Sa kilay ko naman naglandas ang mga daliri niya habang nakatitig sa akin. "..Naalala mo pa ba kung paano ako mabaliw noon sa iyo? Ako ang unang nainlove sa iyo noong mga panahong ang sungit mo pa." Nangingiting sabi pa niya.

Hinuli ko ang kamay niya at hinalikan ang palad niya. "Naaalala ko iyon. Sobrang sungit ko noon sa iyo. Ang totoo, hindi ko kasi alam kung paano haharapin ang nararamdaman ko sa iyo noon. Inosente pa naman kasi ako noon sa love. Crush lang ang meroon ako." Amin ko sa kanya. 

Hinaplos niya ang pisngi ko gamit ang kamay na hinalikan ko kanina. "Oo nga. Kung sinu-sino kaya ang ang naging crush mo noon? Pati nga si Kuya Dave, hindi ba?" Pangaasar niya sa akin.

Mahinang timpal ko ang kamay niya sa pisngi ko. "Ano ka ba? Crush lang naman iyon noon. Huwag mo na ngang buksan pa iyon." Nagtatampo kunyaring sabi ko.

Natawa siya sa reaction ko. Lumipad ang mga paru-paro sa tiyan ko ng halikan niya ang tungki ng noo ko. "Ok lang. Ang mahalaga naman sa akin ay napa-ibig kita. Hindi mahalaga ang paghanga. Kahit sino ay pwede nating hangaan, pero ang pag-ibig, para sa isang tao lang dapat." Nakangiting sabi niya. Ang gwapo talaga ng ngiti ni Whimper. Hindi mo aakalain na siya iyong nerd na hahabol-habol sa akin dati.

Hinaplos niya ang buhok ko. "Mabuti nga at napaibig kita kahit na ang baduy ng disguise ko noon. Ayoko na kasing pinagkakaguluhan ako dahil sa kagwapuhan ko. Gusto ko na magustuhan ako ng tao dahil sa mga qualities ko. Kaya masayang masaya ako nang mahalin mo ako dahil sa matalino ako, mabait ako, matulungin, magalang, at medyo gwapo pa rin naman kahit medyo baduy noon." Pagyayabang pa niya sa akin.

Natatawang pinisil ko ang magkabila niyang pisngi. Ewan ko ba?! Parang gigil na gigil ako sa kgwapuhan niya. Parang miss na miss ko ang mapanggigilan siya ng ganito.

"Syempre naman no?! Hindi naman pisikal na anyo lang ang nagugustuhan sa isang tao. Kasi ang kagwapuhan o kagandahan ay kumukupas. Pero ang kalooban at katalinuhan ay hindi mababago ng panahon." Sabi ko at masuyong hinalikan siya sa labi. Napangiti nalang ako ng marinig kong napaungol si Whimper sa halik ko. 

Naglayo kami ng konti para sumagap ng hangin. "Ibang-iba ka talaga sa ibang babae, Wifie! Kaya sa tingin ko na FALLING FOR MISS PERFECT like you ang pinakatamang desisyon ng puso ko." At patuloy niya akong hinalikan.

Hanggang sa gumapang ang halik niya papunta sa leeg ko. Ang isang kamay niya ay humahaplos na ngayon sa hita ko pababa. Habang ang isa ay kinakapa na ang zipper ng gown ko sa tagiliran ko. Ako naman ay unti-unti nang kinakalas ang butones ng kanyang 3-piece-suit.

Napasinghap ako ng medyo magtagal siya sa isang bahagi ng leeg ko. Nakikiliti ako kaya naitulak ko siya ng konti. Buong ningning naman siyang tumingin sa aking mga mata. Para bang ako lang ang nagiisang babaeng gagawaran niya ng ganyang tingin.

"Kunyari ka pa. Pinahirapan mo naman ako sa pag-CHASE sa iyo." Nakalabing sabi ko. Medyo napapitlag pa ako nang hawiin na niya ang gown ko pababa. Pagkatapos noon ay pinanuod ko lang siya na hubarin na ang patong-patong niyang pangitaas. Sht! Ang macho naman ng asawa ko! Kaya masisisi ba ninyo ako na hindi ko siya matanggihan noon?

Hinalikan niya ako sa noo. "Para nga tayong mga ewan noon. I was chasing you, you were chasing Rave, and Sam was chasing me. Para tayong mga baliw sa ating walang katapusang pag-CHASE." Nakangiting sabi niya at bumalik na sa pagpapak ng labi ko.

The MarriageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon