Chapter 20

20K 642 44
                                    

DUMAAN ang mga araw mula ng magproposed si JB sa nobya. At dahil buntis ito ay hindi na niya hinayaan pang mawala ito sa paningin niya. Hands-on ito masyado sa nobya. At gaya nga ng sinasabi nito sa nobya na hindi man siya perfect boyfriend pero handa naman niyang gawin ang lahat para sa pagmamahal niya kay Joan.

"Hubby, ang sikip nitong damit ko." Mangiyak-iyak na ani Joan sa nobyo. Nagbibihis kasi sila para sa kasal ng kaibigan niyang si Gemalyn at kaibigan ng binata na si Andrie. Napangiti naman si JB sabay pulupot niya ng dalawang kamay mula sa likod ng nobya. Hawak-hawak nito ang halata ng tiyan ng nobya.

"Sumisikip kasi nandito si baby." Anito. "Palitan muna lang ang suot mong gown." Dagdag nito sabay kuha niya ng gown para ipasuot sa dalaga. "Okay. Help me." Agad naman itong tinulungan ni JB na hubarin ang sinuot ng nobya na gown para palitan. Bahagya niyang hinalikan ang tiyan ni Joan ng tuluyan niyang mahubad ang sinuot nitong gown na nagpangiti sa dalaga.

Ganun si JB sa pagdaan ng mga araw mula ng malaman nitong buntis ang nobya. May pagkakataong nagigising si Joan na mataman siyang tinititigan ng nobyo habang hinahaplos nito ang tiyan niya. Makikita mo sa binata ang pagkaexcited sa pagdating ng kanilang anak. Kaya nakikinita na ni Joan kung paano magiging spoild ang magiging anak nila ni JB.

Kung hindi lang napakiusapan ni Joan noong nalaman ni JB na buntis nga siya ay baka napuno na ng gamit ngayon ang bahay nila. Dahil gusto ng ipamili ng binata ng gamit ang baby nila. Ngunit pinakiusapan muna ito ni Joan na saka na sila mamimili ng gamit pambaby ay kung malalaman na nila ang gender ng baby nila. Kaya ang nangyari ay siya ang ipinamili ng nobyo ng gamit.

Maging mga libro tungkol sa nagdadalang tao ay namili rin nito ang binata at pinagtyatyagahan niya itong basahin. Kaya masasabi ni Joan na araw-araw din siyang naiinlove sa nobyo dahil sa pinapakita nito sa kanya.

"Thank you, hubby." Pasalamat nito sa nobyo matapus siya nito tulungang magbihis ulit. Isang halik lang sa labi ang tinugon dito ng binata.

"Sigurado akong babae ang magiging baby natin." Maya ay ani JB kay Joan na sinisipat sa harap ng salamin ang sarili. Samantalang nakaupo naman sa kama ang binata. "Paano mo namang nasabi na girl ang gender ng baby natin?" Curious nitong tanong.

"Nararamdaman ko. At nararamdaman kung daddy's girl ang magiging baby natin." Nangingiti nitong aniya. "Um. Kung ganun ay ihanda muna ang sarili mo. Dahil sigurado akong maraming aali-aligid sa kanyang mga lalaki. And remember bago kita nakilala ay saksakan ka ng kapilyohan." Saad nito kay JB sabay kindat niya sa binata.

"Papabantayan ko siya kahit saan siya magpunta. Kung kinakailangang magkaroon siya ng maraming body guard ay gagawin ko." Sagot naman nitong kinatawa ni Joan.

"Sabi ko nga ganyan ang gagawin mo. Kaya ikaw baby, magpapakabait ka. Dahil magkakaroon ka ng over protective daddy." Anitong natatawa parin. "Let's go, baka malate tayo sa kasal nila Andrie at Gemalyn." Maya ay yakag nito sa binata sabay ayos niya ng suot nitong black american suit na bumagay masyado sa kanya.

SA reception tumuloy ang lahat matapus ang kasal nila Andrie at Gemalyn. Habang abala ang lahat sa pagbati sa bagong kasal ay nakaramdam ng pangangalay ng binti si Joan. Kaya agad itong pinaupo ni JB at maingat niyang minasahe ang mga binti ng nobya.

"Hubby, hindi mo naman kailangan gawin ang ganito." Anito sa nobyo na agad siyang hinalikan sa noo. "I'm doing this because I love you. At alam kung hindi madali ang pagbubuntis. Kaya yung pain na mararamdaman mo ay hindi ko pweding akuin yun. Dahil alam nating walang paraan para mailipat iyon sa akin. Kung meron lang ibang way ay aakuin ko na ng hindi ka mahirapan. Dahil alam ko kung ako ang makakaramdam ng mararamdaman mong sakit ay makakaya ko. Kaya kahit ganito man lang ay mababawasan kahit papaano." Seryoso nitong sagot kay Joan.

Because You Loved Me(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon