*tok tok tok tok tok tok tok

"Lira please open up." pakiusap ko sa kanya

 *tok tok tok t--

 "What?" walang emosyong tanong nya

Nakita ko syang naka-ayos na na parang may lakad sya. Gusto kong mag-explain sa kanya. Pero walang lumalabas sa bibig ko, tinitigan nya lang ako.

"If you dont need anything, aalis na ako." sabi nya at humakbang papalayo sakin

"Where are you going?" tanong ko tumigil naman sya pero hindi sya lumingon

"To clean the mess that you did."  sabi nya

"About that…it's not true, it’s not what you think. Oo nagpunta ako sa kanila pero hindi kami nagkabalikan, hindi nya ako tinagga--" hindi nya ako pinatapos

"Next time na makikipagdate ka, siguraduhin mong walang nakabuntot na paparazzi sayo." sabi nya

Lumingon sya sakin at saka ngumiti. Ngiti na halatang pilit. Hindi yung ngiti na pinakita nya sakin noon nung una kaming magkita sa hotel.

"Don’t worry, i can handle this." sabi nya at umalis na.

 --

(AGA)

Sinabihan ako ng mga kaibigan ko na kailangan ko na daw linawin yung lumabas na issue dahil baka lalong lumala. The worst part is, nalaman ni Daddy. Sinabi ko kay Daddy na misunderstanding lang ang lahat. sabi sakin ni Daddy na 

"Diba magkasama kayo ni Liam nung birthday mo?" 

 Sana Dad kung dumating sya.

"Yes Dad." mahina kong sagot

"Bakit may mga ganitong pictures?" tanong nya

Dahil mas pinili nya si Alannah kesa sakin.

"Maaga kasi kaming umalis sa hotel at biglang tumawag si Alannah to greet me a happy birthday, diba Daddy sya yung Marketing Assistant for LV kaya naman medyo close na kami and then Liam and I decided to pay her a visit." 

Napakasinungaling ko na talaga!

"Bakit si Liam lang yung nasa picture?" tanong nya

Kasi nga hindi naman nya ako kasama.

"Kasi Daddy, nauna na ako sa kotse kasi nga pagod na ako at alam mo naman yung mga paparazzi na yan. Kung ano yung sa tingin nila na malaking scope yun lang yung kukuhanan nila. Don’t tell me Dad naniniwala ka na Liam is cheating on me?" sabi ko

"No. Of course not! Syempre nag-alala lang ako sa inyong dalawa. I trust Liam at I know na hindi nya magagawa sayo yun Agatha. Ikaw nga ang iniisip ko dahil baka maniwala ka sa mga lumalabas na balita but now wala naman pala akong dapat ipag-alala." sabi nya

"Thanks Dad." mahinang sabi ko sa kanya

Pagkababa ko ng cellphone koagad akong kumilos para mag-ayos kahit ayoko. Since may kasinungalingan na naman akong nabuo sa utak ko para pagtakpan si Liam kaya naman hindi ko na papatagalin pa. 

--

Tulad nung mga sinabi ko kay Daddy yun din ang sinabi ko sa media. Syempre dapat consistent ako para maniwala sila. Kahit na alam kong pilit na pilit yung mga ngiti ko sa kanila at nasasaktan ako sa bawat tanong na ibinabato nila sakin dahil alam ko naman na totoo, kinaya ko pa ring magsinungaling sa kanila para lang mapagtakapan ko si Liam.

Kung ako lang sana ang masasangkot sa intriga ayos lang, wag lang si Liam.

--

Nagmamadali akong umalis sa venue ng conference para magpunta sa bahay ni Dee. Dun kasi kami magkikita kita ng mga kaibigan ko. Syempre they are dying to know kung ano ba talaga ang nangyari. 

Pagdating doon ako na akong pala ang hinihintay nila at naghihintay ng sagot ko. But instead na magsalita ako, umiyak na lang ako sa harapan nila.

Ang hirap kasi e. Kanina ko pa gustong umiyak pero hindi ko magawa dahil may mga taong makakakita sakin at magkakaroon na naman ako ng issue kung bakit ako umiiyak. At least kapag sa kanila ako umiyak maiintindihan nila ako at hindi nila ako ichichismis.

Naramdaman ko yung pagyakap nila sakin at paghaplos sa likod ko para kalmahin ang sarili ko. 

"Thanks guys." yun na lang ang nasabi ko sa kanila

 --

After kong umiyak at after nilang manahimik at pakinggan ang paghikbi ko inexplain ko na sa kanila yung nangyari.

“Haayy Lira, inlove ka na talaga" malungkot na sabi ni Cams

"So pano yun? Wala na kayong pakialaman ni Liam? Diba parang mahirap yun?" tanong ni Nats

"Yeah. Mahirap pero kailangan e, para mas maging madali pag naghiwalay na kami." mahinang sabi ko

"So itutuloy nyo pa din yung deal nyo?" tanong ni Lan

"Ewan ko, hindi ko pa alam. Iniisip ko kasi na asikasuhin na yung divorce paper namin ni Liam tutal 3 months na lang naman e." mahinang sabi ko

"Hey girl, don’t make any decisions when you're angry. It’s not good" sabi ni Dori

"I’m not angry or mad. I’m just hurting." malungkot na sabi ko

"Baka naman kaya ka nagkakaganyan kasi si Liam pa lang yung hinayaan mong maging malapit sayo ng ganyan." sabi ni Dee

Tinignan ko sya.

"What do you mean?" tanong ko

"Alam mo yun, baka masyado ka lang nasanay sa kanya. Nababaitan? Yung ganun… kasi sya lang yung kasama mo araw araw. Sa kanya ka lang naging malapit." sabi nya

"So sinasabi mong may possibility na yung nararamdam ko for him is not love?" lalo akong naguluhan sa sinabi ni Dee

"Dee naman, tignan mo nga si Lira muka pa bang hindi inlove yan?" kontra naman ni Dori.

"Sinasabi ko lang yung opinion ko."sabi ni Dee

"Maybe Dee is right. Ganito na lang, why dont you try to go out with other guys?" sabi ni Chi

Tinignan ko sya saka ko sya sinagot

"Ano ba. Edi ako naman yung na-issue?" sabi ko. Nonsense naman kasi yung suggestion nya

"I mean hindi naman literal na makikipagdate ka ok? What i mean is, why dont you open your doors sa mga ibang tao? You know para naman hindi lang kay Liam umiikot yang mundo mo." sabi pa nya

"Chi is right. Tutal after 3 months naman goodbye Liam kana. Back to zero ka ulit girl. Ikaw lang yung mahihirapan." pagsang-ayon ni Nats

Nag-isip naman ako sa mga sinabi nila. At some point tama naman sila. Hindi naman kami forever ni Liam. Magdi-divorce din naman kami. Ayoko naman na after namin magdivorce ako yung mukang nalugi. Saka para hindi lang si Liam yung palagi kong naiisp. 

"There's no harm in trying. Right?" sabi ko.

Wala naman masama kung susubukan ko diba?

 ***************************

Marrying Mr. Boring (Published under Pop Fiction)Where stories live. Discover now