Chapter fifteen.2

Bắt đầu từ đầu
                                    

"Margaux!" Pasaway na banggit ni Bogie sa pangalan.

Tuluyan nang nasira ang mood niya. Mabilis na bumilis ang tibok ng puso niya at parang nanginginig siya.

"Uwi na 'ko." Aniya na pinigipil ang galit.

"Samahan na kita."

"Bogie, pwede ba?" Tuluyan na siyang nainis. "Gusto kong uminom kaya ako nagpunta dito. At never mo 'kong inihatid pauwi. So please lang pwede? 'Wag mong gawin ang mga bagay na ayaw kong ginagawa mo para sa'kin."

"Ano 'to bumabalik ka sa dati? Ano ba kasi ang sinabi sa'yo ni Althea? Sinisi ka na naman, ano? Pwede ba, Margaux. 'Wag kang magpapaniwala d'yan sa kapatid mong 'yan." Ani Bogie.

Hindi na niya sinagot si Bogie at tinalikuran na lang niya ito. Itinuloy na niya ang paglabas ng club house. Narinig niya ang pagtawag ng kaibigan niya ngunit nagbingi-bingihan siya. Magulo ang isip niya. At ayaw na niya itong kausap. O kahit na sino pa.

Nilakad niya ang kalye patungo sa main road kung saan dumadaan ang mga jeep. Pakiramdam ni Margaux ay gusto niyang manakit. Naiinis siya kay Althea. Dahil siya pa rin ang sinisisi nito sa aksidente ng kuya niya. Ganoon din siya sa kanyang ama. Madalas nitong sabihin sa kanya na mahal siya nito ngunit hindi naman niya iyon naramdaman sa ilang taon niyang pagtira sa bahay nito kasama ng pamilya nito. Si tita Lucile. Mga mata pa lang nito ay nang-uusig na. She saw the pain and anger in her eyes. Na alam niyang ang galit ay para sa kanya. Masakit para sa kanya na kahit kailan ay hindi na siya matatanggap nito. Lastly, her own mother. Until that moment, Margaux felt alone on her fight. Ipinamigay siya ng kanyang ina dahil sa kahirapan. Hindi rin siya pinandigan nito tulad ng kung paano siya hindi kayang ipaglaban ng kanyang ama. Nakabalik lamang naman siya sa buhay ng kanyang ina nang hindi na niya kayang tumira sa mga Montelibano. At hanggang sa kasalukuyan ay wala siyang naririnig na paghingi ng tawad mula sa kanyang ina tungkol sa pag-iwan nito sa kanya. Dahilan upang hindi sila magkaroon ng mas malapit na relasyon. She seldom talks to her. At tila ganoon din ito. Tila umiiwas din sa kanya.

Walang tao nang marating ni Margaux ang waiting shed. Pumasok doon at nag-abang ng jeep. Isinuksok niya ang dalawang kamay sa suot niyang denim blazer. She breathed out in frustration. Hanggang sa magulat siya sa lalaking lumapit sa kanya. Hindi siya kaagad nakakilos.

"H-Hi." Ani Paul sa kanya.

Gustong isipin ni Margaux na namamalik-mata lang siya. Na imahinasyon lamang niya ang imahe ni Paul na nasa harap niya at kinakausap siya. Naikuyom niya ang mga palad na nasa loob pa ng blazer niya. Her lips narrowed trying to control her rage. Lumakas ang tibok ng puso niya dahil sa namumuong galit.

"Pupuntahan sana kita sa club pero nakita kitang naglalakad. Tinatawag kita pero hindi ka naman lumilingon." Sabi pa nito.

Wala siyang narinig na may tumawag sa pangalan niya. At bakit tinatawag siya nito? Anong kailangan nito sa kanya?

"Kumusta ka na?" Tanong niya nang hindi pa rin siya umiimik. Ni hindi rin siya kumikilos.

"S-Si...'yong-"

"Anong kailangan mo?" Sa wakas ay nagawa niyang maglabas ng salita kahit sa nanginginig na tinig.

Paul looked hesitant. Kaagad na rin niyang nasagot ang sariling tanong. Kaya lalong tumindi ang nararamdaman niyang galit para sa dating kasintahan. Wala naman itong magiging ibang dahilan upang bumalik sa buhay niya. But it was too late.

"Ahm, last week pa 'ko dumating eh. Actually..." Mukha talagang nag-aalangan ito sa sasabihin nito. "Si...Mama nang nagpauwi sa'kin kasi gusto n'yang kausapin kita."

"Tungkol saan?" She asked coldly.

Tinitigan siya nito. Sabay bumaba ang tingin nito sa kanyang tiyan. She saw him swallowed.

She got it.

"I lost the baby." Puno ng sakit niyang sabi nang maintindihan ang uri ng tingin ni Paul.

"What?" Natural magulat si Paul. Ngunit ang gulat na iyon ay mag kasamang galit. Kaya lalo siyang nagngalit. "Paanong-"

Umangat ang kamay niya at dumapo ang palad niya sa pisngi nito. Kitang-kita niya kung paano ngumiwi si Paul. Sinigurado kasi niyang malakas ang pagsampal niya.

"Wala kang karapatang magtanong!" galit niyang sabi at bago pa man makabawi si Paul at muling lumapat ang palad niya sa pisngi nito. Sa kabila naman.

"Margaux-" Pinilit pa nitong humarap sa kanya ngunit nagpaulit-ulit ang pagsampal niya dito. She was really out of control. Galit na galit na siya.

"You monster! Sinira mo ang buhay ko!" sigaw pa niya habang pinaghahampas ang dibdib nito. Wala siyang pakialam kung nasasaktan man ito.

Sinikap ni Paul na hagipin ang mga kamay niya upang pigilan siya ngunit nagpumiglas siya. She felt disgusted being touched by him.

"Margaux." Ani Paul ngunit alerto ito upang pigilan siya sakali mang sumugod siyang muli. "Alam mo kung bakit nangyari sa'tin 'yon. At hindi ko sinira ang buhay mo. You are ruined when we met, remember? 'Tapos idadamay mo pa ang baby ko."

Humakbang siya palapit kay Paul. "Paul de Asis, putang ina mo! Go to hell and burn your fuckin' ass. Magsama-sama kayo ng pamilya mong pulos hayup."

Walang nasaigot si Paul sa sinabi niya. Halatang nagulat ito. Kaya bago pa man niya mapaslang ang taong nasa harap niya ay lumayo na siya dito.

SHE KNOWS LOVE (Published under PHR)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ