Chapter 8

20.5K 618 92
                                    

KINABUKASAN matapus mag-almusal nila JB ay agad niyang sinabihan si Joan na maghanda ito dahil dadalhin niya ito sa Dahilayan Adventure Park, Manolo, Fortich. At dahil excited ang dalaga ay mabilis itong nagbihis. Pagkababa niya ay ready na si JB at siya na lang ang hinihintay nito.

"Hindi ka sasama Aeron?" Tanong nito kay Aeron na mukhang lagi na lang may kausap sa tawagan. "No, Jo. Kayo na lang." Sabay taas nito ng tawagan na kinatawa niya ng tipid.

"Let's go." yakag sa kanya ni JB. "Ano yan?" Taka namang tanong ni Joan sa binata ng makita niyang may bitbit itong basket.

"Baon natin, nagpagawa ako ng hindi na natin kailangan pang bumili doon kung nagugutom tayo." Sagot nitong kinatango naman ng dalaga. Agad nga silang lumabas at tinungo nila ang kotse ni JB.

Mga ilang minuto lang ang naging byahe nila ng marating nila ang Dahilayan Adventure Park. At mukhang kilala na dito si JB dahil wala man lang siyang kahirap-hirap na nakapasok. Bawat nakakakita sa kanya ay tinatanguan siya ng mga ito.

Ng maipark niya ang sasakyan ay agad siyang bumaba at ipinagbukas niya ang dalaga. "Saan mo gustong unang pumunta?" Tanong sa kanya ng binata. "I don't know?" Sagot nito. Hindi naman talaga niya alam kung saan siya unang pupunta.

"Okay! Let's walk first. Then after that ay magdiside ka kung saan ang gusto mong i-try." Saad dito ng binata. Agad naman siyang tumango at tipid na ngumiti.

"Um. I have a idea." Maya ay ani JB sabay lahad niya ng kamay. Nagtataka naman itong inabot ng dalaga. May pinuntahan sila ni JB at may kinausap ito. Hindi naman ito maintindihan ni Joan kung ano ang pinag-uusapan nila dahil hindi siya nakakaintindi ng salitang Bisaya. Matapus itong kausapin ng binata ay muli siya nitong inakay.

"Anong gagawin natin dito?" Taka niyang tanong. "Let's ride the helicopter." Sagot nito. Naexcite naman ang dalaga sa narinig. Kaya ng hawakan ng binata ang kamay niya ay agad siyang nagpatianod dito.

Agad silang sumakay sa nakahandang helicopter. Ngunit agad na nagtaka ang dalaga dahil dalawa lang sila ng binata na sakay nito.

"JB, don't tell me_

_just trust me." Putol nito sa sasabihin ng dalaga. Agad niya itong hinalikan sa noo upang mapanatag ang loob nito. "Relax. Ako naman ang kasama mo." Saad pa nito sa dalaga.

Dahil sa tinuran ni JB ay agad na kinalma ni Joan ang sarili. Isang tipid na ngiti ang ibinigay niya sa binata. Kaya agad na inistart ni JB ang makina ng helicopter hanggang sa unti-unti ay umaangat ito. Ng nasa himpapawid na sila ay biglang nawala ang kaba ng dalaga at napalitan ito ng buong paghanga. Ilang minuto rin silang nagpaikot-ikot bago inilapag muli ni JB ang helicopter.

"That was amazing," naisatinig ni Joan ng makababa sila sa helicopter. "At hindi mo sinabi sa akin na marunong ka palang magpalipad ng helicopter." Saad pa nitong kinatawa ng binata.

"It's a secret. Kaya walang nakakaalam." Tangi nitong sagot. "Um. Kaya pala. So, that is our secrets now. Dahil alam ko nang marunong kang magdrive ng helicopter." Nangingiti nitong aniya na kinailing naman ng binata.

Matapus nilang makaalis kung saan ang paliparan ng helicopter ay agad silang naglakad-lakad. Agad namang napansin ng binata na bawat madaanan nilang mga kalalalihan ay napapatingin sa dalaga. Kaya agad niyang hinubad ang suot niyang jacket at ipinasuot niya ito sa dalaga. Hindi naman nagreklo pa ang dalaga. Dahil napapansin rin niya kung paano siya tingnan ng mga nakakasalubong nilang mga lalaki.

Ng marating nila ang sky jumping ay sinubukan rin nila ito ng binata. At ng subukan na nila ang ropes course ay subra ang kabang naramdaman ni Joan kaya mahigpit siyang napahawak sa binata. Ipinaparamdam naman dito ni JB na safe siya hanggat magkasama sila nito.

Because You Loved Me(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon