Pumailanlang ang putok ng baril.

Gayon na lang ang gulat niya ng biglang bumagsak si Eliza sa harapan niya na may tama ng bala sa dibdib. Nalingunan niya si Benedict na hawak ang baril nito at bakas ang hirap sa mukha. Gusto niya itong puntahan pero hindi niya magawang makatayo sa mga tama na natamo.

Mariin niyang nakagat ang ibabang labi nang muling sumigid ang sakit sa balikat at hita. Hindi na niya alam kung paano niya pipigilan ang pagdaloy ng dugo sa mga sugat.

Kailangan niyang makausap si Keith. Like an answered prayer narinig niya ang pag-ring ng cellphone kay Eliza. Inipon niya ang lahat ng lakas para gumapang papunta kay Eliza. Gamit ang walang sugat na kamay ay kinapa niya sa bulsa nito ang cellphone.

Kahit paano ay nabawasan ang takot na nararamdaman niya ng makitang si Keith ang tumatawag kay Eliza.

Tuluyan na siyang napahiga sa sahig at nanginginig na kamay ay sinagot niya iyon.



KATATAPOS LANG ng meeting si Keith kasama ang ama at ilang Board of Directors ng DL Airlines ng sabihin sa kanya ni Cole na may tawag siya galing kay Nessie. Ayaw man niyang marinig ang pangungulit ng kapatid ay parang may kung anong puwersa ang nagsasabi sa kanya na kailangan niya iyong sagutin.

"Brat-"

Pinutol nito ang sasabihin niya. "Oh my God, Kuya. Mabuti at sinagot mo ang tawag ko." Napakunot-noo siya ng marinig ang pag-iyak nito sa kabilang linya.

"Nessie, what happened? Why are you crying?"

Nakuha niya ang atensiyon ng ama ng marinig nito ang pangalan ng kapatid. Maging siya ay nagsimula ng mag-alala.

"Kuya, si Carla. Kailangan mo siyang puntahan. Nasa panganib siya."

Napahigpit ang hawak niya sa cellphone ng marinig ang pangalang binanggit nito. "Linawin mo ang sinasabi mo, brat."

"Nagpunta ako sa bahay ni Eliza para sana yayain siyang lumabas. Then I overheard her talking to someone about getting ready and it's time. I thought she was just talking to one of our friends when I heard her mention Carla and about going to Cavite to kill her."

His heart almost skips its beat. "Ilang oras simula noong makaalis siya diyan?"

"Mag-iisang oras na. Ngayon ko lang nagawang tumawag dahil pinalo niya ako sa ulo ng makita niyang narinig ko siya."

"Damn. I will send someone to pick you up."

Narinig niya ang paghikbi nito sa kabilang linya. "Please save her, Kuya. And tell her I'm sorry for all the things that I did."

"I will."

Ilang sandali din siyang nanatiling nakatingin sa cellphone. Kung si Eliza ang may pakana ng lahat ng ito, ang ibig sabihin nagsasabi ng totoo ang ama niya na wala itong kinalaman sa mga ibinibintang niya dito.

Naramdaman niya ang pagdantay ng palad sa balikat niya. He looked at his father miserably. "I think we have to do something to save her, son."

Then it snapped him out of his senses. Kailangang may gawin siya. Nagmamadali siyang lumabas at tinungo ang elevator. Ilang sandali lang ang nakalipas at huminto iyon sa rooftop ng DL Building kung nasaan ang chopper.

Sinubukan niyang tawagan ang cellphone ni Carla pero walang sumasagot. Ang number naman ni Eliza ang tinawagan niya. Napamura siya ng walang sumasagot sa unang attempt niyang tawagan ito. Hindi niya napigilan ang galit ng sagutin ni Eliza ang tawag niya.

"Eliza, damn it! Don't you dare hurt her or I swear I'm going to kill you."

"Keith."

Relief flooded him when he heard Carla's voice. "Carla, oh God, Angel. Nasaan si Eliza? Sinaktan ka ba niya?" sunod-sunod na tanong niya dito.

"M-may tama ako sa balikat at hita," sagot nito sa hirap na tinig.

Napahigpit ang hawak niya sa cellphone na tila sa ginawa ay mababawasan ang galit at pag-aalala na nararamdaman

"Keith?" mahinang tawag sa kanya ni Carla.

"Yes, Angel?" hindi niya napigilan ang panginginig sa boses.

Narinig niya ang paghugot nito ng malalim na hininga bago magsalita. "Will you marry me?"

Pinigilan ni Keith ang pagtulo ng mga luha sa narinig. Hindi siya puwedeng magpakita ng kahinaan.

"Yes, Angel, I will marry you. Huwag kang susuko, Angel. Kaunting tiis na lang. Malapit na kami."

"Mahal na mahal kita, Keith," she said softly.

"I love you more, Angel. Just please hang on." Binalingan niya si Cole. "Okay na ba ang lahat?" Nang tumango ito ay muli niyang binalikan si Carla. "Talk to me, Angel."

"Keith inaantok na ako," anito sa hirap na tinig.

Panic started to creep into his system. "H-huwag kang matutulog, Angel. Talk to me, please."

"Keith, may isa pa akong sasabihin sa iyo."

"What is it, Angel?"

"Buntis ako."

Hindi siya makapaniwala sa narinig. Magsasalita pa sana siya ng marinig ang pagdisconnect ng linya. Sinubukan ulit niyang i-dial ang number ni Eliza pero out of coverage area na iyon.

Just hang on there, Angel. I'm coming.



HINDI NA maalala ni Carla kung ilang minuto na siyang nakahiga sa sahig at hinihintay ang pagdating ni Keith. Naniniwala siyang darating ito para sa kanila ng anak nila.

Nag-uumpisa ng manghina ang katawan niya at unti-unti ng bumibigat ang talukap ng mata niya. Hindi siya puwedeng matulog hanggat hindi dumarating si Keith.

Napangiti siya ng maalala ang unang pagkikita nilang dalawa at ang mga panahong kasama niya ito. Isang luha ang kumawala sa mata niya ng maisip na baka hindi na siya nito abutan pa. Sinubukan niyang patatagin ang sarili pero pinahihirapan siya ng sakit na nanggagaling sa sugat niya sa balikat at hita.

Napakatahimik ng paligid na parang walang anumang nangyari. Ang paghugot niya ng malalim na hininga lang ang naririnig niya. Hindi na niya kaya pa ang nararamdamang antok at tuluyan ng ipinikit ang mga mata. Ang nakangiting mukha ni Keith ang baon niya sa pagtulog.


Keith, The Heart Thief (Published under Precious Hearts Romances) Where stories live. Discover now