na makita pa.

Kahit wala itong sabihin ay alam niyang sinisisi ni Lanie ang sarili nito sa nangyari sa kanya kanina. Pero hindi naman nito kasalanan na pinasok ni Anon ang katawan niya. 

Hindi nito kailangang lumayo sa kanya.

Nang makabawi si Cid sa pagkatulala ay agad niyang hinabol ito. Wala na talaga siyang pakialam kung magalit man uli sina Lolo Theo.



Napahinto sa paglalakad sina Devin, Sydney, at Anon nang makita nila ang paglapit ni Cid kay Lanie na nakahiga sa buhanginan. Pabalik na sila sa cottage nang makita nila ang pagbalik ni Lanie kay Cid ng kuwintas ng huli. Nakita rin nila ang pagyakap at paghabol ni Cid kay Lanie.

"Are you going to deteriorate again?" naninitang tanong ni Sydney kay Anon.

Nagbaba si Anon ng tingin bago niya binalingan si Sydney.

"No, I'm fine."

It was a lie.

Ang totoo hindi niya matanggap na kahit takot si Lanie na lumangoy sa dagat ay ginawa pa rin nito iyon mahanap at maibalik lang ang isang bagay na pag-aari ni Cid.

AnonymousDove le storie prendono vita. Scoprilo ora