Bracelet - One Shot

11 1 0
                                        


Jessie's Story/POV


Nakatulala akong tinitignan ang bawat patak ng ulan na nakikita ko sa labas. Ngunit hindi ko maintindihan kung bakit ang saya-saya tingnan ng mga punong sumasayaw kahit na ang lakas ng ulan.


Bakit ang saya nila?


At bakit ang lungkot ko tuwing uulan?


Bigla naman akong napatigil sa lalim ng aking pag iisip nang tumunog na ang coffee maker.


Mukhang okay na ang kape ko.

Bagay na bagay sa lamig at malakas na ulan.


Inilagay ko ito sa tasa at umupo sa sahig kasama ang mga materyales na gagamitin ko sa paggawa ng bracelet.



Napaisip naman ako, bakit kaya gustung-gusto ko ang pangalan na 'ronel' ?


Hindi ko maintindihan kung bakit gusto ko ng isang lalake na ang pangalan ay ronel.


Ewan, feeling ko kasi meron dun sa taong 'yon ang mga hanap ko.



Ayaw ko sa mga magagarang pangalan katulad ng james, xander, ken, o kahit ano pang magagandang pangalan.


Ramdam ko na halos lahat sila ay manloloko.

Pero, kung ang taong para sa'kin ay hindi ronel ang pangalan... Okay lang basta maging masaya kaming dalawa.



Itinuloy ko na muna ang paggawa ng bracelet.


Isang linggo ko na 'to ginagawa at di pa natatapos. Binibigyan ko kasi 'to ng effort dahil ibibigay ko 'to sa tamang panahon, sa tamang tao.



Nilagyan ko ito ng mga letrang nakasulat ay GUKIRO. 



Maraming ibigsabihin ngunit isa lang ang itinutukoy.


Gusto ko talagang ibigay 'to sa taong nagugustuhan ko.


Kaso, wala pa akong gusto kaya isusuot ko lang muna 'to.

Haha


Ilang oras din bago ko ito natapos. Ang hirap at nakakapagod pero worth it naman dahil ang ganda ng bracelet.


Mukha pa itong matibay.




Dumating ang kinabukasan at ako'y papasok na.

Inaasahan ko namang uulan uli kaya naghanda na ako ng payong at bota.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 29, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Bracelet - One ShotStories to obsess over. Discover now