(2)

7.4K 113 2
                                    

A/N:

WARNING: SLIGHTLY SPG!

______________________________ 

(2)

SELOS

Bilang isang mabuting asawa kay Whimper, pinilit kong gumising nang maaga para lang maipagluto siya ng breakfast. Mabuti na lamang at nag-aral ako ng cooking lessons last year kaya may alam na rin ako kahit paano.

Binuksan ko ang ref namin para maghanap ng pwedeng lutuin pang breakfast, at halos malaglag ang panga ko. Refrigerator ba talaga ito ng bahay o isang convenient store? Grabe! Halos puno ang double door ref namin. Lahat ng kailangan mong pagkain, inumin at may cake pa nga dito sa loob. Para namang angdami naming nakatira dito? Dalawa lang naman kami ah?

Kumuha na lang ako ng bacon at egg. Iyon na lang siguro ang lulutuin ko. Gusto kong kapag gumising si Whimper ay nakaready na ang kanyang agahan. Ito ang matagal ko nang hinahangad. Ang maipagluto ang mahal kong si Whimper tuwing umaga. Asikasuhin siya bago pumasok sa hospital. Paguwi niya ay may nakahanda na rin hapunan.

"La..La..La." Nakanta-kanta pa ako habang inaayos na sa hapag kainan ang mga naluto ko. Nang masiguro kong kumpleto na ang lahat ay papasok na sana ako sa kwarto. Gigisingin ko sana si Whimper nang biglang bumukas ang pintuan ng aming kwarto.

Naginit ang mukha ko. Bumilis ang tibok ng puso ko. Ang mga paru-paro ko ay parang nageexercise na nagliparan na naman.

Paano ba naman? Naka boxer lang siya habang topless na lumabas ng room. Kitang-kita ang kanyang pandesal na parang ang sarap palamanan nitong hotdog ngayong umaga. Ang kanyang katawan na parang si Machete ang pagka-macho. Gulo-gulo ang buhok niya, pero tingin ko ay bagay sa kanya. Ang gwapo ni Whimper!

"Good morning!" Bati niya sa akin at binigyan ako ng smack sa lips. Kahit ang morning breath niya ay sadyang napaka bango naman talaga..oh oh.

"G-Good morning!" Nauutal na bati ko at nagiwas ng tingin. Hindi ko kayang tumitig sa kanyang katawan. Para kasing naghyhyperventilate ako.

Pinisil niya ang magkabilang pisngi ko kaya napangiwi ako. "Ang cute mong magblush!" Bati niya sa akin na tingin ko ay lalong nakapagpapula sa pisngi ko.

"Kumain ka na." Sabi ko at lumayo ng konti sa kanya at pinaghila siya ng upuan.

Umupo naman siya. Pero nagulat ako ng hilahin niya ako papunta sa kandungan niya. Mygad! Nagtayuan tuloy ang mga balahibo ko nang yakapin niya ako sa bewang at ipatong ang baba nya sa balikat ko.

"Pwede bang ikaw na lang ang agahan ko?" Alam kong nagbibiro lang siya, pero ang puso ko ay parang tumitibok na nang 200 beats per minute. Ang bilis bilis talaga!

"Huh?" Tanging nasabi ko.

Halos manigas ako sa sunod niyang sinabi. "Bakit ba pakiramdam ko ay naiilang ka sa akin? Nakita mo na nga ang lahat ng ito tapos ay ... Aray!" Napangiwi siya ng paluin ko siya sa dibdib.

The MarriageWhere stories live. Discover now