CHAPTER ONE

32 5 3
                                        

"Candy! Ano kaba namang bata ka!"
Napalingon siya sa kanyang ina. Paano siyang nakita nito sa pinagtataguan nito? Parang nais na niyang umiyak. "No, Mommy! Ayokong bumalik doon. Please!" pagsusumamo niya rito.
"Halika nga ritong bata ka. Aba'y ang laki laki mo,eh nagsusumiksik ka riyan sa ilalim ng lababo!"Hinila siya nito palabas. Pinagpag nito ang short niyang napuno ng alikabok.
"Mommy, ayoko pong pumasok sa loob!"

"At bakit? Mabuti nalang at nakita kita rito. Alam mo bang may natagouang ahas dito si Nanding noong isang araw?" Ang tinutukoy nito ay ang isa sa mga tauhan sa fishpond nila.
Natakot siya sa sinabi nito. Siya pa ang nag-ayang lumabas sa kubung iyon. Malayu-layo ang kubong iyon sa bahay nila. Dati iyong pahingahan ng great grandfather niya noong nabubuhay pa ito. Ngayon ay mistula na iyong abandonadong bodega.
Hindi na iyon naasikaso dahil wala rin namang titigil doon. Siya lamang ang paminsan minsang nagpupunta roon. Lalo na sa mga pagkakataong naroon sa kanila si Fritz.
Apo ito ni Lolo Juanito, ang best friend ng Lolo Semyo niya. Taga kabilang bayan lamang ito kaya sa tuwing nagpupunta sa kanila ang lolo nito ay ito ang kasa kasama. Ayon sa lolo niya, nasa South Korea ang mga magulang ni Fritz kaya naiwan ito sa pangangalaga ng abuelo.
Walang ginagawa si Fritz kundi ang asarin siya. Hindi siya sanay sa inaalaska kaya tuwina'y napipikon siya rito.
"Sige na, pumasok kana sa bahay at pinatatawag ka ng lolo mo" sabi sa kanya ng kanyang ina
"Mommy,ayoko pong makita si Fritz" naiiyak niyang pakiusap.
"Huwag mong ubusin ang pasensiya ko, Candy." Kunwa'y galit na sabi nito. Ngunit alam niyang hindi naman talaga ito galit dahil makangiwi ito na tila naawa sa kanya.
Napaluha siya "Mommy, sabi ni Fritz tabachoy raw ako"
"Anak, natural lang na medyo mataba ka dahil bata kapa naman. You're only eight years old" pang aalo nito sa kanya.
"Pero, Mommy, bakit ikaw tabachoy rin?"
Lumuhod ito sa harap niya "Anak, hindi masama ang maging mataba. Nasa lahi natin iyon, wala tayong magagawa. Nakita mo naman ang Tita Baby mo, kasinlaki na ni Dabiana. Si Tita Elizabeth mo, diba mataba rin siya? Pero huwag kang mag alala mababawasan pa naman ang baby fats mo sa katawan" malunanay nitong paliwanag.
"Talaga mommy?"
"Oo. Basta bawasan mo ang pagkain ng chocolates."
Tumango siya
"Halika na?" nakangiting yaya nito.
"Pero, nandoon pa si Frtitz Mommy."
"Hayaan mo na siya. Kapag sinabi niyang tabachoy ka, sabihin mo, inggit lang siya"
"Pero Mommy,sinabi kona iyon sa kanya noong isang beses. Sabi niya Hindi raw siya maiingit sa dami ng bilbil ko" Muli siyang umiyak.
Nasapo nito ang noo niya. "Bueno, sabihin mo nalang sa kanya tumigil siya kundi dadaganan mo siya"
Saglit siyang nag isip."Di po ba bad 'yon?"
"Eh hayaan mona. Magagalit si Lolo mo kapag hindi tayo nagpunta roon. Gusto mo bang magalit si Lolo kay Mommy?"
Umiling siya
Ngumiti ito at inakay na siya pabalik sa loob ng bahay.

NANG makarating sa sala ay kaagad nakita ni Candy ang abot-taingang pagkangiti ni Frtiz. Nahuhulaan na niya kung bakit. Tutuksuhin nanaman siya nito Hobby na yata nito ang aasarin siya.
"Candy, hija, magmani ka kay Lolo Juanito mo"
Utos sakanya niya ng Lolo Semyo niya.
Bantulot siyang lumapit sa pagkat nasa tabi ni Lolo Juanito si Fritz. Matapos niyang magmano rito ay ginulo pa nito ang buhok niya.
Palayo na sana siya nang mapansin ang ginagawa ni Fritz. Pinuno niti ang hangin ang bibig upang lumubo ang mga oisngi nito. Napalabi siya. Inaalaska nanaman siya nito!
"O, mga bata, hala maglaro muna kayo sa labas"
"Pero, Lolo Semyo ayoko pong maglaro"tanggi niya
"Anong ayaw maglaro? May bata bang ayaw mag laro? Hala sige na" pagtataboy nito sa kanya.
Hinawakan naman ni Fritz ang braso niya at iginaya siya palabas ng bahay "Lambot Lambot! Parang marshamallow!" Pinisil pisil pa nito ang matabang braso niya.
Agad niyang binawi iyon "Kapag hindi kapa tumigil  kapag tinukso mupa ako ulit, dada---- Sabi ni Mommy puwede raw kitang daganan" banta niya rito.
Imbes na matakot ay tumawa pa ito.
Lalo siyang nainis "Isusumbong kita kay Mommy pag pinagtawanan mo pa ako. Papaluin ka ni Lolo Semyo"

A/N: Saglit lang guys ahh

Rizumu Academy School Love AffairStories to obsess over. Discover now